Phoenix POV
Seryoso lang akong nakatitig kay Kelly ng hindi ito magsalita, alam kung inis na inis na siya dahil halata sa kanyang mukha pero hindi ako papayag na mawalan ako ng karapatan sa anak ko. Inaasahan ko ng magmamatigas siya kaya kailangan kung gumawa ng paraan para hindi niya ilayo sa akin ang bata.
"Binigyan na kita ng pagpipilian Kelly, nasayo na ang desisyon pero kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na hindi ako makilala ng anak ko." saad ko sa kanya.
"Guguluhin mo lang ang maayos na buhay namin Phoenix, ano pa bang gusto mo? Mukhang okay naman ang buhay mo bakit ba pinipilit mo 'yang gusto mo?"
"Dahil karapatan kung makilala ako ng anak natin Kelly, hindi mo ba maintindihan na 'yon ang gusto ko? Hindi ka naman mahihirapan kung pumayag ka na lang, hindi 'yong magmamatigas ka pa sa akin. Alam mo ang kaya kung gawin, kaya kung makuha sayo ang bata." seryosong anas ko.
"Are you that selfish Phoenix? Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Ano na lang ang mararamdaman niya kapag pinag agawan siya?"
"Ibabalik ko sayo ang tanong Kelly, gaano ka kaselfish para hindi ipakilala ang anak mo sa kanyang ama?" madiin na wika ko.
"Wala kang karapatan na kunin siya sa akin!"
"Hayaan mo akong makilala siya at wala tayong magiging problema Kelly, gusto kung bumawi sa kanya, gusto ko siyang makasama." sambit ko.
"Bigyan mo ako ng sapat na oras para masabi sa kanya ang tungkol sayo, ayaw ko na mabigla ang bata."
"Kailan pa? Ang dami mo ng panahon Kelly! Ikaw lang ang hindi handa kaya huwag mong idamay ang bata. Hindi ako papayag na hindi ko siya makilala ngayon." wika ko, alam ko kasi na kapag pinayagan ko siya ay sigurado akong ilalayo niya na naman ito.
"Fine! Hayaan mo na ako ang magpaliwanag sa kanya mamaya at kapag naging maayos na ang lahat ay hahayaan kita na bisitahin siya dito."
"Hindi lang 'yan ang gusto ko Kelly." anas ko.
Tumingin naman siya sa akin. "Ano pa ba?" inis na sambit niya.
"Matagal ko siyang hindi nakasama, hindi kagaya mo na simula pinanganak siya ay nakasama mo. Gusto ko siyang tumira sa bahay ko." sagot ko sa kanya.
"Nababaliw ka na ba? Sa tingin mo papayag ako na malayo sa akin ang anak ko? Hindi! Dito lang siya sa bahay, kung gusto mo siyang makita ay pumunta ka dito. Hahayaan kitang ilabas siya pero iuuwi mo siya."
"Hindi ikaw ang makakapagdesisyon niyan Kelly, huwag kang maging unfair sa akin. Gusto ko siyang makasama. Take it or leave it." seryosong saad ko.
"Hindi nga pwede! Hindi ako papayag na hindi ko makita o makasama ang anak ko!"
"Ang simple lang naman niyang problema mo, edi sumama ka din sa bahay." ani ko.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata. "Sa tingin mo gusto kitang makasama sa iisang bahay? No thanks!"
"Then be it, I will still get him. Sa ayaw at sa gusto mo, wala kang magagawa. Bakit hindi mo na lang kasi aminin na ayaw mo akong makasama sa iisang bubong dahil mahal mo pa rin ako." nakatingin lang ako ng diretso sa kanya ng sabihin ko 'yon.
"Mukhang kulang ka pa sa tulog, masyado kang assuming! Sa tingin mo ba mamahalin pa kita? Asa!"
Dahan dahan akong humakbang palapit sa kanya pero atras din siya ng atras. "H-huwag kang lalapit!"
"Why? Bakit takot na takot kang madikit sa akin Kelly?" saad ko ng magkaharap na kaming dalawa. "Akala ko ba hindi mo na ako mahal? Pero bakit mukha ibang yata ang kinikilos mo kaysa sa sinasabi mo?" pang aasar ko sa kanya.
"Bakit hindi mo matanggap na hindi na kita mahal? Ganyan ka ba ka desperado na ipipilit mo ang bagay na gusto mo? How cheap!"
"Kaya kung gawin ang lahat para makuha ko lang ang gusto ko Kelly at kasama kayo ng anak ko do'n." saad ko.
"At paulit ulit ko din na ipapaalala sayo na wala kang mapapala sa akin, sa anak mo lang ikaw may responsibilidad."
"Really?" saad ko at hinawakan ang kanyang mukha. "How about this," mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang labi, ramdam ko ang pagkagulat niya ng gawin ko 'yon kaya hindi agad siya nakapalag at napangisi ako ng maramdaman ko ang pagtugon niya dito. I know it, she still love me.
"Mommy!" mabilis niya akong naitulak ng may sumigaw na boses.
"Matt" mahinang saad ni Kelly at naglakad palapit sa bata na kalalabas lang ng kwarto at mukhang bagong gising lang ito.
Nagulat ako ng hindi niya pansinin ang kanyang ina at naglakad palapit sa akin. "Who are you Mister? Hindi ba ikaw ang kasama ni Papa Ninong?" tanong nito sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Hi little kiddo, yes ako nga ang kasama niya ng magkita tayo sa mall." sagot ko sa kanya.
"Then why are you here po? Kilala mo po ba si Mommy?"
"Bestfriend siya ng Papa Ninong mo baby." si Kelly na ang sumagot sa bata.
"Eh kayo po mommy? Anong meron sa inyo? Nanliligaw po ba siya sa inyo?" natawa naman ako dahil sa sinabi niya habang si Kelly naman ay hindi alam ang sasabihin.
"Matt, kasi ano.. magkaibigan lang kami niyan." napaiwas si Kelly ng tingin ng sabihin niya 'yon.
"Magkaibigan po? Pero bakit po kayo nagkikiss na dalawa? Hindi naman po 'yan gawain ng magkaibigan," ngumuso pa ito kaya napatawa na talaga ako ng malakas, pinandilatan naman ako ng mga mata ni Kelly.
"Baby ang mabuti pa ay kumain ka na muna ng almusal, niluto ko ang paborito mo. Pagkatapos mong kumain ay may sasabihin ako sayo." saad ni Kely at saka mabilis naman tumango ito at saka sumunod sa kanya papunta sa dining table kaya sumunod na lang din ako.
Naabutan ko si Kelly na nilalagyan ng pagkain ang anak namin na mukhang excited na sa kanyang kakainin. Hindi ko tuloy mapigilan isipin na kung sana hindi kami nagkahiwalay ay masaya sana ang pamilya namin ngayon.
"Hindi po ba kayo kakain? Masarap po magluto si Mommy," napatingin ako kay Matt dahil sa biglang pagsasalita nito.
Ngumiti naman ako sa kanya. "I know she cooks well," saad ko at nakita ko naman ang pag irap sa akin ni Kelly, malaki talaga ang galit sa akin ng babaeng 'to kahit wala naman akong kasalanan sa kanya.
"Umupo ka na at kumuha ng pagkain, baka naman gusto mo pang pagsilbihan kita? Hindi ka na bata!" pagmamaldita niya sa akin kaya naupo na lang ako sa tabi ng anak namin at saka kumain.
BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomanceSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...