Kylline POV
Nandito ako ngayon sa condo ni Maria kasama si Kelly, kahapon lang kasi kami dumating ni David galing sa bakasyon. At saka nag usap din kasi ang mga pamilya namin kaya natagala kami do'n.
Wala akong masyadong naging balita sa dalawang babae na 'to dahil sa naging busy ako kaya ng makauwi ako ay tinawagan ko agad sila. Miss ko na din kasing kasama ang mga 'to dahil nagiging busy na din kami sa mga trabaho.
"So kamusta naman ang galing ibang bansa?" tanong ni Maria.
"Maganda pa din naman at walang pinagbago." sagot ko sa kanya.
"So kayo anong balita naman sa inyo? Ikaw Maria kailan ka magseseryoso sa lalaki? At ikaw naman Kelly kamusta naman kayo ni Anderson?" tanong ko sa kanila.
Inirapan naman ako ni Maria. "Huwag mo akong tanungin sa ganyang bagay dahil wala pa akong plano. Hindi ko naman kailangan magseryoso o pumasok sa relasyon kasi kahit wala naman 'yon at nadidiligan naman ako."
Napailing naman ako dahil sa kanyang naging sagot, kahit kailan talaga puro kalibugan laman ng utak nito. "Oh ikaw Kelly?" baling ko naman sa katabi ko.
"Maayos naman ang relasyon na meron kami." maikling sagot niya.
"Hay naku Ky, nakaraang buwan nag away 'yan silang dalawa at ang gaga pumunta dito sa condo ko para magpakalasing lang. Ang ending sinundo ng jowa at kinarga pauwi." pagkwento ni Maria.
"Anong pinag awayan?" tanong ko.
"Si Elysse." sagot nito.
"Huh? Bakit?" bigla akong nakuryos dahil sa sinabi niya.
"Eh kasi 'yong maharot na 'yon alam niya naman na taken na si Phoenix pero nilalandi pa din niya. Kung ano ano pa ang sinabi sa akin nakaraan at isa pa sinadyang niya pang mapatid ng nasa isang Cafe kaming tatlo kaya nabasa ako dahil natapon ang frappe sa akin." anas ni Kelly.
"Don't tell me hinayaan mo lang siya?" tanong ko.
"Sa tingin ko ba hahayaan kung gano'n? Kailan ba ako nagpatalo? Syempre sinigawan ko siya kahit na puro paawa lang naman ang ginagawa niya sa harap namin. Akala niya naman madadala niya ako sa ganyan. Masyado siyang plastic." sagot pa ni Kelly.
"So bakit nag away kayo ni Phoenix?" tanong ko pa.
"Paano ba naman sa sobrang init ng ulo niya kay Elysse pati si Phoenix nadamay." natatawang singit ni Maria.
"True ba?" natatawa na din ako dahil sa narinig ko.
Umirap naman si Kelly. "Paano ba naman kasi parang kasalanan ko pa na sinigawan ko ang maharot na 'yon. Sinabi ko lang ang totoo na hindi niya ako mapapaniwala sa pagdadrama niya dahil hindi na ako bata at isa pa hindi naman siya bobo para irason na hindi niya sinasadya kahit kitang kita naman ng dalawa kung mata." saad ni Kelly.
"Tapos?"
"Ayon sinabi niya na tumigil na ako kasi hindi naman daw sinasadya at nag sorry naman na daw, kaya nag walk out ako kasi nakakainis! Sinabi kung magsama silang dalawa. Kaso sinundan naman ako ni Phoenix ng lumabas ako. Pero makisingit din ang maharot na 'yon kasi talagang sumunod pa sa amin at nakisabay." dama ko ang labis na inis sa pagkwento niya.
"Sana sinampal mo para matauhan siya, kapal ng mukha niya. Alam niya naman na nagkakaroon na ng away sa pagitan niyo hindi pa talaga lumayo." anas ko.
"Iyon nga din ang sinabi ko kay Kelly, mukhang nanadya na talaga 'yong babae na 'yon. Baka nga siya lang din nagprepresinta sa kanyang mga magulang na siya ang umattend ng meeting kapag kasama si Phoenix eh." sabat naman ni Maria.
"Akala niya naman papayag ako na manggulo siya, baka sa susunod masabunutan ko na talaga siya kahit nandyan pa si Phoenix." saad naman ni Kelly.
"Mag ingat ka pa din Kelly, hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng babaeng 'yan. Mukhang malaki ang tama kay Phoenix." anas ko.
Kumain lang kami at nagkwentuhan tungkol sa mga buhay namin, sinabi ko na din sa kanilang dalawa na malapit na kaming ikakasal. Inaayos na lang namin ang mga kailangan para tuloy tuloy na. Halata ko sa mukha nila ang labis na kasiyahan dahil sa akin, simula pa noon ay nakasuporta na sila sa akin sa lahat ng desisyon ko sa buhay ko hanggang sa nakilala ko si David at naging boyfriend ay tinanggap nila ito without any judgements.
At masaya din ako ngayon sa nangyari kay Kelly, alam kung mahal siya ni Phoenix at kitang kita naman namin ito. Sinabi din naman sa akin ni David na nagbago na daw ang kaibigan niya at loyal sa kaibigan ko kaya sigurado ako na sa kasalan din ang patutunguhan nila. At kay Maria naman kagaya ng sinabi niya ay hindi pa siya handa pero dinadasal ko pa din na sana makita niya ang taong para sa kanya.
Mayamaya pa ay tumawag na si David na nasa baba na daw siya kaya nagpaalam na ako sa kanila at sumabay na din sa akin si Kelly dahil nandyan na din pala si Phoenix, mukhang sabay ang dalawa na pumunta dito.
Nang makababa na kami ay nakita namin ang dalawa na nakasansal sa kanya kanya nilang kotse, lumapit naman ako kay David at saka hinalikan siya sa pisngi.
"Kamusta?" tanong niya sa akin.
"Okay naman, na miss namin ang isa't isa at sinabi ko na din sa kanila ang tungkol sa kasal na plano nila." sagot ko sa kanya.
Napatingin naman ako sa dalawa na nag uusap. Bakas sa kanilang mukha na masaya sila sa isa't isa.
"Pre, mauuna na kami." saad ni David na tinanguan naman ni Phoenix.
"Bye bessy! See you around." anas ko naman kay Kelly at saka siya niyakap.
"Ingat kayo sa pag uwi." anas niya.
"Kayo din, hoy Phoenix ingatan mo 'yan ha." baling ko sa boyfriend niya at saka sumakay na sa kotse.
"Mukhang si Maria na lang ang single sa inyo." biglang wika ni David ng makaalis kami.
"Oo nga eh, pero active naman ang sex life no'n sadyang ayaw niya pa lang pumasok sa seryosong relasyon." sagot ko naman.
"Makikita niya din 'yong para sa kanya, siguro eenjoy niya muna ang life niya na siya lang."
Tumango naman ako. "Sa aming magkakaibigan ay si Maria ang matapang at alam ko naman na nag eenjoy siya sa kung anong ginagawa niya ngayon. Pero syempre alam naman natin na darating din naman ang araw na magsesettle na siya sa buhay niya." saad ko.
"I love you." napatingin ako sa kanya ng sambitin niya ang katagang 'yon.
"May kasalanan ka ba?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang mag isip ng kung ano diyan. Hindi naman masama magsabi ng ganyan sayo anytime ah."
"Sinisigurado ko lang kasi kapag nagloko ka talagang puputulin ko 'yang kaligayahan mo." bulalas ko.
"Pinapaligaya ka nga nito tapos may plano ka pang ganyan? Nasaan ang hustisya do'n?"
"Winawarningan lang kita 'no! Mahirap na. Mas mabuti ng alam mo na diba? " saad ko habang natatawa.

BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomansaSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...