Chapter 15

323 9 0
                                    


Kelly POV

Alam kung nagtataka ang pinsan ko sa biglaang pagsama ko sa kanya, kanina niya pa ako tinatanong kung ano ang nangyari pero wala akong sapat na lakas para sabihin sa kanya ang totoo. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong ako ngayon at kailangan kung magpahinga.

"Are you sure na okay ka lang?" napatingin ako kay Basti ng muli siyang magtanong sa akin.

"Paulit ulit ka, sinabi ko na nga sayo na okay lang ako," sagot ko sa kanya at ipinikit ang aking mga mata, hindi ako nakatulog ng maayos kaya inaantok ako.

Nagising na lang ako ng maramdaman kung may yumuyugyog sa akin. "Nandito na tayo, gusto mo bang ihatid na lang kita sa inyo? Mukha kasing wala ka pa sa wisyo,"

"Yes, please." anas ko, mukhang hindi naman nagmamadali ang pinsan ko.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ay agad naman akong nagpasalamat sa kanya bago bumaba, niyaya ko pa siya na pumasok muna pero tumanggi 'to dahil may importante pa siyang lakad at bibisita na lang siya sa mga susunod na araw.

Nanlaki ang mga mata ng isang maid namin ng ako ang bumungad sa kanya ng buksan niya ang gate. May bahay kami dito sa Canada at 'yong mga kasambahay namin dito ay naging kasambahay namin sa Pilipinas kaya mapagkakatiwalaan sila dahil matagal na silang naninilbihan sa amin.

"Oh my Ma'am Kelly, nandito ka." bulalas niya at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko din siya pabalik.

"Nandyan ba sina Mom at Dad?" tanong ko sa kanya.

"Oo, wala kasi sila ngayon pasok sa trabaho. Paniguradong matutuwa sila kapag nakita ka nila." saad niya at pumasok na kami sa loob.

Nakita ko silang seryosong nag uusap sa sofa kaya patakbo akong pumunta sa pwesto nila. "Mommy! Daddy!" sigaw ko at dinamba sila ng yakap, nakita ko pa ang pagkagulat sa kanilang mga mukha.

"Kelly,"

"Anak!"

"Sobrang na miss ko kayo." masayang anas ko at niyakap sila ng mahigpit/

"We miss you too anak." nakangiting saad ni Mommy.

"Bakit hindi ka nagsasabi na pupunta ka dito? Sana nasundo ka namin ng Mommy mo." sambit ni Dad.

"Sumabay po ako kay Basti kasi bumalik din siya dito, hinatid niya din ako dito sa bahay pero hindi na siya pumasok kasi nagmamadali siya. Mukhang may meeting siya kaya gano'n." sagot ko.

"Kumain ka na ba anak?" tanong sa akin ni Mom.

"Busog pa po ako Mommy, pero gusto ko ulit matikman ang luto niyo mamaya." saad ko at tumango naman siya.

"Bakit biglaan yata ang pag uwi mo dito anak? Hindi mo ba kasama si Phoenix?" napatingin ako kay Dad ng sabihin niya 'yon.

"Na miss ko lang talaga kayo at saka may gusto po sana akong hilingin sa inyo na kapag nagtanong si Phoenix kung kasama niyo ako sana ay huwag niyo na lang sabihin, alam kung hindi niya naman malalaman na lumabas ako ng ibang bansa dahil private plane naman ang sinakyan namin ni Basti pero kung sakaling tumawag siya sa inyo sana huwag niyong ipaalam." pagsusumamo ko sa kanila.

"Bakit naman anak? Huwag mo sabihin na hindi niya alam na umalis ka? May problema ba kayo?" tanong ni Mommy.

"M-may hindi lang po kami pagkakaintindihan kaya gusto ko muna makapag isip isip." saad ko, nakatingin lang sa akin si Dad na parang sinusuri kung totoo ang sinasabi ko.

"Kung 'yan ang gusto mo ay hahayaan ka namin, malaki ka naman na at alam mo na ang tama sa mali. Pero kilala mo ang boyfriend mo, hindi magtatagal ay mahahanap ka niya." saad naman ni Daddy.

One Hot NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon