Kelly POV
Kanina pa sumasakit ang ulo ko matapos kaming mag usap ng mga magulang ko, kahit anong pilit ko sa kanila na ayaw kung umuwi sa Pilipinas ay hindi nila ako pinayagan. Magtatayo kasi ng bagong branch ang restaurant namin do'n kaya kailangan kung asikasuhin dahil hindi sila makakauwi sa sobrang busy din.
Apat na taon na simula ng umalis ako at malaman kung buntis ako, hindi naman na ako nagulat dahil halos araw araw naman namin ginagawa ni Phoenix 'yon kaya inaasahan ko na mabubuntis niya ako dahil hindi naman siya gumagamit ng proteksyon. Kumusta na kaya siya? Siguro may pamilya na siya.
"Mukhang ang laki ng problema mo ah." napatingin ako sa kakarating lang na si Basti.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Alam kung pinapauwi ka nila Tita sa Pilipinas."
"Oh ano naman ngayon?" patuloy pa rin ako sa paghimas ng sentido ko.
"Kasama mo akong uuwi."
"Ano naman ang gagawin mo sa do'n aber?" inirapan ko pa siya.
Naupo naman siya sa tabi ko. "Ako lang naman ang makakasama mo sa pag aasikaso ng restaurant para hindi ka mahirapan alam ko naman na dadalhin mo si Matt."
Mas lalo pang sumakit ang ulo ko ng maalala kung kasama ko pala uuwi ang anak ko, hindi ko naman siya pwedeng iwan dito dahil walang mag aasikado sa kanya, maraming mga meetings ang mga magulang ko at ayaw ko naman ipagkatiwala lang siya sa mga katulong lalo na kung nasa malayo ako.
"So what's your plan now? Sasabihin mo ba sa kanya?"
"Hindi niya malalaman ang tungkol sa anak niya." seryosong turan ko.
"Sa tingin mo ba matatago mo ang anak mo? Com'on Kelly, isang kita mo pa lang kay Matt ay alam mo agad kung sino ang ama niya dahil kamukhang kamuha siya ni Phoenix,"
"I will make sure na hindi magtatagpo ang landas nila." saad ko.
"Hindi mo mapipigilan ang tadhana kung biglang nagkita silang mag ama Kelly, alam kung galit ka sa kanya pero deserve ng anak mo ang makilala si Phoenix, alam mong matalino si Matt at kahit hindi 'yan nagtatanong tungkol sa ama niya ay alam natin na nangungulila siya dito."
"Alam ko naman ang bagay na 'yon Basti, alam kung hinahanap niya pa din ang ama niya pero masisisi mo ba ako? Siya ang sumira sa amin, he cheated on me! Kung hindi niya sana ginawa 'yon ay buo pa kami." wika ko.
"Did you already hear his side? Hindi pa naman diba?"
"Para ano pa? Para magsinungaling siya? Kitang kita ng dalawang mata ko ang lahat kaya hindi ko na kailangan marinig ang sasabihin niya." anas ko."
"Kayong dalawa lang ang may problema at labas na do'n si Matt, kaya sana mag isip ka ng mabuti at paghandaan ang pwedeng mangyari dahil pag uwi natin hindi malabong hindi mag krus ang landas nila at kapag nangyari 'yon ay malalaman agad ni Phoenix na anak niya si Matt kahit hindi mo pa sabihin dahil para silang pinagbiyak na bunga." tumayo naman siya at tinapik ang balikat ko.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Sa labas at maglalaro kasama ang anak mo, huwag ka ng masyadong mag isip diyan dahil wala ka naman magagawa dahil uuwi na tayo bukas."
Napasandal na lang ako sa upuan ng makalabas si Basti. Hindi ako takot na magkita kami ulit ni Phoenix pero hindi pa ako handa na makilala niya ang anak ko lalo na kung hindi ko pa alam kung may pamilya na ito, ayaw ko masaktan si Matt kapag nalaman niyang may iba ng pamilya ang ama niya.
Sa ilang taon na pananatili ko ay naging maayos ang buhay naming mag ina, wala din akong naging balita sa mga nangyayari sa Pinas kahit pa sa mga kaibigan ko dahil kahit sa kanila ay hindi ko sinabi ang naging plano ko, simula ng umuwi ako dito ay pinutol ko lahat ng koneksyon sa kanila. Siguro ay kasal na si Kylline at si Maria naman sana ay nag seryoso na sa buhay.
Himbis na mag isip pa ako ng kung ano ano ay tumayo na ako para mag impake ng gamit namin ng anak, wala naman din akong magagawa dahil buo na ang desisyon ng mga magulang ko ay ayaw ko naman pabayaan ang negosyo namin at isa pa nandyan naman si Basti alam kung hindi niya kami pababayaan ng anak ko. Saka ko na lang iisipin si Phoenix kapag nakauwi na kami.
May punto din naman ang pinsan ko sa sinasabi niya, hindi ko naman talaga maiiwasan na hindi magtagpo ang landas namin ng ama ng anak ko at hindi rin naman habang buhay ay maitatago ko sa kanya si Matt, pero hindi pa muna sa ngayon.
Halos isang oras din bago ako natapos sa pag aayos, sinisigurado kung wala akong nakalimutan sa mga kailangan ko lalo na sa anak ko. Hindi ko alam kung ano ang kahaharapin namin sa pagbalik sa Pilipinas pero lahat naman ay kakayanin ko para sa anak ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at aabutan ko ang mga magulang ko na nagkwekwentuhan sa sala, mamayang hapon pa naman ang flight namin kaya kahit hindi pa ako mag ayos muna ay okay lang.
"Oh iha, ang aga mo yata magising." saad ni Mommy.
"Maaga kasi akong nakatulog kagabi Mommy, hindi ko na nga alam kung anong oras umuwi si Basti." anas ko.
"Ready na ba ang gamit niyo ng apo ko, anak?" tanong naman ni Daddy.
Tumango naman ako." Inaayos ko na kagabi ang mga kailangan namin." sagot ko naman.
"Pasensya ka na anak kung pinilit ka naming umuwi. Masyado talaga kaming busy ng Daddy mo kaya napagpasyahan namin na ikaw na lang muna ang mamahala do'n." nakita ko ang malungkot na mukha ng ina ako.
"Wala po kayo dapat humingi ng pasensya mom, alam ko naman ang obligasyon ko bilang anak at walang problema sa akin ang bumalik sa lugar na 'yon. Ilang taon na din naman ang lumipas." anas ko.
"Anak, wala ka bang plano sabihin kay Phoenix ang tungkol sa apo ko? Lumalaki na si Matt at alam mo din na minsan hinahanap niya ang kanyang ama, hindi habang buhay na maitatago mo ang katotohanan sa ama niya lalo pa at uuwi kayo ngayon." napatingin ako kay Dad ng magsalita siya.
Napabuntong hininga naman ako. "Hindi naman ako gano'n kasama Dad para ipagkait sa anak ko ang ama niya, siguro nga hindi lang talaga ako handa pa pero alam ko naman na darating ang araw na malalaman din niya ang tungkol sa anak namin." wika ko.
Nakita ko naman ang pag ngiti ng mga magulang ko sa akin. "You're a strong woman Kelly at proud kami ng Dad mo sayo, susuportahan ka namin sa lahat ng desisyon mo. Alam mo kung ano ang tamang gawin. Let him explain his side para malaman mo kung mapapatawad mo siya o kung bibigyan mo ng chance ang tao." seryosong anas ng mommy ko.
"Tama ang mommy mo anak, walang ina na hindi kayang magsakripisyo para sa kasiyahan ng kanyang anak kaya alam kung gagawin mo kung ano ang alam mong tama. Hindi laging tatakbuhan mo ang problema, kailangan harapin mo din ito at hanapan ng solusyon." segunda naman ni Dad.
"Siguro hindi pa ako handa sa mangyayari pero hahayaan ko ang tadhana magdesisyon sa amin ng anak ko, kung magtagpo man ang landas nila ng ama niya ay hindi ko naman ipagkakait 'yon kay Matt. Kung ano man ang problema nami ni Phoenix ay labas ang anak ko do'n pero kung dumating man ang araw na 'yon na makilala niya ang anak ko ay hindi ako papayag na kunin niya ito sa akin." seryosong turan ko.
Walang problema sa akin kung malaman man ni Phoenix ang tungkol kay Matt pero hindi ako papayag na kunin niya ang anak ko sa akin kahit siya pa ang ama, pwede niyyang makita o makasama ito pero hindi niya pwedeng kunin.
Nanatili pa ako do'n dahil nagkwentuhan pa kami ng mga magulang ko, I feel sorry for them kasi ilang taon din silang nagsinungaling kay Phoenix para sa akin, ilang beses tumawag ito sa kanila at nakiusap kung alam ba nila kung nasaan ako pero pinandigan nila na wala silang alam.
Nang una ay nagtataka nga ako kung bakit hinahanap niya ako samantalang may Elysse naman siya, kaya bakit nag aaksaya pa siya ng panahon sa akin. Hinayaan ko na lang din ang bagay na 'yon dahil tumigil na din naman siya sa nanggulo sa mga magulang ko.
Hindi ko din na tanong sa kanila kung may balita sila dito dahil ayaw ko naman na mag isip sila ng kung ano, pero alam ko tuloy pa rin ang pagiging mga investors ng mga ito.
BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomanceSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...