Chapter 32

824 20 23
                                        

Kelly POV

Simula ng huli naming pag uusap ni Phoenix sa harap ni Zion ay hindi na kami nag imikan. I should be happy about it pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang ako makaramdam ng saya, lalo na kapag nakikita ko siyang may kasamang iba ibang babae.

Madalas siyang maaga kapag umaalis ng bahay at minsan naman ay gabi na kung umuuwi, pero kahit na gano'n ay hindi naman siya nagkukulang sa anak namin dahil mayroon pa rin siyang oras para dito. Sa opisina naman ay madalas ko siyang makitang may iba ibang kasamang babae na hindi ko naman kilala.

"Oh anong mukha 'yan?" napatingin ako sa kaibigan kung si Kylline ng magsalita 'to. Magkasama kasi kami ngayon sa isang restaurant dahil napagkasunduan namin na mag mall.

Marahas naman ang pinakawalan kung buntong hininga, "Hindi ko alam," pag amin ko.

Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. "Hulaan ko, tungkol ba 'yan sa ex mo? Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos?"

"Alam mong malabo ng mangyari ang bagay na 'yan Ky," anas ko.

"At bakit naman? May anak kayo, siguro naman ay gusto niyong bigyan ng buong pamilya si Matt,"

"Hindi naman kasi gano'n 'yon kadali. Nandito pa rin 'yong sakit ng nangyari. Nasasaktan pa din ako sa tuwing nakikita ko si Phoenix," wika ko.

"Nasasaktan ka kasi hindi mo siya magawang bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Alam mo sa tingin ko ay kailangan niyo lang mag usap,"

"Ngayon pa? Eh galit na nga 'yon sa akin," saad ko.

"Hindi mo naman kasi siya masisisi girl, tao lang din siya at napapagod. Ilang buwan ka na ba niya sinusuyo at sinusubukan kausapin pero hindi mo man lang siya binibigyan ng pagkakataon. You never tried to hear his side. Kaibigan kita, Kelly kaya gusto ko din na makuha mo ang kasiyahan na deserve mo, halata naman kasing mahal mo pa siya pero ayaw mo lang palayain ang sarili mo sa nakaraan. Hindi ka magiging masaya kung ikukulong mo sarili mo sa bagay na tapos na. Bigyan mo siya ng pagkakataon na magpaliwanag,"

"Hindi ko na alam, natatakot ako." mahinang sambit ko.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Saan ka natatakot? Sa katotohanan na baka mali ang iniisip mo? Na nagsayang ka ng ilang taon?"

Inirapan ko naman siya. Minsan talaga hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko 'to eh, himbis kasi na makapag isip ako ng maayos ay mukhang mas lalo pa akong naguguluhan. Minsan gusto ko ng isipin na may alam siya at ayaw niya lang sabihin sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa pagkain, alam kung hindi titigil ang isang 'to kapag nakipagbangayan pa ako sa kanya.

"Maiba ako, Kelly. Hindi ba at galit na siya sayo ngayon sabi mo? Eh anong ginagawa niyo lang sa bahay kapag nagkikita?" tanong nito ulit sa akin.

"Hindi kami nagpapansinan kagaya na din ng sinabi ko sayo, pero kinakausap niya naman ako kahit papaano kapag nasa harap ng anak namin. Ayaw niya naman siguro mahalata ni Matt na hindi kami okay," sagot ko sa kanya.

Mayamaya pa ay nagtaka ako dahil hindi na nagsalita pa si Kylline at nakatingin lang sa may likuran ko kaya napatingin din ako. Napaawang ang bibig ko ng makita ko si Phoenix papasok na may kasamang babae.

"Are you okay?" nababakasan ng pag aalala sa boses ng kaibigan ko.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Oo naman. Single naman 'yan siya kaya walang masama kung may kasama siyang iba, baka kliyente din."

"Hi, Kelly. "rinig kung bati ng isang boses at nang tingnan ko ay nakita kung 'to ang babaeng kasama ng ex ko.

"Excuse me? Do I know you?" tanong naman ng kaibigan ko.

"Nagkita na tayo sa dating event, it's me Precious." nakangiting pakilala naman nito.

"Oh I see, naalala ko na. Pasensya ka na at hindi ko agad natandaan. Ito pala ang kaibigan ko si Kelly," pagpapakilala niya naman sa akin at nagbatian lang kami.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga yabag palapit sa amin at kahit hindi ko na tanungin ay alam kung sino 'yon.

"Hi, Phoenix. I didn't know na wala ka pala sa office ngayon." saad ni Kylline.

"Actually nasa office nga siya ng magpunta ako, Niyaya ko siyang maglunch." singit naman ni Precious.

"Oh I see, are you two dating?" tanong pa ni Kelly.

Nakita ko naman ang pagtingin sa akin ni Phoenix pero nanatili lang ang tingin ko sa pagkain.

"Honestly h----"

"Yes!" hindi na natuloy ni Phoenix ang kanyang sasabihin ng bigla na naman sumingit ang babaaeng kasama niya. Ano daw? Nagdedate sila?

"Good to hear that, bagay naman sila. Right, Kelly?" baling sa akin ng kaibigan ko. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata, ang sarap niyang sabunutan.

Tumingin naman ako sa dalawang kaharap namin at ngumiti. "Oo naman, they look good together," anas ko.

"Ahm, pwede bang dito na lang kami makitable? Mukha kasing wala pang bakante," saad ng babae.

"Sure, wala naman problema sa amin dahil dalawa lang naman kami ng kaibigan ko." sagot naman ni Kylline kaya mas lalo lang akong naiinis, gusto ko na lang umalis.

Nawalan ako ng gana simula ng makasama namin sila sa iisang table, naiirita din ako sa mga sinasabi ng babaeng kasama ni Phoenix, na kesyo marami daw oras sa kanya si Phoenix at kung ano ano pa. Kung alam niya lang na maraming babae 'yong gago na 'to baka mapahiya lang siya.

"Excuse me guys, magbabanyo lang ako," paalam ko sa kanila.

Napahilamos ako sa aking mukha matapos kung ayusin ang aking sarili, gusto ko na talagang umalis kanina pa pero ayaw ko naman na mag isip sila ng kung ano. Nang tuluyan ko ng naayos ang sarili ko ay agad akong lumabas sa banyo at laking gulat ko na lang ng makita ko si Phoenix.

"Kelly,"

"What?" inis na wika ko.

"About Precious, I j---"

"Cut it out! Wala akong pakialam sa mga babae mo," 

"Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin kayang makinig?" bakas sa kanyang bose ang inis.

"Para ano pa? Para paniwalain mo ako sa kasinungalingan mo? Hindi na, tama na 'yon Phoenix." anas ko.

"Sana matutunan mo din makinig sa ibang tao, hindi 'yong sarili mo lang ang iniisip mo."

"Coming from a cheate like you?" panunuya ko.

Napipikang tiningnan niya naman ako. "Kelly," banta niya sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Truth hurts, Phoenix. Nakakaawa naman 'yong babaeng kasama mo at umaasa na loyal ka sa dating moments niyo when in fact iba ibang babae naman ang kasama mo."

"H-how did you know about it?"

"Maliit ang mundo, Phoenix. Hindi imposibleng makita ko kayo ng mga babae mo." wika ko.

"Wait, are you jealous?"

Natawa naman ako. "Me? Jealous? Huwag kang mag assume ng bagay na malabong mangyari. Kahit sino pang babae ang kasama mo o ikama mo ay wala akong pakialam."

"Right, hindi mo naman kasi talaga ako minahal noon pa man. Kasi kung talagang minahal mo ako ay magtitiwala ka sa akin at hindi tayo darating sa puntong 'to. Tama ka nga naman, bakit pa ako mag aaksaya ng oras para maghabol sayo kung marami namang babaeng mas better sayo at nagkakandarapa sa akin. Sana pala matagal ko ng na realize ang bagay na 'yan. I deserve someone better," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad niya akong iniwan.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Hot NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon