Kelly POV
Kinaumagahan ay nagising ako na walang pa ring katabi, imposibleng hindi siya umuwi tapos hindi man lang ako naalala na tawagan? Siguraduhin niya lang na may maganda siyang rason sa akin dahil malilintikan talaga ang lalaking 'yan.
Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko at kinuha ko ito, kumunot ang noo ko dahil unknown name ang nakalagay. Nagkibit balikat na lang ako at saka binuksan ang mensahe at halos mabitawan ko ang phone ko ng makita ang mga pictures do'n. Magkasama sina Phoenix at Elysse sa iisang kama at tanging comforter lang ang bumabalot sa kanilang katawan, halos kapusin ako ng hininga habang tinititigan ang mga pictures, hanggang sa tumawag ang numerong 'yon na alam ko na kung sino kaya sinagot ko.
"Good morning Kelly, nakita ko na ba ang sinend kung picture sayo?"
"At sa tingin mo mapapaniwala mo ako?" matapang na saad ko.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "Why not? Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin dahil pinaalam ko sayo na magkasama kami. Alam ko naman kasi na hinahanap mo na siya at para hindi ka mag alala pa,"
"Bitch! Hindi ko alam na ganyan ka na pala ka desperada ngayon? Kababae mong tao pero ikaw ang naghahabol sa lalaking wala naman gusto sayo. Ano na lang ang sasabihin sayo ng mga magulang mo kapag nalaman nila." nagtitimping wika ko.
"Trying to act calm despite of what you saw? Alam ko naman na nanggagalaiti ka na sa galit ngayon Kelly. Sinabi ko naman kasi sayo na darating ang araw na maghananap ng ibang putahe si Phoenix pero ayaw mong maniwala. Alam mo naman magaling siya sa kama at kaya niyang pabaliwin ang babae. He can't get over me nga kasi hindi ko na mabilang kung makailang beses niya akong inangkin,"
Mahigpit ang nagawa kung pagkapit sa kama. "Sa tingin mo mapapaniwala mo talaga ako sa kasinungalingan mong 'yan? Hindi niya magagawa sa akin ang bagay na 'yan." anas ko.
"If ayaw mong maniwala then go here to my condo and see for yourself." pagkasabi niya no'n ay ibinaba niya na ang tawag. Tumunog pa ang phone ko at nakita kung sinend niya ang address.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya kahit kitang kita ko naman ang picture, pwede kasing edited lang ang mga 'yon kaya mahirap din maniwala sa mga sabi sabi lang. At para masagot na ang mga katanungan sa isip ko ay nagpasya na lang akong puntahan ang condo ni Elysse, wala namang masama kung gawin ko 'yon. Hindi na ako naligo kung hindi nagpalit na lang. Nag book agad ako ng grab at mabilis din naman akong nakakuha.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, hindi dahil sa wala akong tiwala kay Phoenix pero hindi ko din maiwasan ang isipin na paano kung nagsasabi ng totoo ang babaeng 'yon lalo pa't hindi ito nakauwi at hindi sinasagot ang lahat ng mga tawag ko.
Nang makarating ako sa building kung nasaan ang condo ni Elysse ay mabilis akong sumakay ng elevator, halos tagaktak na ang pawis ko sa sobrang pagmamadali. Hindi ako sigurado kung ano ang pwede kung madatnan do'n pero sana kayanin ko kung ano man ang malaman ko. Sana lang hindi nagawa ni Phoenix sa akin ang bagay na 'yon dahil baka hindi ko kayanin.
Nang bumukas na ang elevator ay dali dali akong lumabas at saka naglakad papunta sa unit ni Elysse, kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagbukas. Sinubukan kung pihitin ito kaya nalaman kung hindi naman pala nakalock.
Dahan dahan akong pumasok sa loob at wala akong nakitang tao. Hindi kaya ginagago lang ako ng babaeng 'yon? Makakalbo ko na talaga siya pag nagkataon!
Napatingin ako sa kwarto at nakaawang ang pinto nito, napalunok ako ng ilang beses bago ako dahan dahan na naglakad palapit do'n. May narinig akong dalawang boses na nag uusap. Unti unti ng nag silaglagan ang mga luha sa aking mga mata ng makilala ko kung kaninong boses ang isa.

BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomanceSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...