Kelly POV
Kanina pa ako pabalik balik dito sa condo na tinutuluyan namin, halos isang linggo na simula ng makabalik kami dito sa Pinas kasama ko ang anak ko at ang pinsan kung si Basti at ngayon ay may gaganapin na meeting at sigurado akong makakaharap ko si Phoenix.
"Parang kang tanga diyan." saad ng pinsan ko.
"Eh ano nga kasi ang gagawin ko, pwede bang ikaw na lang ang pumunta?" tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba naman siya lang naman ang makakaharap mo hindi ka na mapakali diyan, akala ko ba ay wala ka ng pakialam sa kanya so bakit ganyan ka makaasta ngayon? Siguro in love ka pa din sa ama ng anak mo."
"Oh shut up Basti! Alam mong wala na akong pakialam sa kanya." saad ko.
"So be it, harapin mo siya hindi 'yong sobrang tense ka diyan, napaghahalataan ka."
"Wala ka talagang kwenta kausap, akala ko ba kaya ka sumama dito umuwi dahil tutulungan mo ako pero hindi ko naman nararamdaman 'yon." inis na turan ko at ang gago ay tumawa lang.
"My dear cousin ang pagkakatanda ko ay sa bagong branch ng restaurant na bubuksan lang kita tutulungan pero itong meeting sa mga Anderson ay wala akong kinalaman diyan, kaya mo na 'yan ako na ang bahala kay Matt."
Nakakainis talaga itong mga magulang ko, ng isang araw lang sinabi sa akin ang tungkol sa meeting, hindi ko man lang napaghandaan ang bagay na ito. Akala ko naman ay matagal pang magkikita ang mga landas namin ng ama ng anak ko pero mukhang nagkakamali ako, hindi ko alam kung plano ba 'to ng mga magulang ko. Pero tama ang pinsan ko kailangan umayos ako at huwag kung ipahalata na naaapektuhan pa rin ako. Ang lalaking 'yon ang may kasalanan sa akin kaya hindi dapat ako maging bitter, kailangan kung ipakita sa kanya na naging maayos ang buhay ko at okay na okay ako.
"Mommy, can I come?" tanong sa akin ng anak ko.
"You can't baby, bawal kasi ang bata do'n at isa pa meeting ang pupuntahan ko. Si tito mo na muna ang bahala sayo." sagot ko naman sa kanya.
Ngumuso naman ito kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Baby, work kasi ang pupuntahan ni mommy kaya hindi ka pwedeng sumama, hindi ba at gusto mong bumili ng mga toys at books? Pwede kang samahan ng tito Basti mo." nakangiting saad ko sa kanya.
"Really mommy?" tanong nito sa akin at tumango naman ako.
"Makinig ka muna sa mommy mo little boy, hindi pa siya handa kasi kaya siya ganyan." natatawa na anas ng gago.
"Basti! Nagdidilim ang paningin ko sayo!" sigaw ko sa kanya.
"Why po? Why is mommy not ready? Is there any problem?" pag uusisa ng anak ko, ito na nga ba ang sinasabi ko, masyado pa naman matanong ang isang to. Nakuha niya talaga sa ama niya ang pagiging matalino.
"Huwag kang magpapaniwala diyan sa tito mo, alam mo naman na may sapak sa utak 'yan." saad ko na ikinatawa ng anak ko.
"Wow Kelly, ako pa talaga ha? Kung hindi ko kaya bantayan ang anak mo para mapilitan kang isama 'yan at makita ng kanyang a — aray!" sigaw niya ng matamaan siya ng binato kung unan.
Kahit kailan talaga ang daldal ng lalaking ito, dinaig pa ang mga babae. Plano pa yata niya akong ilaglag sa anak ko. Kung hindi ko lang ito pinsan ay ang sarap na lang ipasalvage.
"Tumayo ka na diyan Basti at ihatid mo na ako bago kayo dumiretso sa mall." utos ko sa kanya kaya agad naman itong sumunod.
Habang nasa byahe kami ay hindi pa din nawawala ang kaba sa dibdib ko. Pero dapat kung kayanin ito, nakaya ko nga ng apat na taon na wala siya ngayon pa kaya, eh ano naman kung magkita kami natural lang 'yon dahil isang mundo lang ang ginagalawan namin at isa pa magkasosyo sa negosyo ang pamilya namin. Hindi na ako ang Kelly na kilala niya noon, malaki na ang pinagbago ko at hindi na ako maniniwala pa sa mga kasinungalingan niya.
Nang makarating na kami sa tapat ng Anderson Company at mabilis kung inayos ang gamit ko. I should be presentable sa harap nila.
"Susunduin pa ba kita mamaya?" tanong sa akin ng pinsan ko.
Umiling na lang ako. "Mag cocommute na lang ako mamaya, tatawagan na lang kita kapag tapos na ang meeting." sagot ko sa kanya.
"Sige, ikaw ang bahala."
"Baby, aalis na si Mommy ha. Mag behave ka, huwag kang pasaway sa tito mo." habilin ko sa anak ko.
"Yes po mommy, bait po si Matt. Ingat po ikaw. I love you mommy." saad niya at hinalikan ako.
"I love you too baby." nakangiting sambit ko.
"Goodluck cousin." alam kung nang aasar lang itong pinsan ko kaya inirapan ko na lang siya at saka lumabas na ng kotse.
Tuloy tuloy lang ang pagpasok ko sa opisina dahil kabisado ko naman ang buong sulok ng lugar na ito, akmang magsasara na ang elevator ng may humarang dito na isang lalaki.
"Devone?"
"Zion?"
Halos sabay na naibulalas namin ng lalaking humarang dito.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.
"I will be attending a meeting, how about you?"
"Mukhang pareho tayo ng pakay dito. Kailan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya.
"Matagal na akong nakauwi dito, alam mo na ako lang ang inaasahan ng pamilya ko kaya hindi pwedeng magliwaliw ako." natatawang turan nito.
"Puro kasi pambababae ang inaatupag mo." pang aasar ko sa kanya na ikinatawa niya lang.
Nakilala ko si Zion ng nasa ibang bansa ko, sa isang Cafe unang nag krus ang landas namin hanggang sa naging close kaming dalawa at naging magkaibigan.
Nang tumunog na ang elevator at sabay na kaming naglakad na dalawa, bumalik na naman ulit ang kaba na nararamdaman ko mabuti na lang at may kakilala ako.
"Are you okay?" tanong nito sa akin.
"Oo naman, bakit?" sagot ko sa kanya.
"Namumutla ka kasi eh."
"Sadyang maputi lang ako kaya akala mo namumutla ako." saad ko.
Nagkibit balikat naman siya at ng sa tapat na kami ng conference ay unti unti niya ng binuksan ang pinto nito at saka pumasok habang ako ay nakasunod lang sa kanya.
"Hello guys, late na ba kami? I'm with Devone pala." narinig kung saad niya at hinawakan ang kamay ko.
Dahan dahan kung inangat ang paningin ko at nakita ko ang mga taong nasa loob, hindi nakaligtas sa akin ang madilim na mukha ni Phoenix habang nakatingin sa kamay namin ni Zion habang si David naman ay nakaawang ang labi na halatang nagulat.
"Tigilan mo ang kalandian mo Zion dahil meeting ito." halos kinilabutan ako sa lamig ng boses ni Phoenix.
"Chill dude." itinaas pa ni Zion ang kanyang mga kamay, kanina pa ako napapaisip kung magkakilala silang dalawa.
"Dito ka na maupo sa tabi ko Devone." saad ni Zion at hinila ako.
Halos ilang beses akong napalunok dahil sa nag aapoy na tingin na iginawad sa akin ni Phoenix. Ang kapal naman ng mukha niyang magalit sa akin.
"Bumalik ka na pala Kelly." tanong sa akin ni David.
Nahihiyang ngumiti naman ako. "Nang isang linggo lang, may kailangan kasi akong ayusin sa restaurant namin at kahapon lang din ako sinabihan ni Mommy tungkol sa meeting." sagot ko sa kanya.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Zion sa aming dalawa.
"Kaibigan siya ng asawa ko." sagot ni David at bumaling ng tingin kay Phoenix sabay ngisi. "
Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Zion, wari'y hindi naiintindihan ang sinasabi. "Don't tell me." halos pabulong na wika nito at saka tumango si David.
"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo." saad ko.
"Obcourse Devone, David and Phoenix is my best friend." sagot naman sa akin ni Zion.
Halos mapamura ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya, hindi ko man lang alam na magkakilala pala ang mga ito at ang mas matindi at magkaibigan pa. Kinakabahan tuloy ako, tangina alam ni Zion ang tungkol sa anak ko kaya kailangan ko siyang makausap.
"Tigilan niyo ang chismisan dahil hindi ito reunion. Let's start the meeting." singit naman ni Phoenix.

BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomanceSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...