Chapter 8

425 10 0
                                    

Kelly POV

Nang pumasok ako sa opisina ay agad kung ginawa ang mga pendings na naiwan ko dahil hindi ko natapos lahat kahapon ng dumating si Phoenix. Masaya ako sa nagiging takbo ng restaurant namin kaya sobrang proud ang mga magulang ko sa akin. Alam na din nila ang tungkol kay Phoenix dahil sinabi ko na at nakausap naman nila ito ng tumawag sila sa akin, marami pa kasi silang inaasikaso kaya hindi pa sila makauwi dito para personal na makita ito.

Sa sobrang focus ko ay hindi ko na namalayan pa ang oras at ng tiningnan ko ito ay mag alas tres na ng hapon. Biglang nag ring ang phone ko at nakita kung si Phoenix ang tumatawag sa akin kaya sinagot ko naman ito agad.

"Babe, I'm still in the meeting with Ellyse ." saad nito sa akin kaya biglang nawala ang ngiti sa labi ko.

"Kayong dalawa lang?" tanong ko sa kanya.

"Yes, pero malapit na din naman matapos."

"Ako na lang ang pupunta diyan, mamaya baka landiin ka pa ng babae na 'yan." anas ko.

"Are you sure? Hindi mo dala ang kotse mo."

"Magcocommute na lang ako." wika ko.

"Alright. I'll wait for you here."

Agad ko naman inayos ang mga gamit ko at saka umalis, kung akala ng babaeng 'yon ay makukuha niya ang boyfriend ko ay nagkakamali siya. Ang dami namang lalaki sa mundo bakit gusto niya pang makisabit sa taong taken na. Mayadong makati.

Nang makalabas ako sa restaurant ay pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa lugar na sinabi sa akin ni Phoenix, malapit lang naman 'yon dito kaya alam kung hindi naman matatagalan ang biyahe ko.

Nang nasa tapat na ako ng Cafe ay nagbayad na ko sa driver at saka bumaba. Naglakad ako papasok sa loob at hinanap kung nasaan si Phoenix at ang higat na 'yon. At biglang nag init ang ulo ko ng makita ko sila, masayang nakikipag usap si Ellyse sa boyfriend ko at may pa hampas hampas pa ito. Kapag siya ang hinampas ko ng upuan sigurado akong hindi na siya uulit.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya ng mapatingin sa gawi ko si Phoenix at nakita kung ngumiti ito. "Hi baby," bati niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Hello, Ellyse sa." baling ko sa kaharap niya, bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ng makita ako, marahil ay hindi niya inaasahan na makita ako. Hindi yata sinabi sa kanya ni Phoenix na pupunta ako.

"H-hello Kelly." pabalik na bati niya sa akin at saka ngumiti.

Iginaya naman ako ni Phoenix na umupo sa kanyang tabi, nagpaalam muna siya sa amin para bilhan ako ng pagkain kaya naiwan kaming dalawa.

"Hindi ko alam na pupunta ka." saad niya sa akin.

"Tinawagan kasi ako ni Phoenix at sinabi niya nga sa akin na may meeting pa siya pero patapos na din kaya sinabi ko sa kanya na ako nalang pupunta kung nasaan siya. Hindi ko alam na hindi niya pala nabanggit sayo." anas ko.

"We are in the meeting so I wonder why are you here? Hindi ba dapat ay nasa trabaho ka pa?"

"Ang pagkakaalam ko din ay tapos na ang meeting niyo ng dumating ako. Bakit pakiramdam ko ay disappointed ka sa pagdating ko? Dahil ba hindi mo malandi ang boyfriend ko?" nakangiting wika ko.

Bakas sa kanya ang gulat pero bigla ding napalitan ng ngisi. "Bakit threaten ka ba na maagaw ko siya sayo? Kaya takot na takot ka kapag magkasama kami?"

Natawa naman ako ng bahagya. "What are you talking about? Ako threaten sayo? Bakit? Sino ka ba?"

"Alam mo tanggap ko naman kung ganyan ang isipan mo, knowing Phoenix? He's a womanizer at ano bang malay mo kung gusto niya tumikim ng ibang putahe ng hindi mo alam diba? At sa tingin ko wala naman espesyal sayo."

"Was a womanizer, Ellyse dahil hindi niya na ginagawa ang bagay na 'yon simula ng maging kami. Hindi niya na din kailangan tumikim ng ibang putahe dahil sapat na ako sa kanya, halos araw araw na nga namin ginagawa eh. Sa buong sulok ng condo niya ay may memories kami do'n at iba't ibang posisyon pa." pang iinis ko sa kanya.

"Magsasawa din naman siya sayo kaya huwag kang masyadong kampante."

"Hindi mo na problema ang bagay na 'yon dahil alam kung hindi naman mangyayari. Alam mo Ellyse maraming lalaki diyan sa paligid, huwag kang masyadong despearada na maghabol sa taong hindi ka naman mahal." nakita ko ang galit sa kanyang mukha pero napalitan din ito ng ngiti ng makita niyang pabalik na sa pwesto namin si Phoenix na dala dala ang pagkain ko.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang iusog ang kanyang paa dahilan para ma out of balance si Phoenix at matapos ang coffee ice tea sa damit ko.

"OMG! I'm sorry, hindi ko sinasadya." saad ni Ellyse .

Agad naman na lumapit sa akin si Phoenix at pinunasan ang damit ko, hindi naman marami ang natapon pero nabasa pa rin ako.

"Nanggagago ka ba?" asik ko sa kanya.

"Baby, calm down." pagpapakalma sa akin ni Phoenix at hinawakan niya ang kamay ko.

"Pasensya na talaga Kelly, hindi ko napansin na naglalakad siya kaya inunat ko ang paa ko namamanhid kasi." nagpapaawang turan niya.

"Tigilan mo ako sa kaartehan at kadramahan mo dahil hindi mo ako maloloko! Hindi ako pinanganak kahapon para maniwala sa bulok mong rason! Hindi ka naman siguro bobo!" sigaw ko sa kanya, wala akong pakialam kung may makarinig sa amin dahil naiinis talaga ako sa babaeng 'to.

"Kelly, stop it!" suway sa akin ni Phoenix habang si Ellyse naman ay hindi na nagsalita at yumuko na lang. Tanginang maharot na ito, gusto pa yata akong palabasin na masama.

"What now? Nalunok mo na ba yang dila mo para hindi makasagot ha!" singhal ko pa rin sa kanya.

"I said stop it Kelly! Narinig mo naman na hindi niya sinasadya diba? At isa pa nag sorry na naman siya." bakas sa boses ni Phoenix ang galit.

"At talagang kakampihan mo pa ang babaeng 'yan? Wow naman! Ako pala ang kontrabida dito ngayon." sarkastikong wika ko.

"Baby, please."

"Fine! Magsama kayong dalawa!" saad ko at saka tumayo na at umalis.

Mabilis ang naging hakbang ko, gusto ko na makalayo sa lugar na ito. "Ano ba!" sigaw ko ng may biglang humatak sa braso ko at nakita kung si Phoenix ito.

"Baby, let's talk please." pagsusumamo niya sa akin.

"Wala tayong dapat pag usapan!" sigaw ko.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi niya naman sinasadya ang nangyari eh."

"Oh tapos? May sinabi pa ba ako? Wala na diba? Kaya nga umalis na ako." anas ko.

"Baby,"

"Alam ko kung ano ang nakita ko Phoenix at alam kung sinadya niya 'yon."

"Huminahon ka, pag usapan natin 'to."

"Stop it! Uuwi na ako, bumalik ka na sa babaeng 'yon." galit na sambit ko.

Mayamaya pa ay lumapit sa amin si Ellyse . "Phoenix, pwede bang isabay niyo na ako umuwi? Wala kasi akong dalang sasakyan." saad nito, napatingin naman sa akin kaya inirapan ko lang siya at nauna ng sumakay sa kotse.

"Una mo akong ihatid sa condo." anas ko sa kanya.

"What? Sabay na tayong umuwi, idaan na lang natin si Ellyse ." sagot niya naman sa akin.

"Malapit lang naman ang condo mo dito kaya idaan mo na ako dahil pagod na ako, gusto ko ng makapag shower dahil basa nga ako diba?" mas diniinan ko pa ang pagkakasabi ko no'n.

Bumuntong hininga lang naman si Phoenix at saka tumango.

"Wait me there, ihahatid ko lang siya at uuwi na ako." sabi ni Phoenix ng nakarating na kami sa tapat ng building kung nasaan ang condo niya.

Tumango na lang ako at saka bumaba ng kotse, hinintay ko muna silang makaalis bago sumakay sa taxi. Hah! Anong akala niya ay uuwi ako sa kanya? Asa siya.

One Hot NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon