Chapter 23

285 8 0
                                    

Basti POV

Pagpasok pa lang ng pinsan ko ay kitang kita ko na ang busangot niyang mukha na akala mo ay pinagsakluban ng langit at lupa. Gusto ko na lang matawa pero pinigilan ko dahil baka mas lalong mainit.

"Si Matt?" tanong niya sa akin ng makaupo sa tabi ko.

"Nakatulog na siya, masyadong napagod kakalaro kanina kaya ng makauwi kami ay binihisan ko na siya." sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman kung gano'n."

"Oh anong nangyari sa meeting? Kamusta naman ang paghahara niyo ng ama ng anak mo?" tanong ko sa kanya.

"Disaster! Bwisit na lalaking 'yon."

Natawa naman ako. "Kalma ka lang, masyado kang highblood." saad ko.

Ikwenento niya sa akin ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Phoenix hanggang sa nangyari sa Cafe, kaya siguro ganito na lang siya ka inis dahil sa nangyari.

"Hindi naman kasi malabo na hindi kayo magkita na dalawa at dapat simula ng umuwi ka dito sa Pinas ay inasahan mo na ang bagay na 'yan." saad ko.

"Kailangan talaga madaliin na natin ang dahilan kung bakit tayo nandito Basti, hindi kami pwedeng magtagal ng anak ko dito."

"Alam mong hindi ganoi'n kadali 'yang sinasabi mo, marami pa tayong dapat ayusin para mapatayo ang branch na 'yon." kontra ko naman.

Bumuntong hininga naman siya. "Hindi na kami safe ng anak ko, okay lang sana kung ako lang pero kasama ko si Matt."

"Alam mo Kelly, hindi mo matatago ng matagal ang anak mo. Sooner or later ay malalaman din ni Phoenix na may anak kayo. Iyon ang mas dapat mong paghandaan hindi 'yong kung paano mo ilalayo ang bata sa kanyang ama." anas ko.

"Hindi ko alam Basti, hindi pa talaga ako handa."

"Hindi ka ba talaga handa o talagang ayaw mo lang talaga ipaalam sa kanya ang totoo? Don't be selfish cousin, isantabi mo muna ang nararamdaman mo o kung ano man ang problema niyo ni Phoenix, isipin mo muna ang anak mo." wika ko.

"Sa tingin mo ba hindi ko iniisip ang bagay na 'yon? Alam mo kung paano ako nagdusa dahil saksi ka do'n, hirap na hirap ako sa pagbubuntis ko."

"Nakukuha ko ang punto mo pero sa tingin mo ba pinagdadaanan mo ang lahat ng 'yan kung sino mo lang ang totoo sa kanya? Hindi mo alam ang pwedeng mangyari kung hindi ka umalis." sabi ko.

"Masisisi mo ba ako? Nasaktan ako! Siguro naman kung ikaw ang nasa posisyon ko ng panahon na 'yo ay hindi mo na alam kung ano pa ang iisipan mo."

"Naiintindihan naman kita, valid ang feelings mo kasi nasaktan ka. Pero ang iniisip ko ay ang anak mo. Alam mong hinahanap niya ang kanyang ama, hindi mo naman pwedeng sabihin palagi na busy sa trabaho. Ano na lang iisipin ni Matt na hindi man lang siya kayang bigyan ng oras ng sarili niyang ama? Pag isipan mo ng mabuti ang sinabi ko sayo Kelly, iniisip ko lang ang alam kung makakabuti para sa pamangkin ko, huwag mong hintayin na kamuhian niya ang kanyang ama dahil lang sa pagiging makasarili mo." pagkatapos kung sabihin 'yo ay tumayo na ako at nagpunta sa kwarto.

Kelly POV

Nang makaalis ang pinsan ko ay dumiretso ako sa kwarto ng anak ko na mahimbing ng natutulog, mukhang napagod talaga siya sa gala kasama ang kanyang tito. Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at dahan dahan na hinimas ang kanyang buhok. Ang dami daming pumapasok sa isipan ko ngayon. Una ay ang muling pagkikita namin ni Phoenix, pangalawa ay nalaman kung magkaibigan sila ni Zion, akala ko nga ay hindi siya papayag sa hiling kung huwag muna sabihin sa kaibigan niya ang tungkol sa anak ko. Alam kung wala akong karapatan na pakiusapan siya sa bagay na 'yon dahil halos magkapatid na ang turingan nilang dalawa samantalang kami ay ilang taon pa lang magkakilala. At ang pangatlo ay ang mga sinasabi sa akin ng pinsan ko.

One Hot NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon