Chapter 26

312 8 0
                                        

Kelly POV

Kasalukuyan akong umiinom ng kape habang nanonood ng tv, kanina pa kasi ako nakauwi at inayos ko lang ang lahat ng mga papeles na kailangan ko sa trabaho kaya nagpapahinga na ako ngayon. Hinihintay ko na lang na makauwi sina Basti at ang anak ko dahil nag mall silang dalawa.

Mayamaya pa ay narinig ko na ang boses nilang dalawa at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko silang papasok. "Hi, mommy." bati sa akin ng anak ko at hinalikan ako sa pisngi. 

"Hello baby, kumusta naman ang lakad niyo? Did you enjoy?" tanong ko sa kanya.

"Yes po mommy, nag play po ako tapos kumain kami ni Tito. Alam mo po ba mommy na nakita ko si Papa Ninong he is with his friends tapos mommy 'yong isa po ay kamukha ko." napalunok ako ng ilang beses dahil sa sinabi ng anak ko at saka napatingin kay Basti na mabilis naman nag iwas ng tingin.

"What did you say Matt?" tanong ko sa anak ko. Alam kung si Zion ang tinutukoy ng anak ko pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa kwento nito.

"Iyong isang friend ni Papa Ninong po ay kamukha ko, I also ask him kung siya po ba ang Daddy ko kasi diba po ang sabi niyo ay kamukha ko ang Daddy ko kaya 'yon po ang naisip ko kasi kung siya po 'yon happy na po ako na nakita ko po siya." mahabang saad nito, gusto kung sabunutan ang pinsan ko dahil dito.

"Baby, magbihis ka na muna ng damit mo. Hindi ba marunong ka na? Me and your Tito will talk." anas ko at tumango naman siya saka naglakad papasok sa kwarto.

"Explain now Basti." madiin na wika ko.

"It was accident Kelly, hindi ko naman alam na nando'n si Phoenix sa mall at kung saan kami kumain. Hindi ko din talaga napansin kung hindi sinabi ni Matt na nando'n si Zion, akala ko nga ay mag isa lang siya huli ko na nakita na kasama niya pala ang mga kaibigan niya." paliwanag nito.

"Edi sana umalis na kayo agad sa lugar na 'yon! Bakit mo pa hinayaan na makalapit ang lalaking 'yon sa anak ko? Nag iisip ka ba Bast?" inis na turan ko.

"Iyon naman ang plano ko pero tinawag ng anak mo si Zion, paano ko mapipigilan 'yon kung narinig na nila. Hindi naman pwedeng basta ko na lang hilain palabas ang bata lalo na't lumapit na si Zion sa kanya."

"Kahit na! Ilang beses ko na sinasabi sayo na kung pwede ay iwasan mong magkaharap sila ng anak ko, alam mo naman na magkamukha sila at hindi tanga si Phoenix para hindi malaman na anak niya 'yon. Alam mong malawak ang koneksyon ng lalaking 'yon at anytime malalaman niya ang totoo. Nasa naman inisip mo 'yon." saad ko.

"Bakit ako ang sinisisi mo? Kasalanan ko ba ang nangyari? Hindi naman ako manghuhula Kelly para malaman na nando'n ang ama ng anak mo. Nagmamagandang loob lang ako na igala si Matt para hindi siya ma bored dito tapos ngayon ganyan pa ang sasabihin mo sa akin. Edi ikaw na ang magbantay sa anak mo para hindi ka manisi ng ibang tao! Hindi ko kasalanan kung nakatadhana silang dalawa na magkita, kung tutuusin ikaw din naman ang may kasalanan kasi tinatago mo ang anak mo sa kanyang tunay na ama! Kasi sarili mo lang ang iniisip mo, 'yang nararamdaman mo lang ang mahalaga sayo pero hindi mo inaalala ang nararamdaman ng anak mo. Ni hindi mo nga alam na gustong gusto niya makasama ang ama niya pero pinagkakait mo 'yon sa kanya kasi iniisip mo na masasaktan ka ng hindi man lang iniisip na ang anak mo ay nangungulila sa kanyang ama! Hindi mo nakita ang mukha ni Matt ng kinakausap niya kanina si Phoenix, hindi mo alam kung gaano kumislap ang kanyang mga mata sa pag asang ama niya ang kaharap niya. Simula ngayon, ikaw na ang mag alaga sa anak mo." mahabang pahayag niya at saka ako tinalikuran.

Napaiyak na lang ako dahil sa sagutan naming dalawa ng pinsan ko, hindi ko dapat sinasabi sa kanya ang mga bagay na 'yon dahil siya lang naman ang nag aalaga palagi sa anak ko lalo na kapag wala ako. Dapat ay hindi ko siya sinisi dahil tama naman ang sinabi niya, hindi namin mapipigilan ang tadhana kung magkikita sila kahit anong gawin ko

Naging selfish nga ba talaga ako? Hindi ko man lang alam na gusto makilala ng anak ko ang kanyang ama pero hindi niya masabi sa akin 'yon dahil ayaw niya akong masaktan. Siguro nga tama si Basti na sarili ko lang ang iniisip ko, takot akong masaktan ulit kaya hindi ko magawang sabihin kay Phoenix ang totoo. Pero alam kung wala na akong takas, kung totoong nakausap nito ang anak ko ay sigurado akong papaimbestigahan niya ito.

Mayamaya pa ay inayos ko ang aking sarili at pinuntahan ang anak ko. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nanonood ng tv.

"Matt, gusto mo bang kumain?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya. "Busog pa po ako mommy." sagot niya naman.

"Hindi ka ba napagod?" umupo ako sa tabi niya.

"Medyo po, pero kaya ko pa naman po. Nanood na lang muna ako ng cartoons."

"Anak tungkol sa sinabi mo nakaraan tungkol sa Daddy mo." panimula ko.

"What is it mommy?"

"Hindi ba ay gusto mo siyang makita?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Opo, pero kahit sa malayo lang ay okay na po ako doon Mommy, hindi ko na po kailangan ng malapitan. Sapat na sa akin ang makita ko lang siya."

Ngumiti naman ako sa kanya. "Pasensya ka na anak ha, kung matagal mong hindi nakita ang Daddy mo." saad ko.

"Alam ko pong may rason kayo, at kapag malaki na ako maiintindihan ko din po ang bagay na 'yon."

"Thank you baby, sa ngayon kasi masyado pang complicated at isa pa bata ka pa kaya hindi mo pa masyadong maiintindihan ang mga nangyayari." anas ko.

Ngumiti naman siya sa akin. "Akala ko nga po talaga Daddy ko ang friend ni Papa Ninong, kasi mommy para po akong nananalamin kanina ng magkaharap po kami, tinanong ko pa nga po siya kung siya ang Daddy ko pero naisip ko din po na baka may mga gano'n talaga sa mundo magkakahawig kahit hindi naman sila magkaano ano."

Niyakap ko naman siya ng mahigpit. "You are always be my blessing Matt." bulong ko sa kanya, ramdam ko naman ang pagyakap niya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa susuod na mga araw, alam kung hindi titigil si Phoenix kapag hindi niya malaman ang totoo. Hindi naman tanga ang ama ni Matt para hindi malaman na anak niya ito lalo na't makahawig silang dalawa. Alam kung magagalit ito sa akin sa oras na malaman niyang anak niya ito dahil tinago ko sa kanya, pero hindi ako papayag na kunin niya ang bata sa akin. Ipaglalaban ko ang anak ko, dahil hindi naman ako ang nagloko sa aming dalawa.

One Hot NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon