Phoenix POV
Kasalukuyan akong nag dadrive papunta sa condo kung saan nakatira si Kelly. I need to talk to her about our son, hindi ko man lang alam na may anak pala kami at mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin ang totoo. Mabuti na lang at nakita ko ang bata sa mall ng minsan kaming kumain do'n ng mga kaibigan ko.
Flashback...
Kasalukuyang nasa harapan ko ang taong binayaran ko para alamin kung may anak ba si Kelly at hindi nga ako nagkakamali dahil nasa harapan ko na ang pruweba. Hindi ako makapaniwala na tinago niya sa akin ang bagay na 'yon.
"Nandyan na lahat sa folder ang mga kailangan niyong malaman Sir, buntis na siya ng magpunta sa ibang bansa at do'n din nanganak." saad ng investigator.
"May iba ba siyang naging kasintahan? Sino ang lalaking palagi niyang kasama, 'yong kasama ng anak ko?" tanong ko.
"Tito siya ng anak mo Sir, dahil pinsan ito ni Ms. Kelly. At isa pa walang ibang naging kasintahan ito kaya siguradong ikaw ang ama ng bata. Nandyan na din naman ang DNA result na pinaayos niyo Sir at positive ang resulta."
Agad ko naman kinuha ang DNS result at binasa ito, tama nga siya ng sinasabi at anak ko nga ang batang nakilala ko sa mall. Kung gano'n alam ng kaibigan ko ang tungkol dito at wala man lang siyang sinabi sa akin.
"I will deposit your payment in your bank, tatawagan na lang kita kapag may mga kailangan pa ako." saad ko.
Tumango naman siya. "Mauuna na ako Sir." paalam niya at saka lumabas ng opisina ko.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Kelly para hindi man lang ipakilala sa akin ang anak namin. Ilang taon na ang lumipas at ilang beses na din kami nagkita pero hindi niya man lang nabanggit ang bagay na ito. Hindi ako papayag na hindi ako makilala ng anak ko, kung ayaw ni Kelly madaan sa maayos na usapan ay gagamitin ko ang koneksyon ko para lang mabawi silang dalawa.
"Anong meron?" napatingin ako sa pinto at nakita ko si Zion at David kaya akong tumayo sa pagkakaupo at walang sabi na sinuntok si Zion. Tangina na lalaki ito.
"Fuck, Phoenix!" sigaw niya habang sapo sapo ang kanyang mukha.
"Tarantado ka! Kailan mo pa alam ang tungkol sa anak ni Kelly?" galit na saad ko.
"Hey! Anong nangyayari? Si Kelly may anak?" naguguluhang tanong ni David.
"Kumalma ka Phoenix, wala akong plano na itago sayo kaso nakiusap sa akin si Kelly kaya hindi ko naman siya mahindian." paliwanag ni Zion.
"Kaya mas pinili mong paglihiman ako? Damn you!" sigaw ko sa kanya.
"Teka nga! Tangina niyo, ipaliwanag niyo sa akin ang nangyayari." inis na turan ni David.
"Iyang gago nating kaibigan, alam niyang may anak kami ni Kelly pero hindi niya man lang sinasabi sa akin, kung hindi ko pa nakita ang bata sa mall ay hindi ko malalaman. Kaya kamukhang kamukha ko at magaan ang loob ko sa bata dahil anak ko 'yon!" nagtitimping saad ko.
Tiningnan naman ni David si Zion. "Totoo ba Zi? Kailan mo pa nalaman?" tanong nito.
"Hindi ba sinabi ko sa inyo na nagkakilala kami ni Kelly sa ibang bansa at nakwento niya ang nangyari sa kanya. Hindi ko pa alam na si Phoenix 'yong tinutukoy niya. Hindi ko nga alam na naging magkarelasyon pala sila kung hindi tayo nagkita kita. At nang malaman ko ang tungkol sa kanilang dawala ay kinausap ko agad si Kelly dahil nga sa bata, pero nakiusap siya sa akin na huwag kung sabihin dahil hindi pa siya handa." anas nito. "Phoenix alam kung galit ka, pero intindihin mo din si Kelly kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yon. Nasaktan siya kaya hindi niya alam ang gagawin. Oo tinago niya ang bata sayo pero sana kausapin mo siya ng maayos." dagdag pa nito.
"Anak ko 'yon Zi! Alam kung galit siya sa akin pero hindi naman tama na itago niya ang bata sa akin. Sana hindi niya 'to dinamay dahil labas na ang bata sa kung anong hindi namin pagkakaunawaan. Ilang taon na ang lumipas na wala man lang ako sa tabi ng bata. Deserve ko naman siguro malaman na may anak ako diba? Ilang beses na kaming nagkita pero ni minsan hindi niya man lang sinubuksan na sabihin sa akin dahil alam kung wala talaga siyang plano na ipaalam sa akin." galit na wika ko.
"Chill dude, alam kung mahirap ang nangyayari ngayon pero huwag mong hayaan na pangunahan ka ng emosyon mo. Mas lalo kayong hindi magkakausap ng maayos ni Kelly kung uunahin mo ang init ng ulo mo. Siguro naman ay alam niya ng nakita mo na ang anak mo dahil pinsan niya ang kasama nito sa mall, imposibleng hindi ito sasabihin ng lalaki sa kanya pati ng anak niyo. At hindi din naman tanga si Kelly para hindi isipin na hindi mo papaimbestigahan ang bata at kahit naman hindi mo 'yon gawin ay halata naman na anak mo dahil kamukhang kamukha mo. Ang mabuti pa ay kausapin mo ng maayos." wika naman ni David.
"Gusto talagang ubusin ni Kelly ang pasensya ko, kung hindi siya papayag na makilala ako ng anak ko ay gagawa ako ng paraan para siya mismo ang lumapit sa akin. Alam niyo naman ang babaeng 'yon matigas ang ulo." anas ko.
"I can't believe na may anak ka na." natatawang sambit ni David.
"Kahit ako naman ng malaman ko na si Phoenix ang ama ni Matt nagulat din ako, nang nasa ibang bansa pa kasi kami iniisip ko na may kamukha ang bata kaso hindi ko naman agad naisip si Phoenix kasi wala naman akong ka alam alam. Hindi naman nagbabanggit ng pangalan si Kelly kung sino ang ama." segunda naman ni Zion.
"So anong plano mo ngayon?" tanong sa akin ni David.
"Hindi ako papayag na hindi ako makilala ng anak ko, ilang taon akong naghintay kay Kelly alam mo 'yan David. Halos saan ko na siya pinahanap pero hindi ko makita dahil wala siyang records sa airport. At ngayon na nakabalik na siya at may anak kami mas lalong hindi ko siya papakawalan. Kahit pa magalit siya sa akin wala akong pakialam." seryosong turan ko.
"Hanga din ako kay Kelly, ang tibay niya din 'no? Ang galing pang magtago. Ang talino niya para mag private plane para lang hindi siya ma trace." bulalas ni David.
"Alam niya kasi ang kakayahan ni Phoenix, kung hindi niya ginawa 'yon ay marahil matagal na siyang nakita." singit naman ni Zion.
End of Flashback..
Napapailing na lang ako pag naaalala ko ang nasa isip ko, alam ko kung gaano katigas si Kelly kaya bumuo na ako ng plano kung sakaling hindi siya pumayag na makasama ko ang anak ko.

BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomantikSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...