Chapter 17

321 10 1
                                        

Phoenix POV

Nagdaan pa ang mga araw pero wala pa rin akong balita tungkol kay Kelly na mas lalong ikinainis ko, saan ba siya pwedeng pumunta at hindi ko man lang magawang makita. Tumawag na din ako sa mga magulang niya pero wala din pala silang alam, buong akala nila ay nandito lang ang anak nila. Hindi ko na lang din sinabi sa kanila ang problema na meron kami ni Kelly dahil ayaw ko naman na mag isip pa sila.

Sa mga buwan at araw na hindi ko nakikita si Kelly ay pakiramdam ko para akong patay na buhay, halos nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay, mabuti na lang at laging nakaalalay sa akin ang kaibigan kung si David.

"Pare, tama na 'yan at umuwi na tayo." pagyaya sa akin ni David.

"Mauna ka na, hindi pa naman ako lasing." saad ko.

"Hindi kita pwedeng iwan dito na mag isa at baka mamaya ma aksidente ka pa."

Inom lang ako ng inom at halos hindi ko na masyadong maintindihan ang sinasabi ni David sa akin. Alam kung nag aalala lang siya sa akin, halos ilang beses na din kasi akong naaaksidente.

"Alam mo pare, wala naman magagawa ang paglalasing mong 'yan. Bakit hindi mo na lang ayusin muna ang buhay mo para kung sakaling magkrus ulit ang landas niyo ay maayos ka na. Sa tingin mo ba kung ikukulong mo ang sarili mo o kaya patuloy kang magpapa miserable ay babalik siya? Pati ang trabaho mo ay napapabayaan mo na, alalahanin mo ikaw ang CEO ng kompanya,"

"Si Kelly lang ang kailangan ko David." mahinang usal ko.

"At hindi siya matutuwa sa ginagawa mong 'yan. Kung ako sayo ay ayusin mo ang sarili mo para pagbalik niya ay may mukha kang ihaharap sa kanya,"

Hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy na lang sa pag inom, paano ko naman kasi aayusin ang buhay ko kung wala na si Kelly? Siya lang ang pahinga ko sa nakakapagod na araw at mundo, siya lang ang naging liwanag ko sa madilim kung buhay.

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nandito at nakakaramdam na din ako ng kalasingan at 'yon nga ang gusto ko para pag uwi ko ay makatulog na ako agad.

"Pare, lasing ka na."

"Kaya ko pa." saad ko.

Napailing na lang siya. "Ikaw kaya mo pa pero ang katawan mo hindi na." natatawang sambit niya.

"Hayaan mo na lang ako David, gusto ko lang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko." anas ko.

"Hindi sagot ang alak diyan pare, kahit buong araw ka pang uminom ay hindi mawawala ang sakit, sasakit lang ang ulo mo pero ang sugat sa puso mo ay hindi maghihilom."

"H-hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan niya akong iwan, kung bakit kailangan niyang umalis ng walang pasabi. Bakit hindi niya man lang ako magawang pakinggan! Ang sabi niya may tiwala siya sa akin pero tangina! Bakit hindi ko maramdaman ang tiwalang sinasabi niya." that's the time I break down. Kahit na gabi gabi na akong umiiyak pero ang mga luha ko ay hindi pa din nauubos.

"You should understand her Phoenix, hindi madali sa kanya ang nakita niya at alam mong nasaktan talaga siya ng sobra. Kahit naman siguro sayo mangyari ang bagay na 'yan ay hindi mo din alam kung ano ang iisipin o gagawin. Hindi porke't hindi niya pinakinggan ang paliwanag mo ay wala na siyang tiwala sayo. Babae 'yan at alam mong doble ang sakit sa kanila kapag nakita nilang may kasamang iba ang taong mahal nila ano pa kaya ang nakita niyang nakahubad kayo sa kama ng babaeng kinamumuhian niya."

"Pero hindi din naman rason para iwan niya ako, binigay ko naman lahat sa kanya lalo na ang pagmamahal ko pero parang hindi sapat. Ang dali lang sa kanyang iwan ako! Gusto kung magalit sa kanya! Gusto kung kamuhian siya! Pero hindi ko magawa kasi mahal ko siya!" at do'n na ako napahagulgol, mabilis naman na lumapit sa akin ang kaibigan ko.

"Pull yourself Phoenix! You're better than this."

"Anong nangyari diyan?" rinig kung tanong ng isang boses at ng tingnan ko kung sino ito ay nakita kung si Maria.

"Ayan nababaliw pa rin sa kaibigan mo." rinig kung sagot ni David.

"Kung ako sayo Phoenix ay ayusin mo ang buhay mo, hindi 'yong ganyan ka. Ano na lang ang mukhang ihaharap mo kay Kelly kung ginagawa mong miserable ang buhay mo?" panenermon ni Maria sa akin, saksi sila sa naging buhay ko nitong mga nakaraang buwan.

Mabilis ko naman siyang hinawakan sa braso. "M-maria." sambit ko sa pangalan niya.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Oh bakit?"

"P-parang awa mo na, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Kelly. N-nakikiusap ako sayo," pagmamakaawa ko at hinawakan ko pa ang kanyang mga kamay.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito. "Ilang beses ko na sinabi sayo Phoenix na wala talaga akong alam kung nasaan ang kaibigan ko. Kasi kung alam ko lang ay hindi ko naman itatago sayo lalo na kung nakikita kitang ganito."

Agad naman akong napabitaw dahil sa sinabi niya, alam kung wala talaga silang alam ni Kylline.

"Hayaan mo muna si Kelly, hindi naman kasi madali sa kanya ang nangyari kahit pa sabihin na walang katotohanan ang lahat ng 'yon pero nasaktan pa din siya sa nakita niya. Give her space, alam kung babalik din siya kapag naging okay na siya. All you have to do is to wait at habang ginagawa mo 'yon ay ayusin mo din ang buhay mo." dagdag pa ni Maria.

Marahil nga ay tama silang dalawa ni David, kailangan kung patuloy na mabuhay, hindi pwedeng ganito na lang ako palagi, hindi pwedeng sirain ko ang sarili ko. Alam kung hindi magugustuhan ni Kelly kapag ganito ako. Kailangan sa pagbalik niya ay gano'n pa din ako at mas lalo pang maging successful.

"Hihintayin kita Kelly, kahit gaano pa 'yon katagal. Aasa akong babalik ka at magiging masaya tayo ulit. Hindi ako magmamahal ng iba kung hindi lang din ikaw." bulong ko sa sarili ko.

Nanatili pa kami ng ilang minuto do'n hanggang sa napagpasyahan na naming umuwi. Hinatid na ako ni David dahil alam niyang hindi ko na kaya ang mag drive pa. Nang makarating kami sa condo ko ay nagpaalam din agad siyang aalis dahil hinihintay siya ni Kylline sa kanyang condo. At dahil sa labis na kalasingan ay agad akong nakatulog.

One Hot NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon