Maria POV
"Oh anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" nakapamaywang na tanong ko kay Kelly pagbukas kong pinto.
Hindi siya nagsalita at pumasok na lang sa loob. "Ay wow girl! Ano ako hangin?" pagtatalak ko pa.
"Dito na muna ako, naiinis ako."
"Bakit anong nangyari?" umupo ako sa tabi niya.
"Nakakabwisit kasi ang maharot na babaeng 'yon! Ang sarap kalbuhin."
"Sino? Hindi ako manghuhula dito." saad ko."Sino pa ba? Edi 'yong Ellyse na 'yon."
"Seryoso? Anong ginawa?" tanong ko sa kanya at nagsimula na siyang magkwento.
"Aba dapat sinampal mo 'yon eh, magbibigay na lang ng rason baluktot pa. Mayaman nga pero bobo naman!" asar na anas ko.
"Iyon na nga eh kaya nasigawan ko talaga siya dahil sa katangahan niya, masyado pa siyang paawa akala niya naman madadala niya ako sa drama niya. At ang nakakainis pa itong si Phoenix siya pa ang kinampihan porke't hindi naman daw sinasadya at nagsorry naman daw. Isa din sa bobo ang lalaking 'yon eh."
"So kaya ka nandito dahil naiinis ka sa kanya o nag away kayo?" tanong ko.
"Alam niyang galit ako sa ginawa niya. Kaya nag walk out ako pero hinabol niya ako kaso may asungot na naman na pumagitna at talagang nakisabay pa sa amin kasi hindi niya daw dala ang kotse na. At dahil maawain ang boyfriend ko pumayag naman. Kaya sinabi kung una niya akong ihatid sa condo niya bago ang babaeng 'yon."
"Hindi ka umuwi sa condo niya at dito ka dumiretso? Naku girl tiyak hahanapin ka no'n." anas ko.
"Bahala siya sa buhay niya!"
"Ang mabuti pa ay uminom na lang tayo." at tumayo na ako para kumuha ng alak.
Inom lang kami ng inom habang nagkwekwentuhan, tumawag pa nga sa amin si Kylline para mangamusta, nasa ibang bansa kasi sila ni David at hindi pa nakakabalik ulit dito.
Halos dalawang oras na kaming umiinom at sigurado akong lasing na itong kasama ko, halos gawin ba namang tubig ang alak eh sa labis na galit kay Phoenix.
"Kaya mo pa ba? Lasing na lasing ka na?" natatawang tanong ko.
Inirapan niya naman ako. "Anong akala mo sa akin weak? At saka kahit malasing ako ay ayos lang dahil nandito naman ako sa condo mo."
"Kung ako sayo tawagan mo na ang jowa mo at baka kanina pa 'yon naghahanap sayo." utos ko sa kanya pero ang gaga umiling lang at saka tinungga na naman ang alak.
Nagpaalam lang ako saglit para ipagluto siya ng mainit na sabaw, ayaw niya din naman kumain kaya ito na lang para kahit papaano ay mainitan ang kanyang tiyan. Nang matapos akong magluto ay bumalik ako sa sofa at nakita ko siyang lumapaypay na pero patuloy pa din sa pag inom. Pambihirang babae.
"Oh ito, humigop ka muna para naman mainitan 'yang tiyan mo." saad ko sa kanya at agad niya naman itong sinunod.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa maubos niya na ang niluto ko. Alam ko naman na kahit magkaaway sila ay magkakaayos din naman sila. Masaya ako sa nangyayari sa buhay ng mga kaibigan ko, sana kung dumating man ang lalaking para sa akin ay kasing swerte nila. Mahirap ng masaktan 'no.
Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto, kumunot naman ang noo ko dahil wala naman akong natatandaan na may bibisita sa akin. Tumayo na ako para tingnan kung sino 'yon at pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Phoenix.
"Nandyan ba si Kelly?" tanong nito sa akin.
Hindi ko alam kung tatango ba ako o magsisinungaling dahil alam ko naman na ayaw siyang makausap ng kaibigan ko pero huli na naman para gawin ko ang bagay na 'yon dahil sigurado akong alam niya na nandito ang hinahanap niya.

BINABASA MO ANG
One Hot Night
RomanceSi Kelly ay namamahala sa restaurant na pag mamay ari nila. She has everything in life, mayroon siyang mapagmahal at supportive na mga magulang. Halos matatawag na isang perpekto ang kanyang buhay, walang inaalalang problema hanggang sa makilala niy...