Nasa sala sila Rostica at tyahin nyang si Rosita habang si Don Facundo naman ay nakaupo at umiinom ng kape. Ipinakikilala sya nito sa Don. Mukha naman itong mabait at pumayag na makituloy muna sya sa pamamahay nito. Hindi rin ito nagusisa kung bakit biglaan ang kanyang pagluwas.
"Ilang taon ka na nga pala, hija?" Tanong ng butihing Don.
"Eighteen po. Magnineteen na po ako sa susunod na buwan." Kiming sagot nya dito. Kahit naman kasi mukhang mabait at mukhang magkakasundo sila ng Don, hindi naman ganoon ka kapal ang mukha nya para magfeeling close.
"Nasa legal na edad ka na pala para magasawa." Nakangiti pa nitong sabi.
Bigla namang kumabog ang puso nya sa sinabi nito. 'Wag naman po sana akong pagpantasyahan ng Donyo na ito' bulong nya sa isip.
"Naku, wala pa po sa isip ko ang magasawa. Bata pa po kasi ako." Nakangiti nyang wika kahit sa isipisip nya ay gusto na nyang ngumiwi.
"May boyfriend ka na ba?" Tanong uli nito.
Juicekodai! Mukhang type sya ng Don.
"Wala po. BATA pa po kasi ako." Binigyang diin nya ang salitang bata para kung ano man ang nasaisip ng butihing Don ay masugpo.
Gustong kilabotan ni Rostica ng makita niya ang kakaibang ngisi ng Don sa sinabi nya.
"Mabuti naman kung ganun. May gusto kasi akong ibigay sa iyo na trabaho kapalit ng pananatili mo dito at pagpapaaral ko sa'yo." Wika nito sa kanya.
Lahat ng agam-agam at pagdududa sa utak nya ay naglaho ng marinig buhat sa salitang trabaho at aral buhat sa binig ng Don.
"Maraming salamat, ho!"
Mangiyak-ngiyak na pasalamat nya sa butihing Don. She didn't even bother asking him what her job would be. Di na sumagi sa isip nya na baka gawin siyang agogo dancer nito o kaya ay gawing patungan ng kalamansi ang ulo nya habang may tumatarget noon gamit ng butcher knife sa circus. All she could think of is that the Don can be her ticket to a brighter future. Baka itong Don na ito ang magiging daan sa pagtupad nya ng mga pangarap para sa sarili at sa pamilya.
"Di moan lang ba ako tatanungin ano ang ibibigay kung trabaho sa iyo?" Nakangiting tanong ng Don sa kanya na mukhang naaaliw sa reaksyon nya.
"Hanggat hindi po iligal at buwis-buhay, kahit ano pa po yan, ok lang sa akin, lolo." Abot tenga'ng wika nya. Hindi man lang nya napansin ang pagtawag niya dito ng lolo na ikinangiwi ng tyahin nya at ikinagulat ng Don.
"Bueno, at dinner time today I will introduce you to your job." Wika nito na sinabayan ng tayo. Silang dalawa nalamang ng tiyahin nya ang natira ngunit hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa labi nya.
"Tiya, may trabaho na ako! Makakapag-aral na ako!" Impit na tili nya habang nakakapit sa braso ng tyahin nya at niyoyugyug ito.
"Narinig ko."
May pagka'cold din itong tyahin niya paminsan.
"Magtigil ka nga kakayugyug sa braso ko. Imbis laylay na gani, samotan pa jud nimo."
-kita mo na ngang saggy ang braso ko niyuyugyug mo pa. Lalo tuloy magsasaggy yan-
Para namang walang narinig si Rostica at itinuloy ang ginagawa sa braso ng tyahin.
"Matutupad ko na ang mga pangarap ko tiya. Pangarap ko na pansarili at para sa pamilya. Makakatulong na ako sa pagaaral ng mga kapatid ko. Makakapagpadala na ako ng pera kina mama. Makakapagpatayo na ako ng palasyo. Mabibili ko na ang sabungan ng matandang hukluban na iyon. Makakapagpa'five/six na ako. Matatalo ko na yung mga turko na nagpapautang ng kumot, kaldero, kutson,kurtina,palanggana at ibp. Magiging milyonarya na ako. Magpapa-" isang batok sa ulo ang nagpagtigil sa nonstop na pagdiday'dreaming ni Rostica.
"Hoy, ang layo na ng inabot ng pangandoy mo ah. -pangandoy/pangarap- Hindi ka pa nga nakakapagsimula ng trabaho at nakakapagenroll sa skwela, inagawan mo na nang negosyo iyong mga kawawang turko na nagpapautang." Nakapameywang na sabi nito sa kanya.
"Joke lang po. Ito naman si ante di na mabiro." Wika nya dito sabay himas sa nabatukang ulo.
"Ambot sa imo. Maski unsa ra na imong nahibalan da. Buti pa pumunta ka doon sa kusina at tumulong magluto. Malapit na ang hapunan. Wag ka ring makakalimot magsuklay para naman maging presentable yang salag sa ulo mo." Itong tyahin talaga nya halata ang inggit sa buhok nya.
Yung buhok kasi nya yung parang telephone wire ang kulot na oa sa volume. At very magical. Biro mo 5 years in the making ang buhok nyang hanggang balikat ang haba. At kahit magkagalit ang dulo ng bawat hibla ng buhok nya at naghiwalay ng landas, di nya kaylan man naisip na tanggalin ang mga iyon sa puno. -in short di nya pinutol split ends nya-. At pagbasa yun, talo ang models ng lahat ng comercial ng shampoo sa ganda at haba.
"Ante, asset ko itong tinatawag mong salag. ASSET." Binigyang diin nya talaga ang salitang asset.
"O sya, asset na kung asset mo yang buhok mo sa baba na umakyat sa ulo." She told her in a dismissal manner.
Sasagot pa sana sya ng makita nya ang isang greek god na bumaba sa mount Olympus.
BINABASA MO ANG
Si Promdi made at Si State side
RomanceRostica Narsia ay isang dalagang tubong davao del sur. Ipinagkasundong ipakasal sa isang matandang may'ari ng isang maliit na sabungan sa kanilang probensya, dahil sa utang ng amang lasenggo na, sugarol pa. Si Nate Baitman isang canadian/filipino n...