''Closer Nate. Give her your teasing smile.''
Rinig ni Rostica mula sa kinauupuan ang sinasabi ng photographer na syang namamahala sa photoshoot ngayon. Sa isang island sa visayas sila ngayon. Kinuha kasi ng isang mamahalin na international perfume brand ang serbisyo ni Nate. Pumayag naman ito dahil bored na raw ito sa mansion dahil wala sya. Regular kasi syang pumapasok at kapag wala sya, ang lolo nito ang kasama. Request lang nito na ganapin ang photoshoot nila sa weekends. Kaya ngayon, nandito sya kasama nito.
''Bakit andito ka? Baka hanapin ka nang alaga mo.'' wika noong assistant ni magic sarap.
Oo! Kasama sa photoshoot ang empakta at nagyon nga ay nakapulopot ito kay Nate na parang sawa. Kainis!
''Hindi pa kasi tapos si Nate , eh.'' sagot nya bago sinipsip ang pangatlong ice candy. Buko flavored kaya masarap.
''Close pala kayo ng amo mo?'' patuloy nitong pakikiusyuso.
''Ok lang.'' maikling sagot nya. Wala kasi sya sa mood makipagdaldalan. Bad trip sya.
'Kalami kalbohon aning bayhana ni.' -ang sarap kalbohin ng babaeng ito.- Bulong nya sa sarili. Naiinis kasi sya sa malanding tawa ni maggie na may kasama pang hampas sa braso ni Nate.
''Bagay talaga sila, noh.'' tila kilig na kilig na wika ng assistant ni magic sarap.
''Sino?''
''Si ma'am Maggie at si sir Nate.'' wika nito na may kasama pang ngiti.
'Akala mo lang bagay, pero hindi, hindi, hindi!' gusto sana nyang isigaw sa pagmumukha ng impaktita na ito. Pero of course, nagtengang kawali nalang sya. Mahirap na at baka dito nya mabunton ang inis. Mukha pa naman itong mabait.
''Sige, mauna na ako ha. Mukhang kailangan na ako doon ni ma'am Maggie, eh.'' tango lang ang isinagot nya dito.
Tumayo na din sya at binitbit ang isang bag kung saan nandoon ang mga gamit ni Nate. Pupuntahan nya ito doon at magpapaka assistant.
''Swang, bakit mo bitbit yan?'' tanong agad nito sa kanya ng makalapit sya.
''Baka kasi kakailanganin mong magpalit.''
''Yes i need to change, pero sana di mo na dinala dito. Ako na sana kumuha.'' wika nito bago kinuha sa kanya ang bag na nakasabit pa rin sa balikat nya. Ipinatong nito iyon sa isang upuan. Binuksan nito iyon at may kinuhang isang maitim na tela.
''Stay here. Magbibihis lang ako.'' paalam nito bago umalis at pumasok doon sa isang tent.
Inilibot nya ang paningin sa buong paligid. The place is nice at mukhang para lamang sa mga mayayaman ang lugar na ito.
''We need someone that represent tis place.'' tila problemado na wika noong isang kudaker. -photographer.- ''I want you to find me on.''
''But sir, we have so many models here that you can choose.''
''They don't have the looks that represent the place. I want someone who looks extraordinary. Someone who will complement Nate.''
''But sir, we don't have time.''
''Make time.''saka ito nagmalditang nagwalk out.
'Ka feeling sa bayot.' she couldn't help but comment in her head.
''Shit! Kabwisit jud aning bayota ni. Late na kaayo, asa ko manghulbot ani ug babaye na ipares kay Nate.'' -nakakainis talaga itong baklang ito. saan ako ngayon hahanap ng babaeng ipapartner kay Nate.- Problemadong wika noong bakla. Gusto nya sanang chikahin dahil bigla atang syang naexcite nang magsalita ito nang bisaya. Ang kaso lang halata sa mukha nitong badtrip ito. Baka makalbo syang wala sa oras. Ipinagpatuloy nalang nya ang pagkain ng ice cream na nasa cone.
She was so busy na hindi na nya nakita ang tila paniningning bakla nang mapatingin ito sa kanya.
''Perfect.'' narinig nyang wika nang taong nasa kanyang harapan. At yun ay walang iba kundi ang baklang naginarte kanina.
''Get here ready, guys. We'll resume our shoot in less than twenty minutes. GO!'' saka ito pumalakpak.
Matatawa na sana sya ng may mga kamay na humawak sa kanya sa braso at halos kaladkarin na sya papunta sa isang tent. She was too confused kung ano ang nangyayari para makapagsalita. Pero bumalik sya sa katinuan nang may humablot sa ice cream sya at makita nyang itinapon iyon sa basura.
''AKONG ICE CREAM!!!'' sigaw nya na nagpatigil saglit sa mga humihila sa kanya bago sya sapilitang ipasok sa tent.
BINABASA MO ANG
Si Promdi made at Si State side
RomanceRostica Narsia ay isang dalagang tubong davao del sur. Ipinagkasundong ipakasal sa isang matandang may'ari ng isang maliit na sabungan sa kanilang probensya, dahil sa utang ng amang lasenggo na, sugarol pa. Si Nate Baitman isang canadian/filipino n...