Chapter 29

7.5K 201 5
                                    

Nawala gana ko magupdate earlier today dahil kay Mayor Duterte. lol!

****************

''Ang gwapo ni Clark my labs!'' kinikilig na wika ni Rostica habang parang timang na nakangiti at nagpagulong-gulong sa kama ni Nate. Dito kasi sya sa kwarto nito nanonood ng palabas. Ito lang kasing tv ni Nate ang pwede nyang pakialaman. Lahat kasi ata ng tao dito sa bahay, sa kabilang istasyon ang gustong panoorin. Eh, faithful kapamils sya.

''Stop liking him too much. I might get jealous.'' wika nito nang hindi man lang tinatanggal ang mata sa laptop nito. She couldn't help but blush.

Simla kasi nang gabing umuwi sila galing sa party ni Maggie, lagi nang ganito ito sa kanya. Nagiging vocal sa pagsasabing nagseselos ito, o kaya naman lagi nito syang nilalambing. Minsan binibigyan sya ng bulaklak at kung ano-ano pa. Lagi din sya nitong hinahatid at sundo sa skwela. She is taking up culinary sa isang pampublikong paaralan.

''Di pa pala nawawala yang sapi mo?'' taas kilay na tanong nya dito.

Hindi kasi sya naniniwalang seryoso ito sa kanya. Hello! Si Nate kayo ito at si Rostica lang sya. Kahit saang angulo tingnan, malabo pa sa putik na magkagusto ang isang kagaya nito sa kagaya nya. Sino ba naman kasi sya kung ikukumpara sa mga babaeng nababagay dito. Halimbawa nalang si Maggie. Kahit na pampalasa ng pagkain ang pangalan nito, bawing-bawin naman sa itsura at katawan nito na parang inililok ng isang sculptor. Mula sa isang mayamang pamilya at may pinagaralan pa. Hinding-hindi mapapahiya si Nate dito kapag ipinakilala nito si Maggie sa mga magulang nito. Eh sya? Nagmula na nga sa kasuloksulokang bahagi ng pilipinas, wala pang pinagaralan. Walang maipagmamalaking yaman. Ang tanging maipagmamalaki lang nya ay ang kanyang angking maladyosang ganda. Wag lang maligaw ang mga mata ng mga tumitingin sa kanya sa buhok nya. Muntik na nyang makalimutan. May pamilya nga din pala sya. Fifty-fifty nga lang. Sengkwenta porsyentong maipagmamalaki at singkwenta porsyentong ikakahiya. Kaloka naman kasi ang trip ng tatay nya.

''Matindi ang ginamit mong love potion, eh. Kapit na kapit.'' he said before flashing her his boyish smile.

''Bukas pupunta akong quiapo. Hahanapan kita ng panguntra at nang matigil ka na nang kakapantasya sa akin.'' 

''No need to go that far. I've already found my cure.'' sabi nito bago dahan-dahang lumapit papunta sa kanya. 

''Nahanap mo na naman pala eh. Ba't di mo pa gamitin at nang bumalik ka na sa katinuan mo.'' pagmamaang-maangan nya kahit na gusto nang kumawala ng puso nya sa kanyang dibdib. 

''Nasa iyo pa kasi.'' he said in a very seductive voice.

Napapakurap lamang sya na nakatanga dito while is moving closer and closer to her. He is leaning towards her that made her lean on her back while their eyes are glued to each other. She ended up lying in bed while he is supporting his weight through his elbows on top of her. 

Kagwapo ni manoy! 

No words can be heard coming from them. Only their breathing. Lalong kumabog sa kaba ang dibdib nya nang when his eyes lingered on her lips. She couldn't help but lick her lips to moisture it. Nanunuyo na kasi sa sobrang tensyon. 

Buhay  na buhay ang bawat cells ng kanyang katawan ng dahil sa antisepasyon. 

Is this it pansit? Ito na ba ang kanyang first kiss? Si  Nate na ba ang itinadhanang maka lips  to lips nya? Kasi kung oo, go! Ngayon na dahil handang handa sya. Ilang ulit kaya syang nagtoothbrush bago pumasok dito sa kwarto nito. Gisiguro jud nya nga walay kamunggay nga nasangit sa iyang ngipon. -sinigurado nya talaga na walang malunggay na sumabit sa ngipin nya.-

''Swang, relax.'' Nakangiting wika nito sa kanya. ''I'm not gonna kiss you yet. At least not for tonight.'' saka ito ngumiti na parang nanunudyo.

Ay busit! Gipakulba-kulba ra sya sa buang. Kalami kusnuton sa iyang eggs. -ay bwisit. pinakaba lang pala sya ng buang. ang sarap kurutin ng eggs ng lalaking ito.-

Napasimangot naman syang lalo ng marinig itong tumatawa.

''May nakakatawa ba?'' mataray nyang wika para mapagtakpan ang pagkapahiya.

''Ikaw. You're so obvious that you waiting for my kiss.'' 

''Ang kapal mo!'' she said a little too diffensive. 

''Wag ka na mahiya. It's written all over your face, Swang.'' 

''Excuse me?'' nandidilat ang mga matang tanong nya dito. Pinaninindigan ang paggagalit-galitan upang maisalba ang kakarampot na pride. Hehe..

''Just ask me, Swang and i will let you kiss me.'' he said before pouting his lips like he is kissing someone.

''AMAW!'' she yelled at him bago nya ito hinampas ng unan at lumabas ng kwarto. Naririnig pa nya ang tawa nito hanggang sa maisara nya ang pinto.

May araw ka rin sa aking lalaki ka. Sisiguraduhin nyang bukas, sa kanya ang huling halakhak. At  bukas luluhod ang mga tala. 



Si Promdi made at Si State sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon