His looking at the man infront of him who happens to be the father of the woman he loves. Lamesang maliit na may nakalagay na tuba at maning pulutan ang nakapagitan sa kanila. They are surrounded by their neighboor. Maguusap sila ng masinsinan. Man to man.
''Anong relasyon mo sa anak ko?'' tanong nito sa kanya pagkababa nito sa basong ininuman ng tuba.
''Boyfriend po nya ako. But soon to be her husband.'' he answered before drinking down the coconut wine that he poured on his glass. Halos masuka sya sa nalasahang alak. My goodness! Sino ba nakadiskubre nitong tuba na ito?!
''Wag mo akong inglisin. Tagalog nga hirap na ako, iinglisin mo pa ako.'' wika nito. ''Gaano ka kaseryoso sa anak ko? Kaya mo ba syang buhayin?" Tanong nito habang sinisipat sya mula ulo hanggang paa.
"Sinisigurado ko po sa inyong kayang-kaya kung buhayin ang anak ninyo at ang magiging pamilya namin."
''Bakit, ano ba ang trabaho mo? Baka naman yung susento galing sa mga magulang mo ang ibubuhay mo sa anak ko?''
'Relax, Natey boy. Relax.' Paulit-ulit na bulong ni Nate sa sarili upang kumalma.
''Alam mo kasi, kahit ganun ang pagmumukha noong kumpare ko. Kahit mukhang si kamatayan iyon sa kapayatan, alam mo ba kung bakit ko ipinagpipilitang ipakasal yung nagiisang anak kung babae?'' Uminom pa muna ito ng alak sa baso bago nagpatuloy. ''Kasi alam ko, hindi noon gugutomin ang anak ko. Maibibigay noong ungas na iyon ang buhay na gusto kung maranasan ng anak ko na hindi ko naibigay sa pamilya ko. Maipagpapaaral noon si Rostica. Makakapagtapos at higit sa lahat, kayang-kaya kung mabogbog yun kapag sinaktan ang anak ko.'' Pagpapatuloy nito.
Namumula at mapupungay na rin ang mga mata nito at bahagya ng nakaloyloy ang ulo, tanda na nalalasing na ito. And he could feel like his about the same as him. Pero pinapakinggan pa rin nya ito.
''Alam mo kasi, mahirap sa aming mga magulang na makita ang anak namin na nahihirapan. Masakit para sa aming mga magulang na hindi namin maibigay ang nararapat na buhay sa aming mga anak. Lalo na sa ating mga haligi ng tahanan.'' wika nito at tumungga na naman ng alak sa baso.
Kahit na doble-doble na ang paningin nya, nararamdaman nya ang bigat na dinadala nito sa loob.
''At ito pa. Wala na ata akong ginawang tama sa pamilyang ito. Lulong na nga ako sa alak at sugal, tamad pa ako at ginawang pambayad utang ang anak ko. Ang galing kung ama, di ba?'' sabi nito bago humalakhak at sinabayang kumanta ang ibang kainoman nila. May paakbay-akbay pa ito at pakaway-kaway ng kamay habang kumakanta ng i did it my way.
He couldn't help but feel sorry for the old man.
Siguro nagawa lang nito iyon dahil iyon lang marahil ang nakikita nitong paraan na kahit paano ay maibsan ang bigat sa dibdib and guilt. Hindi naman kasi sya bulag upang hindi makita kung anong klaseng buhay ang naibibigay nito sa pamilya. Bahay na gawa sa kawayan, kahoy at bubungan na ginamit ay dahon ng niyog, halatang luma na ang buong bahay. May maliliit na siwang din ang dingding nito. Ang tanging parte lang ng bahay na may floor ay ang ang kwarto nila. And it is only because it is elevated. Their living room and dining room, ay lupa na ang flooring. It is his first time to see a house like this. First time to be in a house like this. Di tuloy nya maiwasang maawa sa babaeng mahal.
Inabot pa ng halos isang oras ang inuman session nila ng tatay ni Rostica at ng mga kapitbahay. Hindi na nila namalayang lasing na lasing na pala sila. Ang iba ay sinundo na ng kanilang mga asawa, habang ang iba naman ay nakatulog na sa mesa at sa kanya-kanyang upuan.
''Shege pa Nayte..Inom pha tayo.. Daghan pang thubha si pre Istoy.'' pagyaya ng tatay ni Rostica kahit na halos di na nito maidilat ang mga mata sa kalasingan.
''Shege..Letssss drrrinkkk to thatt!!'' sigaw naman ng lasing na si Nate habang itinataas ang baso.
They both said cheers and laugh our loud without any reason. Di na nya tuloy namalayan ang paglapit ni Rostica.
''Wow, nandito pala kayo mang sol at clark. Di ako nainform. Ako na pala ngayon si Lea.'' sarkastikong wika niya habang pilit na inilalayan si Clark, este si Nate pala tumayo.
''Kabugat ba aning tawhana ni.'' -ang bigat naman ng lalaking ito.- bulong nya sa sarili. Sa laki ba naman ng lalaking ito kumpara sa liit nya, ay halos gumapang na silang pareho papunta sa kwarto nya.
''Paginom ka inom ka sa sunod ha, pasagdan ta jud ka sa gawas ba.'' -maglasing ka pa uli at pababayaan kitang matulog sa labas.- Nanggigil nyang wika habang hinuhubad ang tshirt nito.
''Sige, uminom ka nalang uli at maglasing nang matsansingan kita at mabusog ang aking mga mata sa iyong alindog aking iniirog.'' Wehehehe!
Unsaon man gud te, yummy ang body ni khuya!
BINABASA MO ANG
Si Promdi made at Si State side
RomanceRostica Narsia ay isang dalagang tubong davao del sur. Ipinagkasundong ipakasal sa isang matandang may'ari ng isang maliit na sabungan sa kanilang probensya, dahil sa utang ng amang lasenggo na, sugarol pa. Si Nate Baitman isang canadian/filipino n...