''Rostica, imo bang ginadawat si Artimyo nga pamanhunon?'' -rostica, tinatanggap mo ba di artimyo na iyong magiging kabiyak?''- tanong noong pari na syang nagkakasal sa kanila ng buhay na bangkay.
Mugto ang kanyang mga mata at namumula din pati ang ilong nya. Kahapon pa kasi sya ngumangawa nang sapilitan syang dalhin ng kanyang ina pauwi sa probinsya. Ganito kasi ang nangyari..
Ang nakaraan...
Nagdidilig sya noon ng halaman sa may hardin ng tawagin sya ng kanyang tiya na may pagaalala. Day off kasi noong hardinero ng don. Bukod kasi sa pagiging alalay/personal assistant ni Nate, tumutulong din sya sa gawaing bahay. Para naman di lugi ang don sa pagpapaaral at sa pagpapasweldo sa kanya.
"Tyang, bakit po?" Nagtatakang tanong nya dito.
"May dumating." Wika nito na kababakasan ng pagaalala ang mukha. Nagtataka man sa inaasal ng tyahin, sumunod nalang din sya dito ng pumunta ito sa may gate ng mansion.
At halos lumuwa ang kanyang mga mata sa bisitang sinasabi ng tyahin. Kasabay din noon ang dagundong ng kanyang puso dahil sa kaba na halos magpabingi na sa kanya. She felt like running away from the person in front of her na walang iba kundi ang nanay nya. Sa halip kasi na tuwa, takot ang naramdaman nya.
Takot na baka iuwi sya nito sa probinsya at ipagkasundo uli sa matandang antique na iyon.
"Rostica, dai.." wika nito na parang naiiyak na.
"Ma.." kahit na natatakot at kinakabahan, still there is a part of her that wanted to run and embrace her mother tightly. Ngayon lang nya napagtanto, namiss nya pala ang pamilya nya sa probinsya. Miss na miss.
When she saw a tear fell down her mothers cheek, hindi na sya nagpatumpikyumpik pa at agad nya na itong niyakap. Ano mang pagdaramdam ang naramdaman nya para dito at naglaho bigla.
"Ma.." she said while crying.
"Rostica, anak.. Kailangan ka ngayon ng tatay mo." Nanginginig ang tinig nito ng sabihin sa kanya iyon.
"Huh? Unsa dii ang mahitabo, ma? Naunsa dii si papa?" -ano po pala ang nangyari? Anong nangyayari kay paoa?- di na rin nya maikuble ang pagaalala sa tinig.
"Si pareng artimyo.. iyang ipakulong ang imong papa. Iya sad ta palayason sa atong yuta." -si pareng artimyo..ipapakulong nya ang papa mo. Papaalisin nya na rin tayo sa lupa natin.- wika nito habang humahagolgol.
"Huh? Nganong ipapreso man atong tigulanga si papa?! Ngano iya man ta palayason sa atong yuta na atoa man to!" -bakit ipakukulong ng matandang yun si papa? Bakit nya tayo papaalisin doon sa lupa natin, eh atin yun!- halos umusok ang ilong nya sa galit. Kung andito lang sa malapit ang matandang hukluban na iyon na dinaig pa si dracula sa pagiging emortal, baka tinarakan na nya nang kawayan ang dibdib nun at nang mamahinga na.
"Ipapreso daw nya kay wala nabayaran sa imong papa ang atong mga utang sa iya. Apil na daw didto ang kaulaw na iyang giatubang tong imo syang gilayasan ug iyang nagasto daw sa preparasyon sa inyong kasal." Wika nito bago uminom ng tubig at nagpatuloy sa pagkwekwento. "Ang atong yuta.. ang imong buangon nga amahan, iyang gipusta kay artimyo sa sugallll~~~" -ipakukulong raw nya ang tatay mo dahil hindi natin nabayaran ang mga utang natin sa kanya. Isinama na rin nya yung kahihiyang inabot nya ng hindi natuloy ang kasal nyo. Pati na rin ang mga nagastos nya sa sa preparasyon ng kasal nyo sana. At yung lupa natin, ipinusta ng tatay mo sa sugal at ipinantalo nya-
Oh my gas! Halos manlambot ang tuhod nya sa balitang hatid ng kanyang ina. Hindi nya maiwasang hindi magalit at sumama lalo ang loob sa tatay nyang iresponsable.
"Ma-magkano po ba ang utang natin sa kanya?" Kandautal na tanong nya. Half of her wanted to know and the other half doesn't. Natatakot syang malaman.
"Kalahating milyon." Wika nito bago pumalahaw na naman ng iyak.
Nanghihinang napaupo sya sa kalapit na upuan. Saang planeta nya kaya kukunin ang ganun kalaking halaga?
"Ma, hindi ba natin sila pwedeng pakiusapan? Maski ug kada simana lang nato bayran ug isa ka libo." -kahit lingohan natin silang bayaran ng isang libo.-
"Pinakiusapan na namin nak, ayaw nya at nang nanay nya."
Ay! Buhi pa dii ang mother of all antiques? Tibay ah!
"Unsaon mani nato karon, ma?" -paano na ito ngayon ma?- NAwawalan ng pagasang tanong nya.
"Anak, matutulongan mo kame. Ikaw nalang ang pagasa namin." Wika nito sa kanya habang mahigpit na hinahawakan ang kamay nya. Mukhang hindi nya magugustuhan ang susunod na sasabihin ng ina.
"Iuurong nya ang demanda at ibabalik sa atin ang lupa kung itutuloy mo ang pagpapakasal sa kanya." Tuloy-tuloy nitong wika na syang dahilan ng panlalamig ng buong katawan nya. Gusto atang humiwalay ng kaluluwa nya sa katawang lupa nya!
She wanted to run away nang marinig nya iyon, ngunit tila tinakasan sya ng sariling lakas. Kaya naman ng hilahin sya nito palabas ng mansion at sapilitang isakay sa taxi, ay wala syang nagawa. Bukod kasi sa nanghihina, tila lumakas ang ina nya ng doble kesa noon.
And that is why she is in this mess right now.
"Rostica, tinatanggap mo ba si Artimyo na maging kabiyak habang buhay? In sickness or in health, in po--" bago pa man natapos ng pari ang sasabihin, naramdaman nalamang nyang may humihila sa kanya patayo.
BINABASA MO ANG
Si Promdi made at Si State side
RomanceRostica Narsia ay isang dalagang tubong davao del sur. Ipinagkasundong ipakasal sa isang matandang may'ari ng isang maliit na sabungan sa kanilang probensya, dahil sa utang ng amang lasenggo na, sugarol pa. Si Nate Baitman isang canadian/filipino n...