''mabuntisan raka sa manila! mapareha raka sa uban taga probensya na giaanakan ra sa unya gibiyaan! pagpuyong anaka ka. ang imong dapat buhaton, minyuan tong si pare artimyo! maski ug tiguwang nato. nangunot na ang dagway ug ang bugan, mabuhi ka ato kay naa tuy sabungan ug kayutaan. naa pa jud sya sakyanan na pajero ug daku nga balay. mabayran na atong utang, mahayahay pa imong kahimtang!'' -bisaya-
(mabubuntis ka lang sa manila! magiging kagaya ka lang ng ibang taga'probensya. inanakan lang tapos iniwan! umayos kang anak ka. ang dapat mong gawon, asawahin/pakasalan mo si pareng artimyo! kahit matanda na yun. kulubot na ang mukha atang kuyukot, mabubuhay ka nun kasi merong sabungan at lupain. may sasakyan na pajero at malaking bahay. mababayaran na ang utang natin, giginhawa pa ang buhay mo!) -tagalog-
Tulo ang mga luha at sipon ni Rostica habang naghuhugas ng plato. Habang kumakain kasi sila kanina ay yun ang sabi ng tatay nya ng ayawan nya ang planong nito na ipakasal sya sa matandang hukluban na iyon. Bukod sa lolo na ata nya ang matanda, ang pangit pa at ang bantot. At never nyang pinangarap na maging asawa ng matandang kapatid na ata ni kamatayan sa katandaan at sa kapayatan. Kahit anong mangyari, itakwil na sya at isumpa ng mga magulang nya, she will never be a bride to that old fart. Masyado syang dyosa para dito.
Natigil ang paghihimagsik ng kalooban nya ng marinig ang tinig ng tatay nya.
''Matulog ka ng maaga. Mamanhikan bukas sina pare kasama ang mga magulang nya. Kailangan mong paghandaan yun.'' walang bakas ng pagaalinlangan na wika ng kanyang ama.
Di nya mapigilan ang pagnginig ng mga kalamnan at ang galit na bumangon sa dibdib kasabay ng takot. Panginginig sapagkat di nya akalaing buhay pa pala ang mga magulang ng antique na matanda. May lahing bampira ata ang lahi nito! Galit para sa ama. He doesn't have the rigth to choose for her the man she is going to marry. At lalong wala itong karapatang gawin syang pambayad utang. Di man nito sabihin, alam nyang yun ang major dahilan nito. At higit sa lahat, takot. She is scared for herself. Ayaw nyang maikasal sa matanda. Ayaw nyang matali sa matandang hukluban na iyon! Never!
Kahit hilam ang mga mata nya sa luha at halos di na sya makahinga dahil sa naipong sipon, she constracted a plan in her head. An escape plan with no chances of getting caught. Mamamatay na muna sya bago sya mahawakan ng ama nya o ng matandang yun.
Dali-dali nyang tinapos ang paghuhugas ng mga pinagkainan at nagtungo sa kwarto. Isinarado nya agad ang pinto at kinuha ang cellphone nya na kasing luma na ng matandang ipinagkasundo sa kanya ng ama. Sa panahon kasi ngayon ng iphones, samsung galaxys, at kung ano-ano pang touch screen cellphones na nagpapanipisan sa kapal, she is stuch with her 5110 nokia cellphone! Ewan nya kung saang museo ito nanakaw ng tatay nya. Ngayon higit kailan man sya nagpapasalamat sa antique at nagfufunction pang cellphone.
She texted her aunt who works as a mayordoma sa isang mayamang pamilya sa manila. Sinabi nya dito ang plano nya at full support naman ito. Nangyari din kasi dito ang ipagkasundo sa isang matanda. And just like what her aunt did in her time, she also will run away. Lalayas sya at walang sino man ang makakapigil sa kanya. Buti nalang at may naipon syang pera sa mga naibenta nyang mga gulay sa palengke at mga sideline na yaya at sa mga napapanalunan nyang beauty contest sa lugar nila. Kakasya na iyon pamasahe sa barko, trricycle at jeepney. Kung kinakailangan na wag kumain sa buong byahe papunang manila, gagawin nya. Makaalis lang.
Maingat nyang binuksan ang kabinet kung saan nakalagay ang mga damit nya. she put on her jeans, jacket na may hood, medyas at ang kanyang sapatos. Isinuot nyang lahat para mamaya ay ang pagtakas sa bahay nalang ang proproblemahin nya. Naglagay din sya ng damit sa backpack. She just put enough na hindi maging sagabal sakaling kakailanganin nya ang tumakbo. Inilagay ang charger ng pinakakamamahal na cellphone sa bag at tsaka isinekyur ang pera sa loob ng pantalong nya. She laid there in her bed still. Kumakabog sa kaba ang dibdib nahalos ikabingi na nya. Nanlalamig ang mga kamay at napapalunok sa nerbyos sa nakatakdang pagtakas. Tahimik na pinapakiramdaman ang paligid habang taimtim na umuusal ng dasal sa isip.
Ilang oras pa ang nakalipas, and finally it's time. She can hear her fathers loud snore and her mothers soft murmuring. Tanda na mahimbing na ang pagkakatulog nito. Nagkataon namang ang kanyang bunsong kapatid ay nasa barkada nito natulog. She look at her phone and saw the time. Ala una kinse na. Bumangon sya at dahan-dahang naglakad palabas ng bahay. Halos pigil ang hininga nya ng isarado ang pinto nila ng gumawa ito ng ingay. She didn't dare take a breath hanggang maisarado nya ang pinto ng tuluyan. Pakiramdam nya kasi kung hihinga sya baka lalong lumakas ang ingay at magising ang ama. Nang maisarado ng tuluyan ang pinto, bumanat na sya ng takbo with all her might ng hindi man lang lumilingon kahit isang beses.
Nang makasalubong ng tricycle, agad na itong pinara. Buti nalang at huminto ito. Nagpahatid sya sa sakayan ng jeepney. Buti nalang at ang lalaking driver ay mukhang bagong salta sa lugar nila. Hindi ito magsasalita dahil hindi sya nito kilala. But it didn't even calm her nerves. Nagmamadali syang nagbayad at bumaba ng tricycle ng marating ang sakayan ng jeep. She rode the first jeepney she saw na may byahe patungo sa pier ng barko. Kamuntik na syang hindi makasakay dahil naubusan ng ticket. Buti nalang at may isang pasahero na hindi natuloy.
Ilang oras pa sila sa peir bago nagannounce na aalis na sila. Nakatayo lang sya habang pinapanood ang dahan-dahang tumaas ang ramp ng barko. Namutla sya ng may makitang napakapamilyar namukha. It's her tatay! Her nanay! Ang matandang hukluban at ang buong baryo ata nila!
''Rostica balik ngari! Bumalik ka dito!'' nanay nya.
''Kanaog diha! Bumaba ka dyan! Rostica!'' tatay nya.
''Akong pinangga, ang kasal natin paano na?! nagpakatay na ako at nagpainom para mamaya bumaba ka na dyan! May labs! sweetheart!'' si gurang.
''Rostica!''
''unsaon na atong inom ani unya? di na madayon!''
(paano na yung inoman natin mamaya? di na ata matutuloy!)
''naay pa kahay kaon unya? imbis libre na unta ang panihapon. pandamay mani si Rostica oi!''
(may kainan pa kaya mamaya? libre na sana ang hapunan, si rostica talaga!)
Ang mga walanghiya nyang tsismosong mga kapitbahay!
But Rostica didn't care. Kahit namumutla she acted. She pretended that she didn't know them. Nagkunwari syang isa sa mga nakikiosyusung mga pasahero.
''Kawawa naman yung mga magulang nya.'' usyosero number one.
''Kawawa yung matanda. Pinaasa lang ata'' usyosero number two.
Panay naman oo nga ang mga ibang osyuseru. Naki'oo nga nalang din sya at pilit hindi tinapunan ng tingin ang ang magulang na panay pa rin ang tawag sa pangalan nya. When she felt that her tears are about to fall, dalidali syang tumalikod at naglakad patungo sa magiging kwarto nya habang naglalayag. Agad nyang pinalis ang luhang nakaalpas at naupo sa kama. She felt the ship starting to move. She let out a sigh of relief.
Sana dumating ang araw na maintindihan ng mga magulang nya ang desisyon nya. Sana ay mapanindigan nya ang desisyon na ito at wag pagsisihan. Sana mapatawad ni Artimyo ang tatay nya at sya. Sana makalimutan na ng matanda ang utang nila. Sana maging maayos ang lahat sa manila. Sana..sana..sana..
Di na nya namamalayan na nakatulog na pala sya sa kakasana nya.
BINABASA MO ANG
Si Promdi made at Si State side
RomantizmRostica Narsia ay isang dalagang tubong davao del sur. Ipinagkasundong ipakasal sa isang matandang may'ari ng isang maliit na sabungan sa kanilang probensya, dahil sa utang ng amang lasenggo na, sugarol pa. Si Nate Baitman isang canadian/filipino n...