Days passed since they came back from Nat's pictorial. Days na din simula nang maging ''sila''. Nate has been really sweet and considerate to her. Ganun din naman sya sa nobyo nya. Naging mas affectionate din ito sa kanya. Though hindi nila sinabi formally sa pamilya ni Nate, sa ante nya at lalong-lalo na kay, lolo. Halata nyang may alam na ang mga ito. Hinihintay lang siguro silang magsalita. Hindi man nya pinapahalata, deep inside she is scared ang uncertain.
Scared and uncertain kasi di naman nya alam kung matatanggap sya ng lolo ni Nate. Di rin nya alam kung hanggang kelan sila magkakasama ni Nate. Kahit naman kasi nakakabulag ang saya na nararamdaman nya ngayon, dilat na dilat naman sya sa katotohanang sooner or later, aalis din si Nate. Nasa america ang buhay nito. Ang karera nito.
Hay, kung sana may lakas nang loob sana syang sabihin dito ng mga agam-agam nya at mga alalahanin,siguro gagaan ang pakiramdam nya. Ang kaso, nakakaduwag pala ang pagmamahal minsan. At ito ang minsan nya. Hay..
''Kalalum ba sa imong panghupaw.'' -ang lalim ng buntonghininga mo, ah.-
Gulat na napatingin si Rostica sa nagsalita. Tyahin nya pala. Di man lang nya napansin na nakalapit na.
''Tiya, na-ilove ka na po ba sa mayaman?'' nakapangulumbabang wika nya dito.
Matiim muna sya nitong tinitigan bago umupo sa upuang nasa tabi nya.
''Oo naman. Kahit naman matandnag dalaga na ako. naexperience ko din namang magmahal at mahalin.''
She look at her as if telling her to continue. Ngayon lang, kung sakali, magkukwento ang tiya nya nang tungkol sa naunsyaming buhay pag-ibig nito.
''Yung unang amo ko, may anak na kasing edad ko. Gwapo yun at mabait. Magkasundo din kame sa halos lahat ng bagay kaya di nagtagal, nainlove ako sa kanya at ganun din sya sa akin. Masaya kame noong una, pero patago ang naging relasyon namin, hanggang sa nalaman ito ng pamilya nya. Tutol sila sa aming relasyon dahil sa isa lang akong katulong. Pinalayas nila ako. Ang katipan ko naman na akala ko mahal ako, walang ginawa kundi ang tumunganga lang habang pinagtutulakan ako ng kanyang ina palabas ng bahay nila.''
Kita nya nang sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi ng kanyang tyahin dahil sa masakit na alaala ng nakaraan. Di namang nya maiwasang malungkot para sa tyahin. Her aunt is a sweet woman. Napakamaalalahanin din nitong tao. Di man ito pinalad makatuluyan ang unang lalaking minahal, alam nyang hindi pa huli ang lahat para dito. Maski ug gi'el nino na ang matris sa iyang tiya, kabalo sya nga naa gihapoy forever para sa iya. Kinahanglan lang magpaabot sa iyang tiya kay basi ug giutong pa sa mama ang poreber sa iyang tiya. -kahit tuyo na ang matris ng tiya nya, alam nyang may forever pa rin para dito. kailangan nga lang sigurong maghintay pa nang tiya nya dahil baka ini'eri pa ng nanay, ang poreber ng tyain nya.-
Dumaan muna ang ilang segundong katahimikan bago nya narinig magsalita uli ang tyahin.
''Masarap magmahal at mahalin. Pero wag mo ring kalimotan na may kaakibat na responsibilidad ang pagmamahal." Wika nito bago sya hinarap at hinawakan sa mga kamay.
"Hindi purong saya lang ang isang relasyon. Ito ay dapat iniingatan at pinapangalagaan. Tingnan mo ang mga bulaklak dito sa hardin." Wika ng tiya nya sabay turo sa mga maggagandahang mga bulaklak. "SA tingin mo ba, tutubo ang mga iyan ng ganyan kaganda kung pinapabayan lang?"
"Hindi po."
"Kagaya din yan nang pakikipagrelasyon. Kailangan ninyo itong pagtrabahuan. Kinakailangan ng commitment at hindi purong pagmamahal lang. Naiintindihan mo ba ang punto ko, hija?"
'Opo, ma'am charo.' She wanted to say. Pero sinarili nalang nya dahil baka mabatukan sya. Feel pa naman ng tiya nya ang moment.
Pero seriously, alam nyang may punto ang tiya nya. Unti-unti nyang naiintindihan ang klase nang relasyong pinasok.
Hindi lang binabagsak mula sa langit ang poreber nyo nang partner mo. Pinagtatrabahuan pala si poreber.
BINABASA MO ANG
Si Promdi made at Si State side
Storie d'amoreRostica Narsia ay isang dalagang tubong davao del sur. Ipinagkasundong ipakasal sa isang matandang may'ari ng isang maliit na sabungan sa kanilang probensya, dahil sa utang ng amang lasenggo na, sugarol pa. Si Nate Baitman isang canadian/filipino n...