Author's Note:
It is very flattering to know that someone's appreciating my work kahit na malimali yung grammar at spelling. :) BBut it also quite nakakapressure. Hehe.. I don't know kung hanggang kelan o kung mapaninindigan ko ba ang 'ganda' ng kwentong ito kasi i'm not really a funny person, so don't expect anything. Just enjoy the ride. Hehe ulit. Anyway, i write base on my mode. Pwedeng bigla nalang akong maging missing in action.
So habang carry pa, let's enjoy the story of aswang and greek god. :) :) :)
~~~~~~~~~~~~~~•••••
"Ang ganda po dito. Kita ang dagat." Humahangang wika ni Rostica nang marating nila ang bukid. Nakaharap kasi ang bukid na inakyat nila sa dagat. Kita ang kulay bughaw na karagatan. She also took a deep breath. Inhaling the fresh air that nature can offer. Kung sa manila nya siguro gagawin yun, baka magkulay chimney ang baga nya sa pollution.
"Maganda talaga dito, ineng. Presko at mura ang mga bilihing pagkain." Wika ng matanda sa kanya.
"Naalala ko po bigla ang probinsya namin. Ganitong-ganito din po kapresko ang hangin. Malayo nga lang kame sa dagat." Di nya maiwasan ang makaramdam ng lungkot lalo na ay naaalala na naman nya ang pamilya.
"Saang probinsya ka ba galing?"
" Sa davao del sur po."
"Ang layo pala nang pinanggalingan mo. Paano ka namang napadpad dito?"
"Naku mahabang kwento po. Baka abutin pa tayo dito nang umaga eh di pa ako matapos magkwento. At isa pa ho, madrama po ang kwento ng buhay ko. Kakabugin ang mga kwento ni ate Charo." Napahagikhik nyang wika na ikinunot naman ng noo ng matanda. Di nagets ni ati.
"Ay manang, saan nga pala yung mga tanim nyo po?" Pagiiba nya ng usapan.
"Nasa likod nitong kubo. Halika na at nang maaga tayong matapos." Nauna na itong maglakad sa kanya.
Very green ang likod bahay ng kubo dahil sa mga tanim doon. Dito ata hinango ang kantang bahay-kubo. May mga talong, sitaw, kalabasa, upo, ampalaya, papaya, malunggay, okra, alugbati, atbp. Ang sarap mamuhay dito. Makakatipid ka sa perang panggrocery.
"Sino po ang nagaalaga ng mga tanim nyo dito?" She asked.
"Kaming dalawa ng asawa ko. Pumupunta kame dito araw-araw." She answered her without stoping harvesting some vegetables. Sya din ay busy na tumutulong.
"Meron din po ba kayong tanim na mga prutas?" She ask curiously. Actually, meron naman syang nakikitang mga prutas sa paligid. Nagpapabebe lang sya para hindi naman masyadong halata ang kakapalan ng mukha nya.
"Oo meron. Marami dyan. Kung gusto mo, pumitas ka ng prutas. Maiingat ka nga lang, ha?"
Success ang pabebe effect nya!
"Salamat po." She said before going her merry way.
May nakita syang puno ng bayabas, mangosteen, papaya, manga, durian at atbp. How she wish may kariton syang dala.
Inakyatan nya ang bawat puno na may hinog na bunga. Lumabas ang pagkamala-unggoy nyang persona. Not caring kung mahulog o magasgasan man ang malapurselana nyang kutis. Self praise ito mga pre. Love your own, ikanga. Hehe..
Halos mangalahati ang dala nyang sako sa mga prutas na napitas nya na ibat-iba ang uri. Sinamantala na nya kasi alam nyang baka di na ito maulit. At tsaka libre naman kasi. Inabuso na nya. Kaya tuloy ang ending, halos kaladkarin na nya ang bitbit na sako sa bigat. Pero since ayaw nyang magasgasan at mapisa ang mga prutas pinilit nya itong gargahin.
She was so excited to come home and brag to Nate what she had done. Excited to have him taste her fruits. Kaya naman pagkalapag nya sa dalang sako sa kusina, dumeretso agad sya sa sala nang hindi man lang nagaabalang sipatin ang sarili. Alam naman nyang maganda sya kaya no need.
"HOY! Magic sarap!" Natulak nya si Maggie ng may kalakasan dahil sa gulat. Nang makita kung kaninong boses nang galing iyon, feeling nya isa syang asawang nahuli sa akto na nangangaliwa. He felt like he will be killed anytime.
Babaeng wala sa ayos ang pagkakatali ng buhok. May ilang piraso ng tiyong dahon at dumi na galing sa kahoy ang nakasabit din sa buhok nito at damit. Mukha itong pawis na pawis at mabaho. He cringe.
"What are you doing here, ba?" Mataray na wika ni Maggie pagkatapos makabawi sa pagkalaglah nito mula sa kandungan nya. Hindi nya alam kung ano ang pumasok sa kokoti ng babaeng ito at bigla nalang umupo sa kandungan nya. They were just watching antv show. Ni hindi nga sya nagpakita ng kung ano mang motibo dito for her to do that.
"Bakit ka nakapatong kay Nate?" Para nang bubuga ng apoy si Rostica. She look like a scorned wife.
"Pakialam mo? Hindi mo naman sya boyfriend ah." Bahagya itong natigilan bago mas lalong nagapoy sa inis ang mga mata.
"Hindi nga. Hindi ka rin naman nya girlfriend ah. Kung makakandong akala mo kinantot ka na nya." May goodness! Bunganga ng babaeng ito. When he look at Maggies face namumula ang mukha nito sa galit at pagkapahiya.
"You ugly looking maggot!" Sasapakin na sana ito ni Maggie nang magala Bruce Lee pose itong lokalokang si Rostica.
"Ayah!" Anito bago nito itinaas ang isang kamay at akmang tutusukin ang dalawang mata ni Maggie gamit dalawang daliri nito. Nakataas pa sa ere ang isang paa nito.
"Your crazy!" Sigaw ni Maggie bago nagdadabog na nagwalk out.
Nang mawala na ito sa paningin nila sya naman ang binalingan nito.
"Mangigat gani ka sunod, ayaw padisplay para dili ka maisturbo." -kung lalandi ka, wag kang makadispaly para hindi kayo maesturbo- wika nito bago sya binigyan ng isang death glare at nagwalk out.
Magpapaliwanag pa sana sya pero naisip nyang wala naman syang kasalanan sa nangyari. At isa pa di naman nya girlfriend ito di rin nya asawa kaya kung tutuusin, wala syang ginawa na dapat nitong ikagalit. But why does it bother him knowing she is mad because of him? Hay ambot. Makalibog! -hay ewan. Nakakalito.-
BINABASA MO ANG
Si Promdi made at Si State side
RomanceRostica Narsia ay isang dalagang tubong davao del sur. Ipinagkasundong ipakasal sa isang matandang may'ari ng isang maliit na sabungan sa kanilang probensya, dahil sa utang ng amang lasenggo na, sugarol pa. Si Nate Baitman isang canadian/filipino n...