Chapter 19

195 52 8
                                    

Author's note

Hello! Sorry natagalan ako sa pag udpate. Belated happy mother's day sa mga nanay, mama and mommy niyo. 😁

Thank you sa walang sawang pag suporta sa MLLL!

Para sa unang mag ko-comment after this update, idi-dedicate ko sa kanya yung next chapter. Yun lang.

Enjoy reading! 😊

-

Glenn's POV

[Now Playing: Endlessly - The Cab]

Ang saklap naman! Ang daming ginagawa ngayon sa university. Ang hirap talaga kumuha ng Master's degree. Kahit Sabado ngayon nandito pa rin ako at nag mumukmok sa harap ng reviewer ko.

Tumawag si Raine sa akin. Mabuti na lang at kasama ko siya. Pinapawi niya lahat ng stress ko. Makita ko lang yung ngiti niya, nawawala na agad yung pagod ko.

Nag patuloy muna ako sa pag rereview habang hinihintay siya para hindi masayang yung oras ko. Pag katapos kasi ng lunch, bakbakan na naman kami sa Accounting 10. Mababaliw na ako kakaaral. Buti na lang inspired ako.

"Babe." tawag ni Raine sakin, speaking of my inspiration.

"Hi babe." lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Pag tapos noon, pinaupo ko siya sa tabi ko.

"Kamusta naman ang pag rereview mo para mamaya?" tanong niya at ngumiti. Yang ngiti na yan, kahit kailan talaga walang kupas. Lalo tuloy akong naiinlove.

"Okay naman siya. Pigang-piga na nga yung utak ko kakaaral. Ikaw?"

"Kinakabahan ako. Nakapag-aral naman ako ng maayos kagabi saka kanina." ngumuso siya. Ang cute cute talaga nitong girlfriend ko.

"Kakayanin natin to babe! Pag feeling ko gusto ko ng sumuko, iniisip ko na para sa future nating dalawa ito." I said and kissed her temple.

"Bolero ka talaga." pinalo niya ako sa braso. Inakbayan ko siya ngunit ngumiwi siya.

"Bakit? Is there something wrong?" Tinanggal ko kaagad ang kamay ko sa braso niya. Umiwas naman siya ng tingin sa akin.

"Ara- ay! Gutom na ako! Wala yun, ikaw talaga. Kain na lang tayo." aniya at hinila ako papunta sa canteen.

Napansin ko na laging long sleeves ang suot ni Raine. Dati hindi naman siya ganyan. Gustong-gusto niya mag sando o kaya'y t-shirt lang dahil naiinitan daw siya.

Ano kayang nangyari? May pasa na naman ba siya? Alam kong may problema siya pero ayaw niya lang sabihin sa akin. Hihintayin ko pag ready na siyang sabihin sakin. Gusto ko i-respeto yung desisyon niya.

Hay ewan! Gutom na kami kaya ikakain na lang muna namin ito.

"Tara babe. Baka pag nakakain na tayo, ma-perfect natin yung exam mamaya." biro ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Sira ulo ka talaga Glenn. Pag nangyari yun mag papahanda talaga ako. Ang hirap kaya ng Accounting!" reklamo niya habang naniningkit ang mga mata niya.

"Binibiro ka lang. Malay mo sa talino mong yan maka-100 ka talaga."

"Bola pa." she smiled. I held her hand tighter and she did the same.

Sa sobrang pag mamahal ko sa kanya, wala na akong masabi kaya naman pinapakita ko na lang ito sa simpleng gestures tulad ng pag hawak ng kamay niya.

Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ko silang makita na mag kasama ng Dale na yun, muntik na kami mag break. Kasalanan ko rin naman kasi, tamang hinala ako.

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon