Chapter 15

228 59 3
                                    

Kairie's POV

March 1 na, tingnan mo nga naman. Ang bilis talaga ng panahon, 3 buwan na simula noong mabuo yung kontrata. 6 na buwan na lang akong mag titiis na kasama si Edmon.

Sa totoo lang, what's happening between us is beyond my expectation. Hindi ko pa rin naman maiwasan masaktan tuwing maaalala ko yung kademonyohan niya sakin dati noong maghiwalay kami at hanggang ngayon di ko sinasabi na nawala yung ugali niyang yun ah! Hahaha!

Pwera biro, naging okay naman yung pagsasama namin kahit madalas kaming mag bangayan. Siguro tinutupad niya lang yung sinabi niyang babawi siya kaso para siyang pafall sa ginagawa niya eh. Masyadong sweet para sa isang temporary girlfriend. Ayoko mag assume dahil paglabag yun sa 3rd rule.

Sino ba namang babae yung hindi kikiligin at matutuwa sa mga pinag-gagawa niya diba? Parang huling-huli yung kiliti mo pero tulad nga ng sinabi ko dati, hindi ko hahayaang manalo na naman siya kung ano mang binabalak niya.

Hindi naman na nag-iisip ako ng masama sa kanya pero pwede niya ulitin sakin yung pananakit niya sakin dahil binigyan ko siya ng chance simula noong bumalik siya sa buhay ko.

Malaki na yung naging progress ng shop ko sa tulong nilang dalawa ni Shane. 3 buwan na pero hindi ko pa rin alam yung dahilan kung bakit ba kailangan ko pang maging temporary girlfriend ni Edmon.

Ayoko namang tanungin pa dahil baka bumalik na naman yung galit ko sa kanya. Kung kailan naman napatawad ko na siya. Malalaman ko din naman siguro yun sa takdang panahon.

Teka, bakit ko ba siya iniisip? Dapat gumagawa ako ng designs ngayon! Hindi basta-basta magkaroon ng bagong clothing line! Jusko naman! Nasaan na ba si Saging?

Mahirap man aminin pero miss ko na yung baliw na yun. Paano ba naman kasi, lately minsan na lang kami mag kasama kasi lagi akong hinihiram sa kanya ni Edmon tapos busy din siya kay unggoy.

Haaaaay. Wala ako sa mood gumawa ng design! Si Edmon kasi eh! Nakakainis!!! Bakit niya pa ba tinanong sa akin yun? -_____- Sobrang nabothered ako. Aish!

- Flashback -

"Babu." tawag sakin ni Edmon. Nandito kami ngayon sa location ng bagong shop ko. Busy ako sa pag tingin ng details sa blueprint. Nagbabantay naman si Shane sa mga kasamahan niya para maging guide sa ginagawa nila.

"Kairie." Hindi ko pa din siya pinansin dahil nag-iisip akong mabuti kung may pwede pa ba akong i-request sa magiging kalabasan ng shop na to.

Excited na talaga ako sa launch ng shop at clothing line ko. Iba talaga pag may passion ka at naging trabaho mo pa ito.

"Princess Kairie Gonzaga!" sigaw ni Edmundo.

"Ano bang problema mo lalaki? Nag-iisip ako dito pero hindi ako makapag concentrate dahil may demonyo na sumisigaw sa tabi ko!" tiningnan ko siya ng masama at nag pout naman siya. Pucha! Kalalaking tao nag papout! Kung di ko kilala si Edmon iisipin ko bakla siya eh. Hahaha! "Hoy tumigil ka sa pag nguso mo sakin dyan ah! Ang sagwa tingnan mukha kang bakla."

"Grabe naman Kairie. Bakla agad? Nako baka pag pinatunayan ko sayo na lalaki ako di mo kayanin." kinindatan niya ako. Sira ulong nilalang!

"Wala akong pakielam. Bakla ka pa din!" Hahaha. Ang sarap asarin kasi mukha naman talaga siyang bakla. Kung nakita niya lang itsura niya matatawa siya.

"Wag mo ako umpisahan babu ah! Baka di mo magustuhan gagawin ko pag tinuloy mo pa yang pang-aasar mo." sagot niya ng pabiro. Nakangiti pa siya sakin na parang aso. Jusmiyo Marimar!

"Hahaha! Eh bat ba? Gusto ko eh. Bakla ka pa din! Bakla! Bakla! Bakla! Hahaha!" pang-aasar ko. "Tinatakot mo ako? Bakit ano bang kayang mong gaw——"

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon