Chapter 32

175 10 8
                                    


Hannah's POV

Pabalik na ako sa boutique galing sa Café de Roastado habang dala-dala ko yung kape at honey glazed donuts namin ni kurdapya. Iniisip ko pa rin kung ano yung pag-uusapan namin ni Kairie. Baka ayaw niya na akong maging best friend? Oh kaya ayaw niya na rin ako maging assistant sa boutique niya kasi lately late ako? Hala! Hindi pwede! Huhu! Wala na akong pambili ng Hello Kity stuff ko.

Umiling ako. Ano ka ba Hannah Banana! Pero paano kung... magkatotoo?

"Ma'am Hanni! May problema po ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Belinda. Nagulat naman ako sa pagtawag niya sakin. Nakakunot din yung noo niya saka nakatingin sa akin ng mabuti.

"Ikaw pala Belinda. Natatakot kasi ako baka abandonahin na ako ni Kairie bilang best friend at assistant niya eh." malungkot kong sabi saka niya ako inabutan ng tray para sa mga pinamili ko.

"Bakit naman po Ma'am? Hindi naman po siguro gagawin ni Ma'am Kairie sayo yun. Kahit masungit po yun, mahal ka po nun." sagot niya sakin at ngumiti.

Tama naman siya. Kahit mukhang halimaw at bakulaw si Kairie kapag nagagalit, may pusong mamon pa rin siya.

"Oo nga. Tama ka. Salamat Belinda!" sabi ko saka dumiretso sa office ni Kairie. Tumango lang sakin si Belinda habang nakangiti.

Sana hindi magalit sakin si Kairie kasi sobrang tagal ko bago makabalik dito. Paano ba naman kasi, nakita ko sila Jansen at Shane sa Café de Roastado. Hindi ko alam pero parang may naramdaman din akong kaunting kirot sa puso nung nakita ko sila. Umiling ulit ako. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sakin. Aish!

"Bakit ba ang tagal mo na lang palagi saging?" inis na tanong ni kurdapya sakin. Tumigil muna siya sa ginagawa niyang gown. So ngayon, naging mananahi naman siya? Tiningnan ko naman yung ginagawa niya.

"Wah! Ang ganda naman ng gown!" halos pasigaw ko nang sabi dahil sa sobrang amazement.

Kumikinang yung mga mata ko sa iba't ibang diamonds at sequins na nakakabit sa gown. Nilapag ko yung kape at donuts sa side table at saka akmang hahawakan yung gown. Agad namang binawi ni Kairie yung gown na tinatahian niya ng mga sequins.

"Get your filthy hands pff of this gown." aniya saka ako inirapan. Wah! Huhu! Ang sungit talaga ni kurdapya sa akin. Ang sakit na talaga. Nag pout ako bago magsalita.

"Wah! Ang bad mo!" singhap ko sa kanya. Kainis talaga 'tong senyorita na 'to. Kung alam niya lang kung ilang kilometro na yung nilakad ko papunta at pabalik dito sa office niya, maaawa siya sa isang sexy at cute na katulad ko. Oh diba? Pak! Ganern!

"Di mo sinasagot yung tanong ko sayo. Bakit ba ang tagal mo?"

"Nagkasalubong kasi kami nila Shane at Jansen kanina eh. Syempre alangan namang maging rude ako diba? Nagchikahan muna kami sandali." sabi ko tapos naalala ko na naman yung itsura nilang dalawa nung nakita nila ako. Ano kayang meron sa mga tingin nila?

"Sila Shane at Jansen?! Bakit daw?!" pasigaw na sabi ni Kairie. Bakas din sa mukha niya yung pagkagulat. Teka, ano bang meron? Halloween na ba? Nakakatakot ba yung mukha ko saka yung mga sinasabi ko para magulat sila sakin?

"Hindi ko na tinanong kasi nagmamadali na ako eh. Nakakatakot ba ako Kai?" sambit ko bago ngumiti. Nakakatakot ba talaga 'tong itsura ko? Ang cute ko kaya. Kainis naman! Huhu!

"Huh? Anong klaseng tanong yan Hannah? Bakit naman hindi mo tinanong?" tanong niya at nasapo na lang niya yung noo niya. Ano ba? Naguguluhan na talaga ako.

"Bakit ko naman tatanungin?" nagtataka kong tanong. Eh malamang friends sila Jansen at Shane diba kailangan din mag bonding ng magkaibigan minsan? Shunga talaga 'to ni Kairie. Paano eh ako lang naman kasi yung kaibigan niya. Hehe!

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon