Chapter 14

208 61 8
                                    

Jansen's POV

Alam kong nakabalik na siya ngayon. Alam kong nandito siya para sundan ako. Nakikita ko pa rin sa mga mata niya kung paano niya ako tingnan, nanatili ito na puno ng pagmamahal. 

Kahit na marami ng nagbago sa kanya, alam kong siya pa rin yun dahil sa mga gray niyang mata. Hindi ko naman ikakaila na nakalimutan ko na yung tingin niya na parang nangungusap sa akin, na para bang tinatawag ako ng mga iyon.

Noong nakaraang buwan, nagkita kaming dalawa sa mall. Pinilit ko yung sarili kong ituring siyang isang istranghero sa harapan ko pero naisip ko na imposible dahil naging malaking bahagi siya ng buhay ko. 

Ilang taon na rin naman yung nakalipas at masyado ng maraming nangyari. Ang alam ko lang, wala na akong nararamdaman para sa kanya. Friends? Ayos lang kung ayos lang din sa kanya.

Nag punta ako sa park na madalas naming puntahan noon. Kasabay ng maraming pangyayari sa buhay namin yung mga pagbabago dito. Wala akong magawa sa bahay kaya pinili kong mag muni muni. 

Hindi ko namalayan na dito na ako dinadala ng sarili kong mga paa. Malapit lang din naman sa amin ito dahil walking distance lang. Konti lang yung mga nag pupunta dito dahil nga liblib yung lugar parang isang safe haven.

Niyaya ko si Hannah kanina pero busy daw siya sa business ni Kairie. Bakit ba pinili ng babaeng yun na maging assistant lang? Noong isang araw na magkasama kami, nakita ko yung mga designs niya at magaganda iyon. Halata ngang nag aral sila ng best friend niyang timang sa Paris.

Pumunta ako sa rentahan ng mga picnic mats at unan. Kinapa ko yung bulsa ko. Pucha! Nakalimutan kong dalhin yung cellphone at wallet ko. Pambihira talaga sa lahat ng kakalimutan ko yun pa. -_____-

Pinili ko na lang na mahiga sa damuhan tutal hindi naman madumi dito dahil palaging namamaintain yung pagiging malinis ng lugar. Pumwesto ako sa puno na lagi naming tinatambayan. 

Hindi ko din alam kung bakit dito pa ako pumunta pero nasanay na kasi ako na sa tuwing pupunta ako dito, itong puno ang pipiliin ko. Bago ako mahiga, nakita ko na nandoon pa din yung carving na ginawa naming dalawa noong araw bago siya umalis papuntang Korea.

Pumikit muna ako sandali dahil ang sarap damhin ng hangin sa paligid ko na para bang hinahalikan ako. Malapit na sana akong makatulog nang marinig ko yung boses ng dalawang tao.

"Sorry Shane. Okay lang ba sayo na dito tayo?" Kilalang-kilala ko yung boses ng kumag kong best friend. Bakit naman siya nandito at bakit kasama niya si Shane? Silang dalawa lang ba?

"Oo naman! Ikaw talaga. Naka move on na din naman ako." sagot niya. Ah. Nakamove on na daw pala siya pero bakit noong nag kita kami sa The Mall hindi naman halata? :))

Narinig ko rin yung boses ni Kulog. Bumilis yung pintig ng puso ko bigla. Pinili kong pumikit pa rin kahit na alam kong nandyan sila at baka tinitingnan na ako ngayon. Medyo nakaexpose din ako sa pwesto ko kaya hindi malabong makita nila ako. Hindi nga ako nag kamali nang tawagin ako ni Edmon.

"Pare!" lumapit siya sa akin at nakipag bro hug.

"Kamusta? Ipakilala mo naman sakin yung kasama mo." sagot ko sa kanya habang tinitingnan si Shane at Kairie na para bang hindi ko sila kilala.

"Oo nga pala. Jansen, meet Kairie, my girlfriend." ngumiti siya kay Kairie at ngumisi. Sira ulo talaga tong ugok na to. Alam naman naming dalawa kung bakit kailangan pa noong pesteng contract na yun. Tss.

"Kairie, nice to meet you again. Kulog." ngumiti ako ng nakakaloko kay Kairie para asarin siya. Natutuwa talaga ako pag nakikita kong nakasimangot siya. Mas lalong bumibilis yung tibok ng puso ko.

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon