Chapter 2

624 107 58
                                    

Kairie's POV

Nagpunta kami sa isang simpleng restaurant. Hindi gaano mamahalin pero masarap yung mga pagkain dito. Hindi ko inaasahan na alam niya pa rin kung saan ko gustong kumain. This was our favorite tambayan. I thought he already moved on and forgot about it. Pagkatapos ba naman ng ka-demonyohan na ginawa niya sakin, I think it's fair na makalimutan niya na lahat. It's all in the past anyway.

At hindi ko alam kung bakit ko pa inaalala yung mga yun. I should be focusing with my present. Maraming opportunities na dumadating sa akin at sa boutique ko so I can't let any of it slip away. 

"Marami ng nagbago sayo Kairie. Mas naging mataray ka." aniya saka humalakhak na parang walang bukas. Kainis! Talagang natuwa pa siyang inaasar niya ako?

"Pwede ba kung aasarin mo lang ako, aalis na ako. I don't have any time for this." I glared at him. Akma sana akong aalis pero nagsalita siya ulit kaya tumigil ako.

Bakit ba kasi ako sumama dito? That was a wrong move, Princess Kairie. 

"Hindi na! Relax lang, para naman wala tayong pinagsamahan niyan e." sabi niya at nag pacute ba naman ang loko? Aba!

"Tigilan mo ako Edmundo. Aalis na ako. Anyway, thanks for the treat." mabilis kong tugon at nagsimulang maglakad palayo sa demonyong yun. 

Umalis na ako para hindi niya ako maabutan.

"See you around Kairie!" sumigaw siya at nakita kong kumakaway pa siya sakin.

As if naman I want to see him again. Ayoko ng makita yung pag mumukha niya. Nakakasuka. That jerk.

Umuwi na ako sa bahay. I'm so exhausted! Parang ang daming nangyari sa araw na to. Dumagdag pa yung haba ng byahe pauwi and that jerk I just met again earlier. Hay.

"Kairie, kanina ka pa hinihintay ng Papa mo. Kamusta na ba yung bagong clothing line mo?" sinalubong ako ni Mama. Humalik naman ako sa pisngi niya.

"Okay naman Mama. Hindi pa namin natatapos yung plano ni Hannah." I said and sighed. Napapagod na ako but this is my dream! I must persevere! 

"Bakit naman anak? Malapit na ang launching noon ah? Baka naman ma delay yun. Mahirap na." tanong niya sakin. I know she's concerned after all madami ding naging ambag sakin sina mama at papa, sila yung dahilan kung bakit ako nakapagtapos and the boutique. Yeah, the capital came from their bank accounts. 

"No Ma. I'm just tired and stressed. Aasikasuhin namin yun ni Hannah. Don't worry." I said and gave her a smile to reassure her. 

"Okay anak. Kapag may problema ka just tell us, okay? I love you."

This is what I love about my family. Hindi ka nila pinapabayaan and they're all there for you whenever you need them, through ups and downs. 

"I love you too Ma. Si Papa?" I asked. Ngayon na lang ako ulit nakauwi kaya lahat sila gusto kong makita. Magiging busy na naman ako for weeks or maybe months. Baka matagalan ako sa pagbalik dito. I live in a condo with Hannah kasi mas malapit doon yung boutique and yung location nung second branch ng another clothing line ko. 

Inayos ko yung mga designs ko na nadumihan kanina. Buwisit talaga si Edmundo! Sarap sakalin eh!

"Nasa veranda anak. Magpahinga ka na lang muna. Halatang pagod na pagod ka."

Of course, kaya ako umuwi dito 'cause I badly need rest. Beauty rest to be exact. 

"Thanks Ma. Akyat lang ako." paalam ko kay Mama and she nodded. 

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at humarap sa salamin. I saw my strawberry blonde hair na humaba na. I don't have time to pamper myself right now. Siguro next time na lang ako magpapagupit. I noticed my eyes, they're so gentle that makes me look like a goody good girl pero pag nagsalita na ako nagugulat silang lahat kung gaano ako kasungit. It's like a trap. My quite thin lips has red tint and my nose, matangos ito but not that pointed. My weight is kinda normal, you know typical PhilAm girl. Matangad ako knowing that 5'9 si Edmundo at nasa bandang tenga lang ako sa kanya. 

Wait, wait, wait! Why do I keep on thinking about that jerk?! Come on, Kairie. Forget about him. 

After ilang weeks, ngayon lang ako ulit nakauwi sa bahay. Home sweet home! Ang hirap naman kasing maging independent sa condo namin ni Hannah. Namiss ko talaga tong kwarto ko. Humiga na ako sa kama ng lumapit sa akin si Romeo.

"Arf! Arf! Arf!"

"Hi Romeo, my baby! I missed you!" niyakap ko si Romeo, chow-chow na regalo sakin ni kuya Glenn nung 18th birthday ko. Ang cute!

"Baby magpapahinga lang ako ha? Wag ka malikot. Stay here." pinat ko yung tabi ko. Lumapit naman agad si Romeo at humiga. Good boy!

Pagkagising ko, I looked at my phone at tiningnan yung oras. Nakatulog ako ng isang oras. Alas siyete na pala. Nagulat naman ako nung may kumatok bigla sa pintuan.

"Kairie, kumain kana raw sabi ni Madam." tawag sakin ni Manang Leslie na kasambahay namin kaya binuksan ko yung pinto.

"Manang! Namiss talaga kita!" bati ko at niyakap siya. Sobrang close kami dahil simula nung baby pa lang ako, siya na yung nag-aalaga sa amin ni kuya.

"Kairie, hija, ganun din ako." ngumiti siya sakin at niyakap ako pabalik.

"Oh siya kumain kana Kairie. Naghanda ako ng paborito mo." sabi niya sakin kaya sabay na kaming bumaba sa dinning room. 

Nakita ko si papa kasama si mama na kumakain. Niyakap ko si papa at hinalikan sa pisngi.

"Anak, mabuti naman at nakauwi kana. Busy ka talaga sa boutique mo, ano?" tanong niya sakin na parang may halong tampo. Sabagay, ang tagal ko talagang hindi nakauwi.

"Opo papa eh. Sobra, kaya ngayon lang ako nag karoon ng time na makauwi." sagot ko sabay kamot sa batok at ngumiti ng bahagya. 

"Hayaan mo na anak. Suportado ka namin ng mama mo. Pangarap niyo yan ni ano eh. Ano nga pangalan nun? Edmark, Edward, Edmon?" ngumiti si papa ng nakakaloko. Pambihira naman! Ayoko ng nga balikan yun eh! Please, not now dear father. 

"Pa naman. Hayaan na natin yung nakaraan. Pangarap ko lang yun. Akin lang." 

Ang sarap mag taray pero si papa kasi e! Hay! I hate this topic.

"Hello Ma, Pa!" lumigon kaming lahat para makita si kuya Glenn na kumakaway sa amin. Parang tuta na labas yung dila. Childish talaga 'to, natawa naman ako sa itsura ng magaling kong kuya

"Hi Princess! Sa wakas nakauwi ka din!" niyakap niya ako. Ewww! Bumitaw naman ako agad.

"Ano ba yan kuya! Stop!" hindi talaga halatang di niya ako namiss ah? Grabe lang.

"Don't be shy to your kuya. If I know Princess, namiss mo din naman ako." What the hell? Kaya ayoko ding umuwi dahil baka maabutan ko siya dito. Sobrang malas nga naman at naabutan ko nga. Hay nako. Clingy brother problems. He's so annoying! 

"Stop acting like a 10-year-old boy kuya! For Pete's sake you're turning 22 next month."

"Kairie, ikaw naman. Namiss ko lang ng kuya mo eh." sabat ni mama sa asaran namin ni kuya.

"Yan kasi! Princess nagtatampo naman ako sayo. Parang di mo ako kuya." nag pout siya at kunwaring nagtatampo. Nilagay niya pa yung arms niya across his chest. Damn it! Sino ba talagang panganay sa aming dalawa nito?

"Whatever. Fine, I missed you too Nerd." I said and laughed. 

He's really a nerd. Literal. He's a consistent first honor when he's in elementary and high school at consistent dean's lister in his college days. Idagdag pa na siya ang Summa Cum Laude ng batch nila. Yeah, what a nerd! Pero ang nakapagtataka, habulin siya ng girls. In fact, may girlfriend siya. Nung nalaman ko yun, halos mamatay na ako sa kakatawa eh. Akalain mong mag kakagirlfriend yan? Tss.

"Ha ha ha hard." sarcastic niya sabi at sumimangot sakin.

"Shut up. I'm going upstairs." I hissed then headed to the staircase. 

Sa totoo lang, gwapo talaga si kuya. Matalino siya and he's got this good looking face. He's a charming. Everybody likes him kaya di na ako nagtataka na na-fall sa kanya yung muse ng batch nila na si Ate Raine. Kaya lang naman ako ganyan kay kuya kasi nahihiya ako na bini-baby pa din niya. I'm 20, gosh! 

A/N:

Dedicated this chapter to Hei! Thank you for reading My Long Lost Lover. I am seriously flattered that someone appreciates my story.

Click the external link to see our convo.

Ciao! 

Edited: July 11, 2016

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon