Chapter 28

120 9 5
                                    


Shane's POV

Pareho kaming napatulala ni Jansen sa gulat sa tanong ni Hannah. Nagulantang ang buong pagkatao ko sa sobrang kaba ko ngayon.

"Jansen, anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya kay Jansen pagkalingon niya nang makitang nakatayo ito sa likuran niya.

"H-hi Jansen! Ikaw pala!" kinakabahan kong sambit. Pinilit kong ngumiti at alisin ang panginginig ng boses ko.

Bakit nga ba ako nandito? Humingi ako ng maayos na closure kay Jansen. Naging mahirap para sa akin ang mag move-on lalo na kung meron pa rin akong feelings para sa kanya. Kahit pakiramdam kong hindi ko kakayanin pag tuluyan na akong bumitaw, gagawin ko pa rin. Mas masasaktan lang ako kapag nakikita kong masaya siya sa iba habang nanlulumo ako sa sobrang sakit ng pag-iwan niya sa akin.

Minsan mapapaisip kana lang talaga kung saan ka nagkulang. Akala mo nabigay mo na lahat ng kaya mong mabigay para lang sumaya siya sa piling mo pero may kulang pa pala. Sa isang iglap, hindi na ikaw ang kaligayahan niya.

"Coincidence ba 'to? Ang saya naman! Kaso kailangan ko ng umalis kasi may pag-uusapan pa kami ni Kairie eh." Hannah happily said. Is she clueless about us? Hindi man lang siya naging suspicious? Wow.

"I'll see you later Boo. Mag ingat ka ha?" sabi ni Jansen kay Hannah. He's staring at her like I'm not around. Damn it hurts. Bakit kailangan talagang magkita kaming tatlo dito? Not that I hate Hannah, pero masakit sakin na siya na yung mahal ni Jansen at hindi na ako.

Ghad, I was asking for closure tapos ito na naman ako sa mga rants ko? Kailan ba matitigil 'to? At least I was informed earlier that I wasn't meant for Jansen Miguel Montefalco. It's his loss and my gain. Be pessimistic for once, Shane!

"Of course. Kita kits na lang sa susunod Shane. Lagi ka naman nasa location eh. Sige, mauna na ako sa inyo." she waved goodbye at umalis. Now I'm left with this guy and I don't know what to do. Sana nag stay na lang pala ako sa Korea and moved on. Maybe I'll find a hot guy that's a Korean boy band member. Why do I feel that I'm so desperate of getting over? Nakakainis! Maybe because he is my first love and it sucks.

Once you've cared for another person, hindi na mawawala yun whatever happens. You don't forget, you carry on with your life. That's it. I just need to accept the reality and face the damn truth that I am now officially single. I'll invite Jade and Emerald over a party and I'll enjoy myself.

"Thank you sa pagpunta. I know, nakukulitan kana sakin and you have Hannah in your life now but I need a personal closure. Breaking up through phone call is rude." I told him as he seated across me.

"Alam ko. I'm sorry for all of my shortcomings. Hindi lang talaga ako sanay sa long distance relationship. Maybe were meant to be best friends or friends, if you don't mind. Wag na lang muna natin isali sa usapan si Hannah." he politely replied. Ito yung gusto ko sa kanya, hindi malaki yung ulo niya para hindi umamin sa mga kasalanan niya. It somewhat made my feeling better.

"Sure! I mean, it'll be easier for me now, dahil napag-usapan na natin 'to. I'll be back in Korea after finishing Kairie's second branch. Philippines reminds me so much memories." sabi ko at uminom ng kape.

"Mali yung ginawa ko sayo Shane. Hindi ako deserving sa pagmamahal mo. Sinayang ko lang yun kaya humihingi ako ng pasensya kasi biglaan yung desisyon ko. Siguro nagising na lang ako at na-realize ko na hindi yun yung gusto ko." tumungo siya. Nararamdaman ko naman na he's really sorry.

"I understand. I hope you'll find your true happiness. Mas mabuti siguro kung hihingi muna ako ng space at kapag okay na ako, magiging masaya ako na maging kaibigan mo." I gave him a smile kahit sa totoo lang, gusto ko ng umiyak sa harapan niya.

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon