Chapter 7

356 78 18
                                    

[Now Playing: Your Love by Alamid]

Glenn's POV

Namimiss ko na si Princess. Bakit ba hindi pa din umuuwi yung kapatid kong yun? Alam ko namang busy siya pero nawawalan na siya ng time sa amin sa sobrang pagtatrabaho.

"Babe. Ang lalim naman ng iniisip mo. Anong problema?"

Sa sobrang tagal na namin ni Raine, kabisado niya na yung bawat galaw ko.

"Sorry babe, iniisip ko kasi si Kairie eh. Hindi na umuuwi sa bahay namin." I said and frowned. The thought made me sad. Buti na lang nasa tabi ko ngayon si Raine.

"Alam mo naman na busy siya diba? Hayaan mo, uuwi naman yung pag tapos na siya sa mga ginagawa niya. Tawagan mo na lang siya. Okay?" aniya bago hinawakan yung kamay ko at pinisil ito. 

Ang swerte ko talaga kay Raine. Kaya mahal na mahal ko 'to eh. Palagi siyang nandito para sa akin tuwing masaya man ako o malungkot. Ngumiti ako at pinisil yung ilong niya. 

"Thanks Babe. Okay tatawagan ko na siya." sabi ko saka kinuha yung phone ko mula sa aking bulsa. 

After ilang ring ng phone niya, sumagot din siya.

"Hello Nerd." bati niya sa kabilang linya. Hindi pa rin nagbabago yung tawag niya sakin. 

"Hi Princess! Miss na kita. Umuwi kana sa bahay." sabi ko at nag pout. Hindi niya naman ako nakikita pero kahit na. Natawa naman si Raine sa ginawa ko. She's bubbly and too cute to handle. My heart flutters everytime she smiles.

"Tse. Mag lagnat ka ba nerd? Bakit ganyan ka?" tanong niya sa akin. 

"Wala. Nag bibiro ka na naman eh." 

Lagi na lang akong pinagti-tripan nitong kapatid ko. Buti mahal ko siya kaya hindi ako gumaganti dito pero kung bully lang ako baka matagal ko nang napaiyak 'to eh.

"Sorry Nerd. I'm just busy right now. Babawi ako next week."

Halata naman. Minsan na nga lang siya umuwi sa bahay at minsan na lang din siya magtext o tumawag sa amin nila mama at papa. Kailangan kami pa ang maunang tumawag sa kanya. She really loves her boutique. Matagal niya na kasing pangarap yun kaya wala kaming ibang magawa kung hindi suportahan siya. 

"Ma'am may bisita ka daw po." 

May narinig akong boses ng ibang babae sa kabilang linya. Secretary niya ata dahil hindi naman si Hannah yun.

"It's okay. Basta next week Princess ha? Asahan ko yan!" I replied. Excited na akong makasama si Princess! 

"Alright. Stop being nosy! I need to hang up now. Bye Nerd." she said before hanging up the phone.

Sira talaga tong si Kairie. Masama bang mamiss siya? Wala na kasing maingay sa bahay. Siya pa rin yung baby namin kahit na malaki na siya at independent na. I'm so proud of my little sister. 

Tumingin ako sa brown na mga mata ni Raine. Hay nakakatuwa naman na ako ang pinili niya sa lahat ng lalaking pumapaligid sa kanya. 

"Oh yan na, next week na pala siya uuwi eh." sabi niya sakin bago ngumiti. Inakbayan ko siya at ngumiti pabalik sa kanya. Mag gagabi na rin at baka pagalitan pa siya ng Auntie Flor niya.

"Oo nga eh. Excited na ako. Tara na Babe, hatid na kita sa inyo." pagyaya ko sa kanya. 

Hinawakan ko na yung kamay niya at sabay kaming naglakad pabalik sa parking lot. Kapag may oras kaming dalawa pagkatapos mag-aral, gumagala kami kahit saan. Tulad na lang ngayon, nasa Tagaytay kami para mag pahangin at kumain ng masarap na bulalo. Tumambay muna kami sa isang park dito para pampalipas ng oras at mag-usap tungkol sa kahit anong bagay. 

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon