Chapter 30

117 10 5
                                    

Friam's POV

"How old is my great grandchild?" she asked and glanced at my baby bump.

Pagkatapos namin mag lunch sa bahay, dinala kami ni Grandma Elisse sa isang bungalow, it's 1 block away from our house. Nag-uusap kami ngayon sa garden kasama sina Mitch at Parker. I didn't know we own a bungalow near our house. Kailan naman ginawa 'to? Sabagay, it's been five years already since the last time I went home.

Sa tingin ko wala ring idea si Parker tungkol sa lugar na 'to dahil tingin siya ng tingin sa paligid na para bang merong inspection na nagaganap.

"He's in his eight month Grandma." I smiled at her and then stroked my child. Hindi naman unexpected sa amin ni Mitch yung pagdating niya. We've been expecting him since we decided to do it. We both wanted to have our own family and voila! He's here at malapit na namin siyang makasama.

I'm so excited but I'm worried if I'm going to be a good mother for him. Ayokong lumaking kriminal at adik 'tong anak ko kaya aalagaan ko siya ng mabuti. I want good people to surround him.

Napag-usapan lang namin yung tungkol sa pagbagsak ng company namin at nakakagulat dahil hindi ko inaasahan na mangyayari yun. We have the most competitive and reliable employees.

Nasubukan ko din doon na mag trabaho pero hindi naman ako tumagal. I'll be bored to death and ayoko sa lahat yung hindi naman ako interesado sa trabaho ko tapos pinipilit pa ako. Binilin din sa amin ni Grandma 'tong bungalow para daw makapagpahinga ako ng maayos habang nag dadalang-tao kay baby. I haven't thought of a good name for my baby yet. Pinag-uusapan pa namin ni Mitch pero alam kong ako naman yung masusunod.

Parker and Grandma Elisse finally left us and I was surprised at Mitch who's now looking at me and smirking.

"What's your problem?" I asked and raised an eyebrow. Gosh! Natatakot ako kay Mitch pag nakangisi, alam kong may masamang balak na naman 'to eh.

"We're alone in this bungalow, honey." sagot niya habang ginagalaw-galaw naman yung kilay niya.

"So what?" pagtataray ko sa kanya.

"Let's do it!" he exclaimed. Muntik na akong matawa sa itsura niya pero natatakot talaga ako. Nakakainis 'tong lalaki na 'to!

"For Pete's sake Mitch! I'm 8 months pregnant! Paano na lang kung matusok mo si baby?"

Natawa naman siya at nag back hug sa akin. Matagal na kaming nagsasama pero hindi pa rin nawawala yung sweetness niya sa akin that's why I love my husband so much.

"I'm just joking honey but I thought.." magsasalita pa sana siya pero pinatahimik ko siya sa pamamagitan nang paghalik sa kanya.

Hindi lang ako makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng paglilihim ko kay Grandma, alam niya pa rin kung anong nangyayari sa akin sa Paris. Nagkaroon pa pala siya ng background information kay Mitch at sa pamilya niya. She's even updated about my boutique at kung ano na ang takbo nito! Nakakaloka si Grandma! Kaya daw pala siya nag patayo ng isang bungalow dahil expected niya na darating kami kasama daw ang unang apo niya sa tuhod. Love na love pa rin talaga ako ni Grandma kahit anong mangyari.

A week after our arrival, namasyal muna kami ni Mitch sa mga malls dito and I can't help myself to shop clothes for our first baby.

"Pink, blue or green, honey?" I asked tapos pinakita ko yung tatlong onesies na sobrang cute.

"Honey naman, of course pink. Yun naman yung pambabaeng kulay diba?" he replied while smiling. This husband of mine never gets tired of smiling. Ewan ko ba.

"Can't I buy all? They're so cute." I said and pouted. Paano ba naman kasi, naco-confused ako kahit na evident naman na pink na dapat yung piliin ko.

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon