Chapter 23

192 40 12
                                    

A/N:

Happy 2k reads! Dahil dyan, nag update ako ng sobrang haba di ko kinaya. Hahaha!

Sana tuloy-tuloy niyong suportahan ang #MLLL!

Okay tama na ang satsat.

Happy reading everyone!

As promised, dedicated sayo ang chapter 23, Shaeira. :)

-

Kairie's POV

"Ano bang ginagawa mo? Diba sinabi ko sa taas lang?" narinig kong reklamo ni Unggoy kay Saging.

"Ito na nga eh diba? Kanina pa sa taas eh, saan ba talaga?" naaasar na tanong ni Saging.

"Sige lang. Sa gilid naman."

"Dito?"

"Oo, dyan. Dyan, ahh! Ang galing mo talaga Hannah." sabi ni Jansen at tila bagong inat sa ungol na narinig ko.

Nanlaki naman ang mata naming dalawa ni Edmon habang nakatingin sa isa't isa. Nandito kami sa tapat ng pintuan ng condo dahil kakagaling lang namin sa The Mall. Nanood kami ng palabas sa sine at kumain ng dinner together since this freak wants to make up for his mistakes and shortcomings.

"I must know what they're doing. Papasok na ako." I told Edmon. I attempted to get my spare key from my bag but he refrained me from doing it.

"We need to listen first. Calm down babu." he said and pressed his ears against the door. Sira ulo talaga 'to. Baka tuwang-tuwa naman siya dahil naka-score na ang best friend niya sa best friend ko? Oh my Kairie! Wag mong isipin yan!

"I think we've already heard enough Edmon! Paano ako kakalma eh narinig mo ba yun? Mamaya oportunista pala yang ugok mong kaibigan at tinake-advantage niya yung pagiging slow ni Hannah!"

"Shhh."

Wala akong nagawa kundi isandal din ang katawan ko sa pintuan at makinig.

"Aray! Ang sakit naman Hannah. Dahan-dahan lang!" reklamo ni Bagyo.

"Sorry Jansen. Babawi na lang ako sa kabilang side naman."

"Woah, your bestfriend's wild." bulong ni Edmundo sa tenga ko. Demonyo ata to dahil tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Is he also thinking what am I thinking or my mind's already messed up because of stress? Ugh!

Tiningnan ko lang siya ng masama at bumungisngis naman ito. Peste naman oh! Ano ba kasing ginagawa nila? Ang paalam sakin ni Hannah mag mo-movie marathon lang sila. Anong nangyari parang ibang marathon na ata yung ginagawa nila?

I shaked my head. Siomai! I must not think that way. Alam naman ni Hannah yung tamang bagay na gawin diba? Pero what if Jansen seduced her? Grrr! That monkey really gets on my nerves!

"Sige, gusto ko yan." sagot ni Unggoy sa suggestion ni Saging.

Hindi ko na sinabi kay Edmon at bigla kong binuksan ang pintuan. Hindi ko matitiis na hanggang pintuan lang kami habang may nangyayaring milagro sa condo namin. Nagulat silang dalawa at tinigil ang ginagawa nila.

"Anong ginagawa niyo?! Manyak ka talagang Unggoy ka!!!" sigaw ko habang pasugod na pinalo siya ng shoulder bag ko. Umilag naman siya at pinigilan ako ni Hannah.

Nagulat din si Edmundo na nasa pintuan pa rin. Nabalik naman agad ni Bagyo ang postura niya. Laking pasasalamat ko na maayos silang nakaupo sa sofa at nakabihis pa rin ng damit na suot nila noong mag hiwalay kami kanina. Dahil kung hindi, I might become a murderer in one snap.

"Wow Kairie, welcome back! Anong manyak yang sinasabi mo?! Sobrang laki ba ng galit mo at pagpukpok sa ulo ko ang pasalubong mo sakin?" sabi niya habang hinihimas ang parte na napalo ko.

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon