Chapter 16

206 57 6
                                    

Kairie's POV

From: Demonyo 😈

Happy 3rd monthsary my Babu. Let's meet. I'll pick you up after one hour. Deal?

Di pa man ako nakakapag reply pero bigla siyang tumawag. Kaya naman sinagot ko agad.

"Hello babu! I miss you!" bati niya. Mukhang good vibes si kumag ah? Anong meron?

"Hi. Tinatamad akong lumabas. Pagod ako." matamlay na pag sagot ko sa kanya.

"Bakit naman? Saan ka napagod? Wala pa nga tayong ginagawa e." narinig ko naman na bumungisngis siya sa kabilang linya. Naknang! Anong ibig sabihin niya?!

"You see Mr. La Forteza, I don't have time for this crappy conversation. Kung ano man yang iniisip mo, bahala ka sa buhay mo." pag susungit ko sa kanya. Asar naman tong mga taong to. Kanina pa talaga! Gustong-gusto ko na mag pahinga. Hay nako!

"I want you to meet Grandma Elisse. She's excited to see you. Kakarating niya lang galing California. She's inviting you over for a dinner." sagot ni Edmon.

"Seriously? Ngayon na agad?" bumuntong hininga ako. Nakakahiya naman kasi kung tatanggi ako. Baka sabihin nila pa-VIP lang ang peg ko. "Alright. Pick me up at 6 pm." dugtong ko.

She's 'excited' to meet me? Sa word na excited pa lang kinikilabutan na ako. Hay.

"Yun! Thanks babu! See you later darling." aniya na siyang nag pabilis lalo ng tibok ng puso ko. 'Darling,' isang salita lang pero parang may kabayong sobrang tulin kung tumakbo sa dibdib ko. Ramdam ko ang sobrang pagkabog nito na para bang gustong kumawala sa rib cage ko.

"Whatever. Bye."

Ewan ko ba kung bakit kailangan ko laging mag taray sa kanya. Para bang nasanay na ako na maging ganito hindi dahil matapang ako. Sa totoo lang, natatakot ako dahil matagal pa kaming magsasama at madami pang mangyayari.

Sa mga araw na yun, baka magising na lang ako na nahulog na sa kumunoy ng panlilinlang niya at di na ako maka-ahon dahil nilalamon na ako nito pababa.

Paano ba ito? I'm screwed. Alam kong hindi tama tong nararamdaman ko. Mali! Sobrang mali!

'3 months pa lang Kairie! Don't tell me you gave in already?' tanong ng isip ko.

Hindi maaari! Kailangan ko isipin lahat ng panggagago niya sa akin noon para magalit ako sa kanya ulit.

Remember Kairie, sinaktan kana niya. Hindi pa sapat lahat ng ginawa niya para sa lahat ng sakit na naramdaman mo.

'Pinapalit ka niya sa sarili mong best friend.'

'Iniwan ka niya sa ere.'

'Niloko ka niya.'

'Ginamit ka niya.'

'Napako lahat ng punyaterang pangako niya sayo.'

'Sinaktan ka niya ng sobra-sobra.'

'Pinaiyak ka niya at pinaasa.'

Tandaan mo, siya si Edmon Parker La Forteza, ang ex mong gago at manloloko.

Bumangon na ako at nag ayos. Wala din naman akong choice kahit ilang beses akong mag rant dito. Kinakabahan ako dahil kung masungit ako, 10x pa ang katarayan ni Grandma Elisse. Ugh! Nakawala na sana ako noong nag break kami ni Edmon. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo sakin ng matandang yun!

Pink tube cocktail dress na maraming Swarovski diamonds yung suot ko tapos silver na purse at wedge na heels para hindi ako mahirapang mag lakad. Kailangan ko talaga manamit ng maayos dahil sobra kung makapag-criticize si Grandma. Sakto lang pala na nag paayos ako kanina sa parlor at least hindi ako masyadong maiilang kasi alam kong bagay sakin.

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon