Chapter 9

315 76 23
                                    


Hannah's POV

Pupunta sana ako sa entertainment room para manood ng Phineas and Ferb kaso lang narinig kong tumutugtog yung piano. Hala! Nakakatakot! Baka may mumu na magpakita sakin dito! Kahit umaga diba may mumu naman talaga?

"Kairie?" pabulong kong tawag. Dahan-dahan akong nagpunta doon. Nag tip toe ako para walang marinig na yabag ng paa yung mumu. Hinanda ko na yung sarili ko sa kung anumang bagay na makikita ko.

"Boooo!" panggugulat ko. Kung sakaling tatakutin man ako nung mumu, uunahan ko na siya para siya yung matakot at hindi ako. Pero ako yung nagulat dahil nakita ko si Kairie na tumutugtog ng piano. Hindi mumu. Muntik na akong mapasigaw pero hinawakan ko agad yung bibig ko.

Wah! Matagal na niyang hindi nagagamit yan mag mula noong naghiwalay sila ni Edmon. Nakapikit siya habang tumutugtog kaya kitang-kita ko na dinadamdam niya yung kanta. Sumasabay din siya pero mahina lang. Sapat na para marinig ko mula dito sa kinatatayuan ko. Hindi niya ako napansin dahil nga sobrang dinadamdam niya yung kanta.

Alam ko naman na sasaktan pa rin yung best friend ko kaya nga ginagawa ko lahat para mapasaya siya. Sobrang sakit kasi nung ginawa sa kanya ni Edmon, kahit na sobrang naiinis na ako sa kanya, I can't strangle him to death! Sabi ni Kairie, pabayaan ko na lang. Her heart is gold. Tricia's soul is black. Best friends pa man din kaming tatlo tapos hinayaan niyang magkasakitan sila dahil lang sa isang lalaki.

Kung talagang may respeto siya sa friendship nila at kay Kairie, hindi niya gagawin yun. Sa totoo lang, si Kairie naman talaga ang unang umangkin kay Edmon. Ewan ko ba kung anong sumapi kay Tricia at nagawa niya yun. She used to be good to people then it all went out of the window.

Patapos na yung kanta at nakita kong tumulo yung luha niya. Alam ko na! Papasayahin ko sa Kairie mamaya. Oo, tama! Tumango-tango ako sa pag sang-ayon ko sa sarili ko. I'm so genius!

"Hoy Saging! Anong ginagawa mo dyan?"

Nagulat ako sa pag sigaw ni Kairie. Hindi ko alam kung bakit parang lagi siyang nakalunok ng megaphone dahil sa lakas ng boses niya.

"Ay tama! Ay oo tama!"

Napalunok naman ako at dahan-dahang tumingin sa kanya. Nakasalubong yung kilay niya at nakatingin sa akin.

"Anong tama? Teka, kanina ka pa ba nandyan?" tanong niyang muli. Di ko tuloy siya masagot kasi nakaka-intimidate yung mga tingin niya sakin eh.

"Ah. Wala Kurdapya. May gagawin ka ba mamaya?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na siya sinagot bagkus nginitian ko siya pero sinimangutan niya naman ako.

"Wala naman. Hindi naman nagtetext si kumag eh. Bakit?" buong pagtataka niyang tanong.

Buti naman at hindi naman at hindi na magkasalubong yung mga kilay niya. Sinarado niya na yung case ng piano keys saka tumayo sa upuan. Umupo siya sa sofa kaya naman sumunod ako sa kanya.

"Gusto mo bang sumama? Dali na! Sumama kana sa amin ni Jansen. Ipapakilala kita sa kanya." pagpupumilit ko sa kanya. Bahagya akong lumapit sa kanya para hilahin yung kamay niya. Agad niya namang binawi at nagsalita. Hindi eh, more like sermon.

"Naka-super saiyan mode kana naman eh! Oo na! Sasama na para makilala ko naman yung unggoy na yun. Sana worth it naman yung pagsayang ko ng energy sa kanya." aniya at ngumiti.

Buti naman. It's a relief seeing her smile. Ayokong nalulungkot ang best friend ko. Kami na nga lang dalawa dito eh. Gusto ko maging masaya siyang kasama ako.

"Yehey! Sige mag ayos na tayo ha?"

Jansen's POV

Nakatambay kami ngayon ni Edmon sa theatre room nila. Nanonood kami ng Walking Dead Season 4. Napansin ko na nag vibrate yung cellphone ko kaya binuksan ko kaagad yung text message. Sino naman kaya 'to?

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon