Chapter 8

351 80 37
                                    

Kairie's POV

"Okay." binatawan niya ako at tumalikod.

Nabalot na katahimikan yung kwarto. Isang oras na akong nakaupo dito para bantayan siya kaya tumayo ako para tingnan ko kung maayos ba siyang nakatulog.

Inayos ko yung unan niya at kinumutan siya. Sa sobrang himbing ng tulog niya, mukha na siyang anghel. Sana tulog na lang siya lagi para di bumalik sa pagiging hayop. Natawa naman ako doon. 

Ang laki na ng pinagbago niya. Mas pumuti at gumanda yung kutis niya. Daig pa ako nito, pambihira! Ang tangos din ng ilong niya at mayroong mahabang pilik mata. Mapula pa rin naman yung labi niya, walang kupas. Naamoy ko rin yung lavender mint shave niya. Hay, ang bango naman! 

Mas lumapit pa ako dahil nakakahumaling yung amoy para akong hinihila papalapit sa kanya.

Wait! Did I just said those things?! What on earth am I thinking?!

Nakapikit pa ako habang inaamoy siya. Sobrang bango naman ng lalaking 'to. Nakasuot na siya ng hospital gown pero nandito pa rin yung sariling amoy niya. 

"Checking me out again huh?" may pamilyar akong narinig na boses kaya nagulat ako bigla. 

Pag dilat ko, nakita kong nakatingin siya at nakangisi sa akin. Shems! 

"Oh. Finally, you're awake! I was just checking your temperature." mabilis kong sabi habang inaabot yung thermometer pero nang mahawakan ko na, nalalaglag ito sa sahig dahil nadulas sa kamay ko. 

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakaramdam naman ako ng init sa mukha.

Shit lang. Ang tanga ko.

"Yeah right. Mainit ba dito? Bakit ka pinagpapawisan?" tanong niya sakin habang nakangisi pa rin siya. Huh! Him and his trademark smirk. I hate it so much I wanna puke. 

Pinahiran ko yung noo ko, hindi lang pala mukha yung uminit sakin, pati buong katawan. Pakiramdam ko pulang-pula na yung mukha ko sa sobrang kahihiyan pero I didn't bother bagkus sinungitan ko na lang siya. Defense mechanism ko yun eh. Bakit ba? 

"Pakielam mo ba? Nakakapagod ka kayang bantayan! I guess you're better so I'll leave now. Goodbye." I squeaked at aakma na sana akong aalis pero nagsalita siya kaya humarap ako ulit sa kanya. 

"Wag muna Kairie." aniya at hinila yung braso ko. Nakakainis to! Ang hilig mang-hila kulang na lang makalas sa katawan ko yung braso ko eh. 

"Bakit na naman ba?!" napasigaw na ako. Kanina pa ako natetense dito. Ang awkward na masyado. Kailangan ko ng umalis.

"I'm just going to give you my sincerest gratitude. Thank you darling." he said at ngumiti siya. Sincere his face. He doesn't even know that word. Paano niya nasabing sincere siya? Tss. 

"Anong akala mo? May kapalit yun!" pasigaw kong sabi sa kanya at ako naman ngayon ang nakangisi.

"Akala ko ba you're sorry?" sabi niya at kinindatan ako. I smacked his face with a pillow. Ang sagwa tingnan ng kindat niya pero lagi niya pa rin ginagawa. Gusto lang talaga niya akong maasar ng sobra eh! Ugh!

"Whatever. Minus 5,000 sa payment ko yun!" sigaw ko sa kanya. Pinadyak ko pa yung paa ko pero hindi naman siya natinag. 

"Wala sa contract yan." he smirked again and looked at me intensely. Nakakailang naman tumingin 'tong mokong na 'to. Kahit pa kasi nakasuot siya ng hospital gown ang gwapo niya pa rin.

Omg! That is my slip of the tongue! Hindi maaari, ano bang nangyayari sayo Princess Kairie Gonzaga?! Are you out of your mind?!

"Shut up. I'm going." mabilis kong sabi at umalis na ako bago pa niya ako bigyan ng comeback. 

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon