Chapter 4

475 96 44
                                    

Parker's POV

I can't believe na nag agree sa akin si Kairie. I've been waiting for this very moment. Siguro nabanggit sa kanya ni Hannah na napakagaling kong architect at napakaswerte niya dahil ako pa yung nag offer ng contract. Dahil ang dami ng may gusto sakin para maging architect ng projects nila. I kept on declining them kahit na kikita ako ng malaki. I wanted to work with Kairie first. Just to know if my charm still works on her.

Teka, ang tagal naman nung babaeng yun! Sinabi ng wag siyang malate eh. Kairita! Pero kailangan ko siyang makita. Natutuwa ako pag nakikita siya. Oo, lalo na pag haggard at stressed yung mukha niya. Priceless! Natawa naman ako dahil na-imagine ko na naman yung istura niya. 

"Sorry I'm late!" sabi niya saka pabagsak na umupo. Hingal na hingal siya ah?

Gulo-gulo pa yung buhok niya na umupo sa harap ko kaya natawa ako. Saan bang planeta galing 'tong si Kairie at parang hindi uso doon ang pagsusuklay?

"Excuse me, bakit ka tumatawa, Mister?" inirapan niya ako. Taray talaga. That's why I like her. 

She's an exception sa mga babaeng nakilala ko, halos lahat parang kulang na lang ibato nila yung sarili nila sakin pero siya? Para akong may virus na nakakahawa kung maka-iwas pero that can't change the fact, that I'm so handsome. 

"Pfft. Sorry. Tingnan mo muna yung itsura mo sa cr." sabi ko habang nagpipigil na tumawa. Sa sobrang lakas napapatingin na yung mga tao sa amin.

Tumakbo na si Kairie sa banyo at narinig ko pa yung sigaw niya mula doon. Now she knows what I am talking about. 

"Oh my gosh!" 

Tumatawa pa din ako pag balik niya. Siguro nakita niya na kung gaano ka miserable yung buhok niya. Parang dumaan sa kanya yung bagyong Ondoy eh. 

Bumalik siya sa upuan niya pero nakatungo. Nahiya na siguro siya. Ang cute naman ng Kairie ko! Namiss ko talaga to eh.

"Stop laughing if you don't want me to end your life right now." she glared at my direction at literal akong nakaramdam ng goosebumps dahil sa tingin niya sakin. If she wants to, she'll do it. 

"S-sorry. So, let's start." pagsisimula ko para di na kami mailang, lalo na siya. 

"Yes. Thank you for letting me know how miserable I looked, Edmon." she sheepishly smiled at umamo na din yung mukha niya. 

For the first time in history. I mean, after three years nakita ko ulit yung ngiti niya pero di ako nagpahalata. Syempre, kailangan cool lang. Ayan ang sikreto ng mga gwapo na katulad ko. 

"No problem Miss Gonzaga, just call me Parker. I need you to tell me the location of your second branch at kailangan din natin itong puntahan mamaya para ma-design ko na agad yung boutique mo. Is it okay?"

"Uhm. Yeah sure, Edm- Parker." she stuttered. 

Halata namang uneasy pa rin siya. Bakit naman? Akala ko ba naka move on na 'to? Natawa naman ako sa isip ko. Sabi na nga ba gumagana pa din yung charm ko! Sa pogi ko ba namang to eh!

"Are you hungry? Do you want to eat first before proceeding?" I asked. Hindi naman ako rude since nandito na rin naman kami sa Café de Roastado. 

"No need. I'm not hungry. Go ahead." 

Saktong pagkasabi niya nun, bigla namang tumunog yung tiyan niya. Tuluyan naman akong natawa. Gah! Priceless yung mukha niya. Namula siya na parang kamatis at nanatiling nakatungo. Success talaga Edmon! I mean, Parker. 

"Pfft. Yeah right, not hungry." sabi ko habang sinusubukan mag pigil ng tawa pero damn it, she's really making me laugh. I don't know how many years I've not laughed like this. She's still have her effect on me. Maybe it's her charms working on me and not mine on her? 

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon