Chapter 1

929 118 95
                                    


Kairie's POV

Mataray daw ako. Yun ang alam nila dahil wala naman talaga silang alam kung bakit ganito ako. Hindi ko din nga malaman kung bakit ba ang hilig kong mag taray sa mga tao. Basta ang alam ko, ito ako. Walang makakapagpabago sa akin.

"Hoy kurdapya! Ano na naman bang iniisip mo dyan? Kanina pa ako nagtatanong sayo, nakatulala ka lang. Gandang-ganda kana naman sakin ano?" sigaw ng maarte kong best friend na si Hannah. Ayan na naman siya sa term niyang kurdapya. Saan niya ba nakuha yun?

"Pambihira naman saging, manahimik ka nga dyan!" sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Nag-iisip pa nga ako eh, estorbo naman 'to. Madalas ko siyang tawaging saging kasi nga ang asar namin sa kanya ng high school friends namin, Hannah Banana. 

"Chill lang Kairie! Kasi naman importante to. Balak mo ba talagang mag launch ng bagong clothing line?" tanong niya at nag taas siya ng kilay sakin. Akala naman niya bagay sa kanya. Ugh! Bakit ba ako naiirita? 

"Sa tingin mo ba kung wala, nandito tayo ngayon. Ha?" 

Ano ba naman tong babaeng to, minsan talaga walang common sense eh. Pasalamat siya, best friend ko siya.

"Aba malay ko ba! May balak ka pala kurdapya eh! Pero nakatulala ka lang sakin dyan na parang shunga." aniya na sinabayan pa niya ng bungisngis niya. Nairita naman tuloy ako lalo. 

"Saging, umayos ka nga! Ito na kasi! Ano bang gusto mong ipangalan sa clothing line na yun?" tanong ko sa kanya pero bakit ba siya yung tinatanong ko eh ako 'tong may ari ng boutique? Gosh! Isip naman dyan utak oh.

"Ikaw na lang Kairie. Wala akong maisip." sagot niya. Nice, laking tulong din talaga minsan nito ni Hannah Banana eh. Anyway, why blame her? Aish!

"Kahit ako din naman eh. Basta next week na lang natin pag-usapan to." sabi ko saka tumayo na sa leather kong swivel chair. Tumayo na rin siya at nag-ayos ng mga papeles na kailangan kong pirmahan. 

Kailangan ko muna sigurong mag unwind. Hindi ko na kaya to. Napakadami kong iniisip. Stressed na stressed na ako dahil sa boutique ko tapos may balak pa akong magbukas ng second branch kasi dumadami na yung clients ko. 

"Sige kurdapya! Babush na muna! May date ako ngayon sa bago kong fafa eh! Hihi!" nagpacute muna siya sakin at kumaripas na siya ng takbo bago pa ako makasagot.

Umalis na muna ako sa boutique ko. Oo, fashion designer ako at assistant ko ang magaling kong best friend sa business na ito. Sabay kaming nag tapos ng fashion designing sa Paris. Hindi ko lang talaga alam kung bakit mas pinili ni Hannah na maging assistant ko kesa mag tayo ng sarili niyang boutique. Less hassle nga naman kasi.

Naglalakad ako ngayon papuntang parking lot. Saan kaya ako tatambay? Ang dami kong dalang designs dahil baka sa condo na lang namin ni Hannah tapusin 'to. 

Nagulat naman ako na may lalaking hindi tumitingin sa daan ang nakabunggo sakin. 

"Ay sorry Miss." sabi niya habang nakatungo. 

Pinulot niya yung sketch pad ko. Nagkalat pati lahat ng designs ko at dahil dun, nadumihan ang iba sa mga 'to.

"Ano ba naman yan! Hindi kasi tumitingin sa daan!" reklamo ko pero hindi pa rin siya sumasagot kasi busy siya sa kausap niya sa phone. Buwisit naman! 

Umihip naman yung malakas na hangin. Paano ba naman kasi? January ngayon kaya mahangin na nagdala ng malamig na klima sa Pinas. 

"Oh my gee! Yung mga designs ko!" sigaw ko habang nakikitang nagsiliparan yung mga papel sa kamay ko. After that dramatic scene, tiningnan ko ng masama ang lalaking nakabangga sakin.

"Sorry Miss. Hold on, I'll call you later." 

Tumigil siya sa pakikipag-usap sa telepono at tumingin sa akin.

"Kairie?" nagtatakang tanong niya. Putspa! Ngayon ko pa talaga siya nakita? Minamalas nga naman.

"Wag mo akong i-Kairie dyan, Mister. Importante tong mga designs ko! Nakakainis." sambit ko at tsaka siya inirapan. Pinulot ko yung mga papel na nagkalat. Tinulungan niya naman ako pero sa tuwing nagkakasanggi yung mga kamay namin, tinatabig ko ito.

"Sorry talaga Kairie. How could I make it up to you?" tanong niya sakin at halata naman na nagsisi siya pero kahit na! Damn! I worked hard for these designs.

"Gosh Edmundo! These are for my new clothing line. Tell me, how could you make it up to me?" pagsusungit ko sa kanya. Nakakainis talaga! Ugh!

"Hey, I'm really busy today. I'm really sorry. Hindi ko talaga sinasadya but I'm glad we bumped into each other after 3 years." 

He smirked at me. After 3 years ngayon ko lang nakita yang trademark smirk niya. He's still gorgeo-. What the hell, no. 

"Yeah right. Nevermind. I'll just make new ones. After all may copy pa naman ako nito. You lucky bastard."

"Whoah! Hold your horses Kairie!" ngumiti siya sakin. Hindi pa din nagbabago yung mga ngiti niya. 

"Ikaw pa rin pala talaga yan. Mataray pa din. Bitch mode ka talaga pag dating sakin eh no? Haven't you moved on already?" dagdag niya na nagpainit ng ulo ko. 

What the hell is he saying? Of course. Hinimas ko ang sentido ko, binibigyan niya ako ng sakit ng ulo.

"Of course, Mister Edmon Parker La Forteza. I have to go. Good bye." Aalis na dapat ako pero bigla niyang hinila yung wrist ko. "Ano ba. I've go to-." magsasalita pa sana ako pero sumabat siya. Wala talaga siyang manners. 

"Did you eat your lunch yet? I'll treat you. After all, gusto ko bumawi sa ginawa ko kanina. Okay lang ba?"

"Okay lang." mabilis kong sagot. 

 Ano ba Kairie, bakit ka pumayag? Okay lang, para mapatunayan ko din sa kanya na talagang naka move on na ako. Akala niya ha!


A/N:

Hey! I dedicated this chapter to Jean because of her heartwarming comment about my story. Please continue to support My Long Lost Lover. I'll never forget those words. :)

Click the external link to view her message. Hehe. 

Ciao!

Edited: July 11, 2016

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon