Chapter 11

265 65 15
                                    

Hannah's POV

Araw-araw na akong naririndi kay Kairie. Paulit-ulit daw ba akong pagsabihan na wag makipagkita sa gwapo este sa unggoy. Ewan ko ba dun! Pag pinapakwento ko naman siya kung bakit, nagagalit siya. Labo.

Nakabihis ako ngayon. May date kami ni Jansen. Hehehe.

Shhhh! Wag kayong maingay kay Kairie!

Dahan-dahan akong lumabas sa pintuan. Sakto nasa kwarto si Kurdapya. Hehehe.

Konti na lang. Malapit na ako makalabas sa pinto.

Sinubukan ko talagang wag mag-ingay para di niya ako mapansin.

"Hoy Saging! Saan ka pupunta?!" pag lingon ko, nakita ko si Kairie. Parang halimaw. Nakapamewang siya at namumula sa galit.

"Diba sinabi ko sayong wag kang aalis?!"

"Ah. Hehehe. Ano ka ba Kairie!" pumunta ako sa kanya.

"Bibili lang kaya ako ng asin. Wala na kasi e. Kakain sana ako ng mangga. Oo yun. Tama!" binatukan niya naman ako.

"Aguy naman kurdapya!" napakamot na lang ako sa batok ko. Ang sakit!

"Wag mo akong aguy-aguyin diyan! Bibili ka ng asin pero naka dress ka?" nakataas na kilay niyang tanong sakin.

Ay oo nga pala! Hala patay.

"Kairie, tingnan mo yun! Dali!" tinuro ko pa yung gamit sa likod niya.

Paglingon niya, agad naman akong kumaripas ng palabas ng condo.

Ilang units na din yung nadaanan ko.

"HANNAAAAAAAAAAAAAAH!" Ang lakas ng sigaw ni Kairie.

Hahahahaha! Naisahan ko siya. Shunga talaga ni Kurdapya.

Nag ring yung cellphone ko.

CrushKo,SiJansen ❤❤❤

Calling....

Omg! Tumatawag siyaaaa.

Ehem. Ehem.

"Hello Jansen?"

"Nasaan kana?"

"Pababa na sa parking lot."

"Wag kana pumunta don. Dadaanan kita sa main entrance."

Awwww. Sweet naman ni fafa Jansen. Hihihi.

"Okay. See you."

"See you."

Binaba ko na yung tawag. Malapit na din naman ako.

Naghintay ako saglit sa lobby.

From: Gwapong Unggoy ❤❤❤

Hannah. Labas kana. I'm here.

Pinalitan ko na yung pangalan niya. Ayos lang na tawagin siyang unggoy ni Kairie kasi paborito niya naman SAGING. Hihi.

Lumabas na ako at nakita ko naman yung pula niyang sasakyan.

Nakita ko si Jansen na lumabas at ngumiti sa akin.

Ang hot niya muntik na malaglag yung pan-- ko. Ay joke, panga ko. Ano ba yan.

"Hi Hannah." bati niya pag lapit ko sa kanya.

Hinawakan niya yung kamay ko at pinapasok sa sasakyan niya.

---

Nasa food court kami ngayon.

Nakatitig lang ako sa kanya.

Bakit ba ang gwapo ng unggoy na 'to?

Ay ano ba yan! Nahahawa na ako kay Kairie.

My Long Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon