Ang labo naman non.
Nagagalit nalang bigla. Wala naman akong ginagawa ah?
"ahh! O-ouch!" Daing ng babaeng nakita kong natumba. Hays pipol.
Hindi niya ata nakitang may bato dahil sa pagmamadali natumba tuloy. Napailing nalang ako at pinipigilan ang sariling matawa.
Tanga. Sorry my false. Ang tanga niya rin kasi.
Saka ako lumapit sakanya at inabot ang kamay ko.
"Here, let me help you. 'wag ka kasi mag dive ng walang tubig." seryoso kong sabi. Habang tinutulungan siyang makatayo.
Nakita ko namang namula tenga niya pagkatapos ng sinabi ko. Kinagat niya rin pangibabang labi niya. Hmm not bad. siyempre joke lang.
Baka makarate na naman ako ni Wade eh.
Naalala Ko na naman nangyari kanina. Kaya napapikit ako.
"T-thank you." nahihiya niyang sabi. Napangiti na lamang ako.
"No worries, sa susunod na mag dive ka siguraduhin mong ma-" hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi.
"B-bye, t-thank you ulit." Nanlalaking mga mata na tiningnan ko yong babae. Tumakbo papalayo.
At mas nagulat ako nang makita rin si Wade. Nagulat rin sa nasaksihan. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya.
Sana, nang bigla na naman siyang nagmamadaling naglakad papalayo. "Miss Meijer! Wait!" Sigaw ko. Pero hindi niya talaga ako nilingon.
"Bwisit!" I hissed in frustration.
Mas Lalo akong hindi kakausapin ni Wade nito eh. Bawi nalang ako sa bahay.
Teka nga. Eh bakit ko naman gagawin yon? Kasal lang naman kami sa papel at walang feelings.
Wala nga ba?
Pero kailangan ko parin mag explain baka mamaya sabihin niya sa parents ko mahirap na. Tama. Napabuntong hininga na Lang rin ako.
Hawak hawak rin ang ulo na pinagmumura ang sarili.
Pipitikin ko noo ng babaeng yon pag nakita ko. Tinulungan ko lang naman eh.
Malas!
"Yoshka?" Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko.
Sino na naman to?
"Yes?"
Hala ang Ganda! Pero mas maganda si Wade.
"Ahm.. do I know you Miss?" sa pagtatanong ko ay nginitian niya lang ako.
"Ikaw nga!" Sigaw niya at inambahan ako ng yakap.
"H-ha?" Di makapaniwalang tanong ko sakanya.
Akmang hihigpitan pa niya ang yakap sa'kin nang tinulak ko siya ng kunti.
"Why? Hindi mo ba ako nakikilala? Nakakasama ng loob ha." Pagmamaktol niya.
Ako naman ay gulat at naguguluhang nakatingin sakanya.
"I-i'm sorry but I don't really know you Miss." Luminga linga ako para makita si Wade. Baka kasi nakatingin na naman siya.
Pasulpot sulpot pa naman yon.
"Ang sakit mo naman.."Sabay tinampal balikat ko.
Why it feels like she's flirting with me?
Ayoko magkasala na naman kay wade kaya parang awa mo na lumayo kaಥ‿ಥ
BINABASA MO ANG
Annulment (GL) (ProfxStudent)
General FictionCOMPLETED! They both started with marriage but on paper. Can they both handle it?