"Babu, I'm home.."
Rinig kong sabi ng Isang babae na kakauwi palang. San kaya to nagpunta at kakauwi palang? hmp pake ko rin.
Hindi bagay sakanya mag Babu masiyadong soft eh pang tigasin ang dating niya.
Nandito rin sina mama at papa para kumustahin kaming dalawa ni Wade. At yong Isang yon naman ngayon pa lumandi baliw talaga.
"Babu babu nyenye." Bulong ko sa sarili ko na parang bata. Kalamo naman ano eh.
Napatingin tuloy sila mama sa bagong dating na si Wade. Ako naman ay parang walang narinig na iniinom ang juice na timpla ko.
Napapikit ako ng mariin dahil nagsisimula na naman sumakit ang ulo ko. Hmm. Not now please.
Naririnig kong papalapit na ang yabag niya. Inayos ko rin ang upo ko.
"Good evening hija." Pagkasabi non ni mama ay tiningnan ko si Wade.
Nakatingin rin pala sa'kin. Nagtatanong mga titig niya pero bahala siya diyan.
"G-good evening m-mama. W-what are you doing here po?" magalang na sagot niya nang sinalubong siya ni mama ng beso at yakap.
Akalain mong gumalang siya. Si papa ay nginitian at tinanguan naman siya. Ganon din siya kay papa.
Napaisip ako. Pano kaya pag nagsama si papa at Wade ano? Edi ang tahimik. Masasabi bang peaceful journey yon? Hays korni mo naman Yoshka.
hehe hindi po ako yan. Hindi po ako nagjojoke. Simula talaga nang dumating sa buhay ko itong is Wade yong malambot na side ko na laging nangunguna sa'kin. Ang tigas tigas ko dati at nakikipag suntukan tapos ganito lang. Well hindi naman ako nagsisisi eh.
"Yoshka? I'm home." She said while looking at me seriously.
"What?" I said not knowing my parents are here.
Pero alam ko na talaga sinasabi at inaakto niya hindi ko lang pinapansin. She raise her eye brow na nagpatawa sa isipan ko. Kalamo ha.
"I'm home. So where's my kiss?" she said while frowning.
I rolled my eyes as I step closer to her and reach for her collar. Sabay hinalikan ko na siya sa parehong pisngi niya. She smiled. Her dimples formed into circle so I know she smiled.
"Aww.. both of you are so sweet." My mama lovingly said. Humiwalay naman na ako kay Wade at tumabi sa pagkakatayo niya.
She wrapped her arms around my waist and pulled me closer to her. Na ikinamula ng tenga ko. Hindi manlang magsabi.
"Thank you ma, but napadalaw kayo? hindi po ako nakapag handa since kakarating ko lang po." Napatitig naman ako sa sinabi niya. Straight Tagalog yarn?
"It's okay sweetie, napadaan lang rin kami rito to check the both of you. If you're doing well here." si mama ulit nagsalita. Si papa naman seryosong nakatingin saamin kala mo naman may ginawa kami eh.
"Pa? Si mama ba spoke person mo? Uso po magsalita papa ha baka hindi mo alam." nagulat naman si papa sa sinabi ko. Pero napa aray din ako sa ginawa ni Wade. Kinurot niya lang naman ng pagkanipis nipis ang balat ko sa bewang.
Si mama eh napahagikhik. Hindi makapaniwalang sinabi ko yon. Ang seryoso niya naman kasi eh. Napapailing na ngayon si papa tapos tipid na ngumingiti. Yan ganyan dapat pa. Mukha kang problemado sa seryoso mong mukha eh.
"You're really crazy, you know that?" Bulong naman nitong katabi ko. Kaya nagulat ako at nanindig ang balahibo sa ginawa niya. Hindi ko napansin na nasa tenga ko na labi niya eh.
BINABASA MO ANG
Annulment (GL) (ProfxStudent)
General FictionCOMPLETED! They both started with marriage but on paper. Can they both handle it?