Nasa parking lot na kami ngayon ni Clara sinabihan narin namin si Lynx na dumeritso sa parking lot eh.
We're just standing here for a minute buti nalang di mainipin Isang to.
Magsasalita na sana ako kasi may itatanong ako kay Clara kaso nag vibrate phone. Kinapa ko muna phone ko at tiningnan kung ano dahilan nang pag vibrate.
Pagka kita ko ng message ay napangiti ako. Si Miss Meijer lang naman pala.
From:
Miss ProfessorHey.. it's me. Hang on there for a minute, okay? May inaayos lang ako.
To:
Miss ProfessorYes ma'am! Pakibilisan lang ha mwa..
From:
Miss ProfessorSino ka para pagsabihan ako?
To:
Miss Professor
Ay ang sungit mo naman Miss. AKO LANG NAMAN PO ANG ASAWA MO OO. Kaya sumunod ka nalang hmp.From:
Miss ProfessorAlright wife.
Medyo nainis ako don ng kaunti. Pero napangiti rin pagka launan. Lalo na sa huling reply niya.
Para kasi kaming teen ager na magjowa beh. Hindi ko na nireplayan si ma'am at mas tinoun ang pansin ko kay Clara na nabobored na. Hindi siya mainipin pero mabilis siyang ma bored.
While putting my phone in my pocket again. Si Clara naman naging abala na sa pagtingin ng newly painted nails niya.
Adik hays. Nakita ko si Lynx na papalapit saamin. Sumenyas naman siya na wag maingay. Mukhang manggugulat to ah.
"Hoy!"
"Anak ka ng tatay mo!" Sigaw ni Clara at napawahak sa'kin. Ako naman ay nagpipigil ng tawa. Pft.
"Bwisit ka Lynx Creighton!" Pagpapatuloy pa ni Clara sabay tinakbo si Lynx at binatukan.
Kaya yong tawang kanina ko pa pinipigilan ay kumawala na. Si Clara kasi nasa likod na ni Lynx at iniinat ang dalawang pisngi ni Lynx.
"HAHAHAHAHAHA" tawa ko at pinahid pahid ang mga nangingilid kong luha.
Kawawa naman to. "Wahh! Help Evey!" Rinig kong sabi ni Lynx habang nasa likod niya pa si Clara.
Napailing nalang ako sa bonding nila. Pagkatapos nilang mag bonding ay lumapit na sila sa'kin.
"So where is she Yosh?" Si Clara na nagtanong habang nakahawak sa braso ni Lynx.
Si Lynx naman pinipigilan mag react. Napairap naman ako sa isipan ko. Ang lalandi.
"Parating na, she texted me. May inaayos lang." I answered and made my way to Wade's car at sumandal.
Hindi naman nila alam kotse ni ma'am so it's fine. Pumikit muna ako habang naririnig ko pa mga bardagulan ng dalawa na papalapit na sa'kin.
Pero bigla nalang silang huminto. Baka napagod na. Nagkibit balikat na lamang ako.
Ngumiti ako nang maisip ko na naman ang pagtawag sa'kin ni Wade.
Wife
"Wife?" Hay.. naririnig ko na boses niya.
BINABASA MO ANG
Annulment (GL) (ProfxStudent)
Fiksi UmumCOMPLETED! They both started with marriage but on paper. Can they both handle it?