44

5.5K 128 11
                                    

"The game will start now." Bungad ko sakanyang opisina nang makarating ako.

"Bulaklak para sa'yo, binibini." Saad ko na agarang napahilot sa noo niya.

"S-salamat." bulong niya, sakto lang na maririnig ko.

Nagulat rin kasi ito nang bigla akong dumating at sumigaw rito. Lalo na nang sinabi kong the game will start now.

Ibig sabihin umpisa na ng Tagalog game namin.

"Ano ginagawa mo, aking binibini?" panimulang tanong ko.

Kumunot ang noo nito sa huling sinabi ko.

"Papeles" tipid nitong sagot na ikinanguso ko.

Masiyado naman siyang matipid magsalita.

Paano ko siya matatalo niyan? Jusko Wade.

Same day nasabi ko rin na puwede sumuko basta magsabi lang.

"Papeles? Anong ginagawa mo sa papeles?" Hindi ko siya tinigilan sa tanong.

"Oo, t-tinitingnan." I bit my lower lip to conceal my laughter

When she suddenly utters the word tinitingnan. Nauutal pa ito.

Halatang hindi sanay sa deritsong Tagalog ah. Ilang taon nanga siya sa pinas eh.

Pero sabagay no. Puro kasi sila english.

"Alamo ba?" Paninimula ko ulit na nagbigay ng pagkakuryuso sa magandang mukha nito.

"Ano?" maikli na naman nitong sagot.

"Na mahal kita?" Sabi ko sakanya na sinabayan ng kindat.

Ang dalawang kamay naman nito ay napahawak sa buong mukha niya. Para maitago ang namumula nitong mukha sa mga palad niya.

But too late. I've already seen it. So cute hehe.

"U-umupo ka doon." muli niyang saad at tinuro nito ang upuan sa likod ko.

"Istorbo ba ako, aking mahal." She gasps again.

She mumble something but I didn't hear it.

Siguro nag english na HAHAHAHA. I laugh mentally.

Masiyado ko ata siyang pinapahirapan.

Tagumpay akong lumingon sa likod at nagsimulang maglakad patungo sa couch. Ang galing ko talaga.

Umupo ako ng maayos pagkatapos ay tinitigan ko ulit siya na ngayon ay bumalik sa pag tingin niya sa mga papeles na hawak niya.

Habang ang kanyang mukha ay walang tigil na namumula.

Abalang abala ako na titigan siya kaya napapatingin rin siya sa'kin ngunit nagiiwas agad ito ng tingin.

Nang biglang tumunog sa bulsa ko. Nakiliti ako sa hatid na vibration nito.

Sino ba kasi tumatawag!

When I saw who's the caller ay napasimangot agad ako.

"Beh nasaan ka beh?"sabi ng nasa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag nito.

"May ginagawa ako, ano kailangan mo?" Naiinis kong saad rito.

Muntikan na ako mapa english. Mabuti nalang nakapag isip agad ako ng Tagalog.

"Wow nahiya naman ako sa'yo beh. Gusto lang sana kitang kamustahin baka kasi nalumpo kana diyan." mahabang saad nito na ikinanguso ko lalo.

Nag iba naman agad takbo ng utak ko kaya napalingon ako kay Wade. Hindi ko rin inaasahan na naka tingin rin pala ito sa'kin.

 Annulment (GL) (ProfxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon