Chapter 1- A Glimpse Of Life

2K 26 0
                                    

"God Zoe! Alam mo I still ask myself why do I always expect something good on you when you can only do nothing good! Jusko naman Zoe hindi mo ba binabasa yung kontrata? Jusko kontrata na nga lang yung pipirmahan mo yung rejected pa! Nakakahiya sa mga directors!" Haha nothing new! Another scolding because I made a mistake in front of directors especially board of directors.

"Lol like it's my fault that you gave me that stupid contract without checking every papers before giving it to me, tapos akong pag mumukhain mong tanga?" I asked dad.

"Shut up Zoe! Sana nagbasa ka muna ng kontrata bago ka pumirma, hindi mo alam kung anong kahihiyan ang ginagawa mo, I don't know why I gave you the position of manager! I thought you're doing good, but what do I expect from you anyway?" Sarkastikong tanong ni dad and he just walked out of me, I still don't understand why it's my fault that they gave me a rejected contract, tapos ako pang nasisi dahil napirmahan ko, stupid.

"Napagalitan ka nanaman ng dad mo disappointment ka daw haha." Pang asar ni Naomi, my office close friend and my assistant, she's my only friend here because I decided not to be friends with others, I only treat them as officemates because I have boundaries as their manager, baka kasi hindi nila ako respetuhin kung totropahin ko sila.

"Shut up Naomi! Hindi ka nakakatulong kala mo naman hindi ikaw tong nasigawan." Inis na sabi ko. "Ikaw ba naman kasi teh bat ka pipirma ng rejected contract." Saad ni Naomi.

"Not my fault though, they gave me that stupid shit contract and now they're telling me like it's my fault because I didn't read properly?" Sarkastikong tanong ko.

"Alam mo tea let's just have some coffee, 12:30 na, konti nalang ang natitirang break time natin, starbucks tayo ha libre mo, wala pa kasi akong sweldo tapos wala pang raise, sabihan mo nga yung papa mo na bigyan ako ng raise total kayo naman ang may ari ng kompanyang ito, kaibigan mo naman ako eh fleece?" Pagmamakaawa ni Naomi, minsan ko lang pinagbibigyan si Naomi sa ganito, alam ko na kasi na nangsasamantala yung iba just to get the advantage of being my friend.

"Hay nako ayan ka nanaman Naomi, tanda tanda mona papalibre ka pa sakin, wag mong sabihin na manghihingi ka nanaman ng pera sakin pangsustento sa anak mo." Asik ko, she's 10 years older than me, I'm 20 and she's 30, may anak, single mom at hindi pa sinustentuhan ng tatay.

"Tea papalibre lang naman ng kape susulsulan mo naman ako non, ano na tara na gutom na ko mamaya mo na isipin yan, at isa pa kumain ka na rin, walking distance lang dito yung starbucks tara na." Pag aaya nya at hinila nya ko papaalis ng office, nag elevator kami pababa at lumabas ng opisina, nag lakad lang kami papuntang starbucks dahil malapit lang yung dito, pagkarating namin agad dumeretso sa pila si gaga.

"Anong oorderin mo ako nang bahalang pumila sayo maghanap ka nalang ng upuan just give me the money! May extrang isang libo  para kahit papano makapag sabi ako ng keep the change, I promise itatanim ko yon buong buhay ko alam mo naman pag mahirap." Wika ni Naomi.

"Sus nanakawin mo lang yon no kilala kita kapag gipit ka, kunwari ka pa dyan dami mong alam, ang orderin mo nalang sakin Viennese coffee, I'll wait for you at our seat." Sambit ko at nagabot ng bayad kay Naomi at umupo sa nearest seat, after a couple of minutes bumalik na si Naomi with the exact coffee of my choice at ang order ni Naomi.

"Tea sure ka bang hindi ka kakain mag kakape ka lang? Masama yan." Sambit ni Naomi at hinalo ko ang kape ko, I wasn't sure kung Viennese coffee ba to or Einspanner latte pero I just decided to drink it because it's the only way to reduce my stress.

"Oo hindi na ko kakain ikaw nalang, sanay na ko na kape nalang ang iniinom ng walang laman ang tyan." Sagot ko. "Ewan ko nalang sayo kung magkasakit ka, di lang sakit magpalpitate ka pa, basta ako kakain dito akin lahat to ha." Sambit ni Naomi dahil nag order sya ng three different desserts with a drink.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon