Chapter 6- Exploring The City

194 8 0
                                        

"Ikaw? Anong pangarap mo sa buhay?" Tanong ko habang tinititigan namin ang ganda ng rockwell building while taking a sip of our coffee, nakatambay lang kami sa bridge sa harap ng rockwell at naka park lang si max, the lights of the buildings are incredibly fascinating and it makes our moment memorable, I never had a friend like Yael, who I am comfortable opening up my problems.

"Pangarap ko lang sa buhay ay maiahon ko lang ang pamilya ko sa hirap, magkaron ng stable job at makapag provide sa pamilya ko." Sagot nya. 

"Anong trabaho ba ang gusto mo?" Tanong ko. "Maging architect, makapag design ng buildings at interiors, makapag design din ng bahay, meron akong mga sketches ng mga designs ko, gusto mo bang makita?" Tanong nya.

"Of course, I want to see kung gaano ka katalented, Yael matalino ka you graduated in UP with latin honors, so bakit ka nag aapply as a janitor lang? Yael you have a good future waiting for you, makakamit mo lang yun if you decided to step up higher." Sambit ko and he just looked down avoiding my eyes.

"It's because hindi ako privileged katulad mo, I tried on multiple companies, I showed them my designs but they are always looking for an experienced once, sinabi na nila na magaling daw ako pero hindi parin ako tinanggap, naiintindihan ko naman na ginagawa nila iyon para sa kabutihan ng kompanya nila pero ako itong inexperienced, pinakita ko na sakanila ang talento ko pero wala parin, kaya wala akong choice kundi mag janitor nalang, para kahit papano makapag bigay ako sa pamilya ko." Sagot ni Yael.

"Yael, mahirap o mayaman kung mahirap at malungkot ang buhay wala kang magagawa, walang privilege at walang favoritism si lord, kung mahirap ang buhay kailangan nating harapin yon, buti ka nga pera lang ang problema mo, sana pera nalang din ang problema ko."

"Sana kalayaan nalang din ang problema ko, kasi buti kalayaan lang din ang problema mo." Sagot ni Yael.

"Yael you don't understand me-" 

"Talagang hindi kita maintindihan Zoe, kung magkakaron ka ng kalayaan ibig sabihin wala ka ng problema sa pera, pero kung gusto mo ng kalayaan habang may problema sa pera, wala ka parin choice kundi magtrabaho kaysa unahin ang kalayaan mo." Sagot ni Yael.

"I can do both Yael, I can save money to make my dreams come true if you-"

"Pero paano kung may pamilya kang nakaasa sayo? Uunahin mo pa ba ang sarili mo kaysa sa pang sarili mong interes at pangarap?" Tanong nya at sa tanong nyang yon naalala ko agad si Naomi, kapag may responsibilidad ka na hindi mo na iispin ang gusto mo, hindi mo na iisipin ang sarili mo.

"You're right Yael, but we have different lives we face everyday, and we have different problems that we need to handle in our own ways, maybe because we have different lives means we have different problems in our daily basis, kung akala mo mas mabigat sayo kasi hindi mo lang sarili mo ang iniisip mo, you're right and your feelings are valid but I also face challenges in a daily basis."

"By the way, I just want to tell you that I don't want to go home, and I have no place to stay." 

"May dala ka bang pera dyan? Maybe you can stay at a hotel? It's already 12 am in the morning."

"Ayoko munang umuwi, I just want to take a rest from everything, for maybe three days?" Tanong ko.

"Basta sigurado kang hindi ka mapapagalitan ng magulang mo dito ha, kung ayaw mo pang umuwi, bukas let's meet here, anong oras gusto mo dahil igagala kita sa Manila, nakagala ka na ba sa Manila?" Tanong nya.

"No, all my life I dedicated it for my academics so I ran out of time doing the things that I want, hindi ko pa nga masyadong naeexplore and Makati pano na kaya ang Manila?" Nakangiting tanong ko.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon