Chapter 11- Lunch Date

115 5 0
                                        

"Marami ka bang alam kung saan pwedeng kumain dito? 1 hour lang ang tagal ng break natin kaya may oras pa tayo." Sambit ko habang nag lalakad kami ni Yael papalabas ng office.

"Oo naman no, sa susunod kapag hindi na tayo busy dadalhin kita sa magagandang underrated restaurant o kung gusto mo sa karinderya tayo?" Tanong ni Yael, 3 weeks na sya sa company and his performances are really good compared to the tenured employees in my department.

"Ano ka ba papatayin mo ba ko Yael? No hindi ako kumakain sa karinderya no, no way!" 

"Ano ka ba masarap kaya sa karenderya palibhasa kasi sanay sa starbucks, sanay sa samgy, sanay sa kape ano ka ba! Gusto mo bang mamatay ng maaga? Akala ko ba you want to travel the world?" Tanong ni Yael.

"I just need coffee for lunch, ikaw you can eat whenever you want basta ako magkakape lang." 

"Hay nako Zoe magtiwala ka sakin marami akong alam na kainan dito, basta magtiwala ka lang saken wag puro fast food! Tara may alam akong paresan dito!" Sambit ni Yael at hinila naman nya ko kaagad.

"Yael please nakasanayan ko na kape lang ang breakfast lunch at dinner ko!" Pagpupumiglas ako pero umakbay sakin si Yael kaya hindi na ko makawala dito! "I swear kahit isang beses lang sa buhay mo na makatikim ka ng pares o sa karenderia di mo pagsisisihan to!" Saad ni Yael at ayaw talaga nya kong pakawalan at mahaba pa ang nilakaran namin bago kami makarating sa karenderia.

"Yael I cannot do this anymore! Ayoko pang mamatay!" "Ay nako wag kang mag inarte dyan Zoe ha bakit hindi ka ba mamamatay sa kakakape mo wala naman laman tyan mo? Upo." Utos nya at natahimik nalang ako, kapag nasa labas kami walang boss at assistant dito, tropa kung tropa.

"Boss dalawang pares dalawang kanin, libre ko na to sayo Zoe para kahit papano makatikim ka naman ng ganitong klaseng pagkain di yung puro ka kape." Asik ni Yael at umupo sa tabi ko. "Yael I cannot do th-"

"Zoe ano ka ba? Sigurado ako magugustuhan mo to lagi ko nga tong pinupuntahan dati eh, hindi ka lang sanay sa mga ganitong pagkain, susunod naman natin tapsilog ha." Saad ni Yael at tinaas taasan ako ng kilay, hay nako.

"Zoe naman kase you have to try new things! Don't stick with your coffee, kailangan may laman ang tyan mo wala ka pa sa bente uno papakamatay ka na sa ginagawa mo, hay nako malas ka ako kasama mo Zoe hindi ka makakawala sakin tuwing lunch breaks natin!"

"Yael naman eh!" Pagrereklamo ko at inilapag na sa  harap namin ang pares at kanin. "Zoe wag mong sabihin sakin na mag papasubo ka pa bago ka kumain?" Tanong ni Yael habang hinihipan ang pares.

"Come on Zoe try it masarap ang pares nila dito, don't be scared to try new things, diba pangarap mong maging flight attendant and food and travel vlogger?  Kapag vlogger ka na you have to try new things, eh kung pares lang ayaw mo pang kainin edi pano na yan?" Sambit ni Yael at napa buntong hininga nalang ako, sa lahat ng tao si Yael lang ang nakakaalam ng tunay na pangarap ko.

"Okay fine itatry ko na ok?" Sambit ko at dahan dahan akong humigop ng sabaw ng pares, and I was surprised! Tunay na masarap ang pares, it's just that may kinasanayan lang ako.

"Ano masarap diba? Sabi ko sayo ikaw lang tong maarte eh." Sambit ni Yael at natawa nalang kaming dalawa. "Oo na sige na ikaw na ang panalo, masarap nga ang pares." Sambit ko, aaminin kong masarap ang pares sadyang hindi lang talaga ako sanay na kumain ng ganitong pagkain katulad ng tapsilog o ano, sanay lang akong puro kape ng walang laman ang tyan pero buti buhay pa ko.

"Matagal mo na bang nakasanayan na puro lang kape ang breakfast lunch at dinner mo kahit walang lamang ang tyan mo?" Tanong ni Yael while I was enjoying the Pares. "Oo eh, hindi ko lang talaga kayang mabuhay ng walang iniinom na kape, I don't need lunch or anything I just need coffee para mapagpatuloy ko ang araw ko." 

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon