Final Chapter

284 10 4
                                        

After 8 years


I was just chilling around my hotel room watching tv, kakauwi lang namin galing flight mula sa Boston, mahaba habang byahe kasi mula don hanggang dito sa Singapore halos isang buong araw kaming nag duty sa eroplano, dati pa ko nagrereklamo nito, pero nakakapagod talaga maging flight attendant! Sira ang body clock ko ng malala, ang maganda pa don nagiging multitasker ako, napagsasabay ko ang pagiging morning person sa pagiging night owl.

Patulog na sana ako pero biglang nanggulo si Hazel, kapwa flight attendant ko.

"Teh tara shopping tayo, bibili lang ako pasalubong sa pamilya ko, ikaw ba bibili ka ng pasalubong mo sa pamilya mo? Tagal mo nang hindi umuuwi sa Pilipinas ha." Saad ni Hazel, bestfriend ko, sya kasi palaging kasama ko sa lahat ng flights ko at matagal na kaming nagtatrabaho sa iisang airlines lang, kaya kumakapit lang kami sa isa't isa at isa pa nyan four years kaming naging magkaklase sa Toronto Metropolitan University sa Canada, kaya sobra pa sa bestfriend ang tawag dyan.

"Bakit may flight ba tayo pabalik ng Pilipinas? Parang hindi naman nagkakaron ng flights ang airlines sa bansa natin." Saad ko. "Mabibigyan ulit tayo ng panibagong flight schedule natin baka kasama na Pilipinas don, teh wala ka bang pamilyang inuuwian?" Konti nalang isusubsob ko na mukha neto sa sahig.

Sya ang closest ko sa lahat, I treat her as my sister kaya komportable akong mag open up ng mga experiences ko sa buhay, halos lahat alam nya, pero hindi lahat, kaya ang lakas ng loob netong mang asar sakin, pero hindi naman ako naooffend sa jokes nya, kasi isang suntok lang wala na pagka offensiveness ko, ewan ko ba parang permanente na ata anger issues ko letche.

"Gusto mo suntok?" Pagbabanta ko. "Alam mo namang pagod na pagod ako sa flight iimbitahin mo pa ko mag shopping, kakakape mo yan." Pang asar ko. 

"Sus magchill chill lang naman tayo sa mall, samahan mo lang ako bumili ng mga gamit no umaasa kasi sila na uuwian ko sila ng pasalubong, hindi naman ganun katagal ang stay natin dito sa Singapore kasi by next week another flight nanaman." Saad ni Hazel at napairap nalang ako at tumayo.

"Teh di nga natin sure kung may flight tayo sa Philippines, huling flight pa ng airlines 4 or 5 years ago." Reklamo ko, alam nyo na ang dahilan kung bakit Lufthansa ang pinili kong airlines, di nyo na need ng explanation.

"Okay fine tara na nga, demanding ka talaga." Asik ko at magkasama kaming naglakad papalabas ng hotel at nakasalubong namin ang isa sa kapwa flight attendant namin na mukhang papalabas din, tatlo lang kaming Pilipino na flight attendant ang nagkasama sama ngayon, bihira lang ang pinay sa Lufthansa.

"Guys san punta nyo?" Tanong ni Grace. "Mamimili daw tong si Hazel ng pasalubong sa pamilya nya, ano sasama ka ba?" Tanong ko at agad syang tumango at sumama samin, sumakay kami sa double decker bus at umupo kami sa double deck.

"Grace may flight ba sa Philippines next week?" Tanong ko, next week na kasi ibibigay samin ang new schedule, since summer season na magpapalit nanaman ng schedules, seasonal ang pagpalit ng sched. "Hindi ako sure pero sana talaga meron, ilang taon na kong di nakakabalik ng Pilipinas, eh ikaw nga kahit kailan hindi ka na bumalik ng Pilipinas eh." Sagot ni Grace, isang sagot lang naman ang hinihiling ko. 

"Teh tumahimik ka nga, at isa pa wala na rin akong balak bumalik don no.....kayo lang naman ang may pamilyang uuwian." Bulong ko. Nagpatuloy nalang kami sa byahe namin at nakarating sa nearest mall at nakapag shopping din ako kahit papano.

Kinabukasan binigay na samin ang flight schedules, and confirmed, may flight kami papunta sa Pilipinas, and tatambay kami don ng dalawang linggo pagkatapos ay aalis ulit for another flight, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, I felt a sense of fear, sorrow and happiness. 

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon