Chapter 19- Jealousy

103 5 0
                                        

"Mam narinig mo na ba yung chismis kay sir Yael at kay Sam?" Tanong ni Brenda, bagong intern sa department namin chismosa na agad, porket break time namin sinamahan na ko para sa chismis kahit hindi ako interesadong makinig. 

"Bakit ano nanaman meron don?" Tanong ko. "In a relationship na daw silang dalawa ni Yael, lately kasi pinagkakalat ni Sam na sila na ni Yael eh and isa pa obvious naman na yon, sila kasi yung palaging magkasama kaya napapaghalataan na namin na baka sila na nga talaga, at isa pa obvious naman na may gusto si Sam kay Yael, bagay ba sila what do you think mam?" Tanong ni Brenda as I put down my coffee after a sip.

"Sigurado ba kayo na sila na nga talaga? Have you asked Yael about that or you just asked Samantha and assumed about it?" Tanong ko, konti nalang bubuga na ko ng apoy sa sobrang galit ko kay Sam, if I am just allowed to do the things I want, I will not just fire her, I will kill her and skin her alive! Ang hirap lang talagang maging manager, hindi ko na nga magawa ang mga gusto ko hindi ko pa mabunyag sa lahat na almost one year na ang tagal ng relationship naming dalawa yet hindi nya pa ko mapakilala sa pamilya nya dahil kinakain ng trabaho ang oras naming dalawa.

"Ah hindi po mam eh basta yun yung sabi ni Sam, three months na din naman kasi silang nagtatrabaho sa collaboration nya at silang dalawa yung magkasama minsan kaya hindi na namin yon tatanungin." Nakangiting sagot ni Brenda.

"Alam nyo ba ang rules dito sa company? Binigyan ko kayo lahat ng manual trainees palang kayo at malamang sa malamang alam nyo na yon."

"A-ano po yun mam?" Tanong nya. "That office romance is not allowed in this whole company, alam na ng mga workers ko dito dati pa na bawal yon at kung ano mang meron ang namamagitan between the two employees here at kung totoo nga yon are immediately fired, so thank you Brenda for letting me know that, I will just decide and fire them both at the moment, I just have to talk to the both of them later on." Agad na nagulat si Brenda sa sinabi ko kaya agad syang napatakip ang bunganga at nanlaki ang mga mata nya.

"N-nako mam joke lang po yun hehe! W-wala naman po talagang namamagitan sakanilang dalawa nag aassume lang talaga kaming lahat! Syempre bagay din naman sila hindi mo yon maitatanggi diba? And they're so close kaya! Pero promise mam wala talagang namamagitan sakanila they are just close friends, sa sobrang close nilang dalawa mukha na talaga silang in a relationship!" Saad ni Brenda.

"I'm done with my coffee, I need to go now because I have a lot of work to do, maiwan na kita dyan at bumalik ka na agad sa opisina." Bilin ko kay Brenda bago umalis, pagdating ko ng opisina nadatnan kong kokonti lang ang tao don kasi halos lahat sila nagsi take ng break, pero i saw Yael and Sam working in the same computer, looks like their finishing their project together, but it seems like they didn't notice me, so I just stared at them trying to figure out their next move... Until Sam kissed Yael in his lips! What the hell!

"Oh my god! What the hell was that?" Inis na tanong ko at napatayo silang dalawa and they were startled to see me. "Oh my god Zoe kanina ka pa ba nandyan?" Tanong ni Yael habang si Sam nanginginig sa takot.

"Yael, we need to talk outside now!" I shouted and got out first, he immediately followed me up to the roof top of the building and he seems to be worried.

"Goddamn Yael! Hinayaan mo nalang ba si Sam na gawin nya yon sayo? Ha? You goddamn cheater!" I shouted and continuously hitting him at the chest while he's trying to hold my hand.

"Zoe I'm so sorry si Sam ang may gawa non hindi ko ginusto yon!" Pagdadahilan nya. "Kung hindi mo ginusto yon bakit wala kang ginawa pagkatapos ka nyang halikan? May gusto sya sayo no? Hinahayaan mo nalang si Sam na magkagusto sayo eh alam mo naman ang boundaries mo dahil girlfriend mo kong hayop ka! Kailan pa to ha? Kailan ka pa nya hinahalikan kailan pa sya kumakapit sa braso mo kailan mo pa syang hinahayaan na gawin nya yon! You're taking advantage of me at confident kang gawin sakin yon after all the things that I did for you!" 

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon