Chapter 24- Revelation

114 7 0
                                        

"Congratulations everyone! Top 5 na tayo sa listahan!" Masayang sabi ko at nagpapalakpakan kaming lahat sa loob ng office, finaly after one year this is an achievement for me, kung dating nasa 15th place, kami we went up by 10 places, and I am so proud kasi hindi ko akalaing nagawa namin maachieve ang 5th place from dead last on the list at ang good news pa dyan ay naunahan na namin ang finance, sila ngayon ang dead last on the list, edi yung mga dati kong empleyado walang pinagkaiba ang experiences nila sa department na to, lilipat lipat pa kasi eh.

"Good job everyone, now everyone go back to your work na maybe magpapadeliver ako ng pizza later sa lunch natin pagiisipan ko pa." Sambit ko at natuwa naman silang lahat don, bumalik agad agad kami sa sarili naming trabaho, chineck ko ang performances ng employee ko lahat sila magaganda ang ginawa nila especially si Yael maganda ang performance nya kumpara sa dati kong assistant na si Naomi.

Naniniwala ako na kaya tumaas ng ganito ang rankings namin dahil nagiging professional na ang mga empleyado ko di tulad sa finance na kinuha yung mga empleyado kong bagsak ang performance kaya bagsak din ang rankings, ang bobo siguro ni Donna to think na she can get me with that way para lang kalabanin ako but instead they failed.

Sobrang busy ko sa work at halos wala na kong pahinga sa isang araw at kape lang ang panlaban ko sa antok, sobrang busy these days at isa pa don ang pag taas ng rankings na syang naging dahilan kung bakit mas lalong dumagdag ang gawain namin because it's either we have to remain in 5th place or we have to go up more up to the first place, since nakakahiya naman kay dad dahil dala dala ko daw ang apelyido nya sa kahit anong ginagawa ko edi mas gagalingan ko pa, not for the sake of his surname but for the sake of hr, the company is not facing anymore loss dahil naaapektuhan narin ang company sa maayos na nagagawa namin.

And gusto ko lang ulit sabihin sainyo na mas lalong lumalala ang chismis tungkol samin ni Yael, mas lalo rin itong napapagusapan ng mga empleyado ko at sa ibang empleyado ng departments, pero hindi ko to pinansin dahil walang ni isa sakanila ang may kayang magsumbong sa pamilya ko dahil malalagot silang lahat sakin once na nasira ang relationship ko kay Yael, at ngayon kinakatakutan ko si Donna, kilalang kilala ko ang babaeng yon she will do everything for the downfall of her enemies and rivals, and she is extremely insecure sa mga achievement ng iba if it's better than their achievement.

After almost an hour napansin kong wala si Yael sa opisina nya, hindi ko yata napansin na umalis sya dito at ilang minuto na syang wala? May ipapasa sana ako sakanya pero napagtanto kong wala sya dito kaya lumabas ako para magtanong sa mga empleyado ko.

"Guys nakita nyo ba si Yael lumabas? Alam nyo ba kung saan sya nagpunta?" Tanong ko sakanila. "Mam sabi daw lalabas lang saglit pero hindi sinabi kung bakit, parang kanina pa sya hindi bumabalik eh, mag iisang oras na syang hindi bumabalik." Sagot ni Kate, napaisip ako saglit at nakaramdam ng kung anong kaba, bakit ako kinakabahan?

"Lalabas lang ako saglit dyan lang kayo." Saad ko at dali dali akong umalis ng opisina upang hanapin sya sa bawat sulok ng kompanya, hinanap ko sya kung saan saan pero wala akong nakikitang anino ni Yael, kahit sa cr hinanap ko sya pero hindi ko parin sya makita, imposible namang bibili yon ng kung ano sa gitna ng oras ng trabaho.

Sinubukan ko syang tawagan, pero rings lang ang naririnig ko, kinakabahan na talaga ako kasi hindi sya sumasagot, chinat ko ang isa sa mga empleyado ko pero sabi wala parin daw si Yael, hindi ko maintindihan ang nararamdamang kaba ko dahil isang oras na talaga syang wala, lumalakas ang tibok ng puso ko.

Napagdesisyonan kong bumalik sa loob ng opisina to check on Yael hoping na nagkasalisihan lang kami. "Guys wala pa ba si Yael?" Tanong ko at kita ko rin ang pagaalala ng iba. "Mam wala parin po si Yael, at dumating po dito yung secretary ni sir Elias pinapatawag ka daw po sa company head quarters." Sagot ni Kate at sinimulan na talaga akong kabahan.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon