Chapter 25- Farewell

145 7 0
                                    

Kumuha ako ng box para kolektahin ang mga gamit ko sa table ko at kinolekta ko lahat lahat ng gamit ko sa table, nang matapos ko naman kolektahin yon ay nakita ako ng mga empleyado ko na mukhang nagkakatarantahan na ay nagsalita ako.

"Guys I am resigning as your manager, ito na ang huling araw ko bilang manager nyo, and I just want to say thank you for the 2 years ng pagsasama natin, I will never forget all of you." I said and no one responded, naglakad ako papaalis pero agad akong napatigil dahil takang taka parin ako kasi wala parin talaga si Yael.

"Guys ilang oras nang wala si Yael?" Takang tanong ko. "Mam kanina pa wala talaga si Yael hindi parin sya bumabalik!" Tarantang sagot ni Sam, halatang paiyak na sya.

"Ano? Kanina pa ko nasa corporate office wala parin si Yael? Hinanap nyo ba sya?" Tanong ko. "Hindi ho kami makalabas dahil ang dami po naming gawain, pero gusto po namin syang hanapin mam." Sagot ni Kate at inilapag ko sa katabing table ang box na naglalaman ng kagamitan ko.

"Bago ako umalis ng kompanyang ito ay dapat kasama ko si Yael, he cannot keep on working here dahil paparusahan sya ng pamilya ko at hindi sila titigil don, guys we have to part ways to look for Yael, dahil hinding hindi ako makakaalis ng kompanyang ito hangga't hindi ko sya nakikita, let's go." Utos ko and nag grupo kami into four, we went to different locations inside the building at yung iba naman ay lumabas ng building, napapansin ng ibang tao dito na pagala gala ang hr department kaya takaw kami sa tingin ngayon.

"Sam nakausap mo ba si Yael bago sya umalis?" Tanong ko. "Opo ma'am ang sabi nya may pupuntahan lang daw sya pero wala syang sinabi kung saan, nag aalala narin kasi ako kasi hindi yon nawawala ng ganito katagal." Sagot ni Sam, nagchat ang ibang empleyado ko sa gc namin, sinabi nila na hindi rin daw nila nakita si Yael sa loob ng building, ang sabi rin ng mga lumabas ay wala silang nakitang anino ni Yael, at tumitindi na ang kaba ko.

"Guys hindi rin nakita ng iba si Yael, ano nang gagawin natin?" Tanong ni Kate. "Guys alam ko na, we have to go to the security office, titignan natin ang cctv para makita natin kung saan sya huling pumunta, pakitawagan ulit ang lahat na dumeretso sa security office." Utos ko at agad agad kaming nagmadali papuntang security office para tingnan ang cctv cameras, nang makarating kami agad don agad naming dinetalye sa security ang gusto naming makita.

Nang makita namin kung saan papunta si Yael, nakita namin ang daan papunta sa corporate office.

"What the hell? Pumunta sya ng corporate office bago ako?" Takang tanong ko. "Hindi maganda ang pakiramdam ko dito mam-" "Stop calling me mam, hindi na ko ang manager nyo." Utos ko, pinaspeed up namin ang footage, pagkatapos non ay may mga armadong lalaki ang pumasok sa loob ng corporate office para kuhain si Yael, patuloy naming pinaplay ang footage hanggang sa makarating ito sa parking lot at doon pinabugbog si Yael at pinagtulungan ng mga armadong lalaki at agad akong napasigaw sa takot.

"Guys kailangan nating pumunta sa parking lot! Hindi natin alam ang ginagawa nila kay Yael!" Sigaw ko at tumakbo kaming lahat papuntang parking lot para iligtas si Yael, nagsimula akong lumuha nang dahil sa takot, hindi namin alam kung patuloy pa nilang binubugbog si Yael o iniwan lang sa parking lot, nang makarating kami don nakita namin na patuloy parin ang pambubugbog nila kay Yael at tuluyan na kong napaiyak sa takot.

"Tang ina tumigil na kayo! Mga mamamatay tao!" Sigaw ko at pinagaatake namin ang anim na armadong lalaki na hindi tinitigilan si Yael, ang mga lalaki ay nakikipag bugbugan sa mga armadong lalaki para protektahan kaming lahat, tumakbo ako kay Yael at kinalabit sya, hindi gumigising si Yael kahit ipagpilitan ko syang gisingin.

"Yael please wake up! I'm so sorry ngayon lang ako nakarating." I was crying my eyes out seeing my Yael's situation, ang anim na armadong lalaki ay unting unti napapatumba ang mga empleyado ko, nang manghina sila ay kinuha kaming mga babae para harangan kami, tatlo silang humaharang sakin at ang tatlo ay patuloy na bumubugbog kay Yael.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon