My day has always been this tiring, akyat baba ako sa loob ng building na ito at sobrang dami kong pinapasang proposal at meeting doon meeting dito, I know nakasanayan ko na tong pagod na to pero it hits different this time, ang tindi ng pagod ko at hindi pa oras ng uwian.
"Zoe okay ka lang ba? Parang pagod na pagod ka ha?" Tanong ni Jacob.
"As usual Jacob I am always this tired hindi ka pa ba nasanay sakin? Hays I want to go home now and take a rest, I cannot cope up with my stress talaga, ikaw ba how are you?" Tanong ko kay Jacob.
"I'm fine sanay na sanay na ko sa stress at pagod eh ikaw din naman araw araw stress lalo na sa department ninyo, pero kamusta na yung bagong assistant mo na si Yael? Goods ba?" Tanong ni Jacob.
"Of course magaling si Yael ha I barely see mistakes in his works and he is very dedicated sa trabaho nya, kaya naman magaling si Yael eh kasi graduate yan sa UP Diliman may latin honors pa at architect major, pero maniwala ka man o hindi lahat ng trabaho nya dati puro janitor?" Tanong ko at kumunot naman ang noo ni Jacob.
"Eh ang taas ng credentials ni Yael ha ano daw nangyari?" "Ang sagot inexperienced, buti nalang kaibigan ako ni Yael edi napadali yung pagpasok nya dito." Sagot ko.
"Oo nga naman, kita ko lumalabas kayo minsan ng kayong dalawa lang ha close na ba kayo eh wala ka naman masyadong kinakaibigan dito." Tanong ni Jacob.
"Nauna ko yang nakilala nung naging applicant yan sa department ko papasok nanaman daw as a janitor, pero I never knew na he was this talented, for years nasayang yung galing nya kasi ang hanap ng lahat ng kompanya puro yung may experience, diba?"
"Oo naman no alam mo naman na yun ang ikabubuti ng kompanya, basta Zoe sabihin mo lang sakin kapag may feelings na kayo sa isa't isa ako nang bahala magtago nito sa lahat." Pang asar ni Jacob dahil nakarating na kami sa hr department.
"Jacob naman eh! Mang aasar pa sige bye see you nalang mamaya sa bahay." "Bye my sister!" Pamamaalam ni Jacob at natawa nalang ako at pumasok sa loob at deretso sa loob ng office, pagpasok ko I saw Yael making coffee sa loob ng small kitchen namin.
"Yael can you make me a coffee too?" I asked. "Meron na dito isa gumawa na ko para sayo dahil alam ko na galawan mo Zoe." Sambit ni Yael at lumapit sya sakin to give me my coffee. "Thank you, buti naisipan mo agad na gawan ako ng kape, sobrang nakakapagod tong araw na to I just want to go home." Sambit ko at humigop ng kape.
"Oo nga eh ang sarap umuwi, nakakapagod din yung araw na to sa sobrang dami ng gawain." "First time mo lang bang magkatrabaho ng ganito? Siguro nakasanayan mo nang palagi ka nalang janitor kaya ka naninibago dito?" Tanong ko.
"Oo eh, alam mo sa ilang taon na pagiging janitor ko nakaramdam ako ng hiya sa mga colleagues ko, ako yung palaging nasasabihan na magkakaron daw ako ng magandang trabaho dahil graduate ako with summa cum laude, pero ends up na janitor lang ako ng ilang taon and kinahiya na ko ng pamilya ko non, sinabi nila hindi naman daw sayang ang pag papaaral nila sakin dahil may latin honors ako, pero hindi nila inasahan na hanggang dun lang ang trabaho ko, kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil dumedepende ang mga kompanya sa experience ng tao pero sa katotohanan mas may talento ang mga inexperienced, at napaka unfair para samin." Wika ni Yael, it's true, bago ka makapasok sa trabaho kailangan may experience ka kaso walang tumatanggap ng mga inexperience.
"Ano yon kailangan mo muna ng experience eh halos walang companies na tumatanggap ng inexperience? Bihira nalang yung mga kompanyang nakadepende sa talento ng tao, bilang anak ng may ari ng kompanyang to naiintindihan ko na it's for the best of the company pero hindi nila naiintindihan that they may find the best employees without depending on experience diba?" Tanong ko at tumango naman agad si Yael.
"You're right about that Zoe, and by the way kailangan ko na palang bumalik sa trabaho dahil kailangan mo na ring bumalik sa trabaho mo, baka kasi nakakaistorbo ako eh." Saad ni Yael. "No it's fine Yael busy na rin ako eh, by the way thanks for the coffee ha." Sambit ko at nagsipasok na ulit kami sa office, umupo agad ako sa upuan dahil may presentation akong gagawin, it's just 8 pm in the evening and mamayang 10 pa ang uwi ko, I just have to finish this presentation para makauwi na ko.
I am way too tired for this day total day off ko naman bukas, napag desisyonan kong tumingin sa kinaroroonan ni Yael and turns out kanina din pala sya nakatingin sakin, he raised his hands to give me thumbs up asking me if I am okay and I also raised my hand to give him thumbs up to tell him that I'm still fine and we just laugh it off and went back to our work, sometimes we have this small interactions while we're doing our work to check on each other if we are okay or not.
After a very long tiring day natapos ko na rin ang buong presentation ko and I studied it kasi next week na to, tumingin ako sa kinaroroonan ni Yael and it seems that he's also tired, naka log out na sya sa computer nya kaya siguro tapos na ang trabaho nito pero hindi parin sya umaalis, I logged out sa computer ko at nagpunta ako sa loob ng office nya.
"Yael are you going home now?" Tanong ko at kinuha naman nya ang bag nya tsaka tumayo. "Of course uuwi na rin ako, sabay na tayo lumabas?" Tanong nya. "Ok sure, ikaw ba mag cocommute ka? Gabi na ha baka wala ng sakayan sa labas hatid na kita."
"Ako ihahatid mo? Jusko wag na nakakahiya naman sayo ako pa ihahatid mo." Pag tanggi nya at natawa nalang ako, lumabas kaming dalawa para mag elevator pababa.
"Zoe ok ka lang ba? Yung paa mo may sugat at paltos." Sambit ni Yael. "No it's okay Yael, matagal na kong sanay sa ganyan."
"It's okay Zoe akin na yung heels mo, you can wear my shoes." Sambit ni Yael at hinubad nya yung sapatos nya para isoot ko. "Yael ok lang ba talaga?" Tanong ko. "It's okay Zoe, magdrive ka pa nyan, tapos mag heels ka nanaman ulit sa susunod." Sagot ni Yael kaya no choice ako at sinoot ko at sapatos ni Yael habang dala dala nya ang heels ko, sumakay kami ng elevator papuntang parking lot, nasa 40th floor kami kaya medyo matagal makababa.
"Edi wala kang sapatos nyan?" Tanong ko. "Ayos lang, may medyas naman ako, tsaka akin na rin ang bag mo mukhang mabigat yan eh." Sambit ni Yael at nagulat naman ako, mabigat ang dala kong bag may laptop pa naman to.
"No Yael this is enough for me, ako na mag dadala nito okay? Kaya ko naman eh." Wika ko at walang pasabing kinuha ni Yael ang bag ko at binuhat nya na rin yon kasama ang sapatos ko. "Sure ka Yael okay lang sayo ha, sigurado din akong masakit na rin ang likod mo pati gamit ko dadalhin mo pa." Sambit ko at tumawa lang sya.
"Likod lang naman masakit sakin, sayo buong katawan mo na yata ang masakit, I am willing to help you Zoe, alam ko yung bigat na dinadala mo." Wika ni Yael and that really made him the greenest of the green flag, he understands everything about me even though he don't know how to help me, he will still help me in every ways he can just for me.
"Thank you Yael, sa lahat ng tao not even my family and friends understands what I go through, it's a relief na nandito ka Yael, buong buhay kong pinagtiisan na hindi naririnig at nalalaman ng mga tao ang pinagdadaanan ko in my daily life because no one is willing to hear about it." Sambit ko at kumapit ako sa braso nya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya, leaning all my weight to him.
"As I said, I am willing to be your comfort blanket, unang beses kitang nakita alam ko na ang bigat na dala dala mo, just remember that I'm always here for you, kung kailangan mo ko I will always be here for you Zoe."
I have to confront myself, I have to admit it, hindi pa kami magkakilala ng ganung katagal, isang buwan at kalahati palang kaming magkakilala pero hindi ko na mapigilang mahulog sa lalaking to, I believe that he is an angel sent to me by God, and I cannot reject him, but me falling for him is different, in the small gestures he made, a part of me is falling for him, but I am afraid to confront myself about it, dahil baka masaktan lang ako sa huli and I had enough from this world.
But in the gentle way he speaks, the concern in his eyes, and the unwavering support he offers, I see a future that I'm too afraid to hope for. His presence has become a sanctuary, a safe haven where I can finally let my guard down. And yet, there's a fear lurking in the back of my mind, whispering that I don't deserve this happiness, that it might slip through my fingers if I hold on too tight.
Leaning against him, I felt a sense of peace wash over me, a rare and precious gift. It was in these quiet moments, wrapped in the comfort of his understanding, that I realized just how deeply I cared for him. And despite my fears, I knew that being with Yael was a risk worth taking.
BINABASA MO ANG
Parallel Hearts
Любовные романыCity of Romance Series #1 "Their love, a brilliant star that briefly illuminated their separate skies." Zoe Victoria Leona's life was one of opulent privilege, a world bathed in luxury but yet unfortunate. Yet, everything changed when she collided w...
