Chapter 23- Serenade

91 7 0
                                        

"Ang bilis talaga ng panahon, 1 year na tayo, parang dati lang hinagisan mo ko ng resume dahil di ko sineryoso yung interview." Sambit ni Yael at natawa nalang ako sa sinabi nya dahil naalala ko rin yon, we decided to have a picnic in tagaytay, we checked in a hotel kasi plan naming mag picnic sa picnic grove.

"Pano kaya kung nasagasaan kita dati? Buhay ka pa kaya ngayon?" Natatawang sabi ko at napatawa nalang kaming dalawa talaga.

"Atleast may insurance diba edi worth it din pagkamatay ko kung ganon." Natawa ako at pinalo ko sya sa braso.

"Gaga ka talaga, kung di pa kita nakita agad sa kalsada non edi sana patay ka na talaga, but I just want to say thank you Yael, marami na tayong pinagdaanan sa relationship natin but we made it this far, and kahit papano nagawa natin tiisin ang itago sa lahat ang relationship natin, kahit minsan sabik na sabik na kong ipakita at ipaalam sa lahat kung anong meron tayo." Sambit ko at sumandal ako sa balikat ni Yael to look at the bright sky with full of pretty clouds and the sun shining bright.

"Ako rin but we have to protect our relationship very much, alam kong hindi mo narin matiis sabihin sa lahat kung anong meron tayo pero kailangang magtimpi para maprotektahan natin ang isa't isa, at kailangan nating isantabi iyon para sa relationship natin, pero isang taon natin naitago yun sa lahat, pero pinagdududahan parin tayo ng mga empleyado don at laman ng chismis." Saad ni Yael.

"But we still have to stay strong, hayaan mo Yael kapag nakapag ipon ako ng malaki laki aalis na ko sa company ni daddy to have my own life and live with you, pero siguro pwede akong pumasok sa ibang companya dahil ayoko na sa global vista, bibili ako ng condo para satin lang dalawa because I want to have a life with you, pagod na pagod na ko sa ginagawa ng pamilya ko, I want to have my own life and live independently since hindi na ko minor and I am financially independent dahil sa mga kinikita ko sa pagiging manager ng hr, at isa pa I have millions in my bank account at sapat na yon para makapag sarili na ko Yael." Wika ko.

"Zoe hindi pa pwede sa ngayon, dalahin ko pa ang pamilya ko, ikaw dala dala mo lang ang sarili mo pero sakin pa nakaasa ang pamilya ko, I'm sorry Zoe hindi ako makakapayag sa gusto mo, dahil hindi pa stable ang lahat sa pamilya ko at isa pa bata ka pa Zoe to live in your own and to live with me." Sambit ni Yael.

"Yael adult na ko, and I am in the right age to decide on my own, Yael I cannot work in that company anymore and I want to take a long break, I want to live independently with you at kapag nakaalis na ko sa global vista mag aaral ulit ako sa college ng four years at tourism management ang kukunin ko dahil four years ang kailangan para maging flight attendant, tapos mag t-training ako to be one, I swear Yael hindi mo na kailangang sagutin ang tuition ko ako nang bahala don promise, ang gusto ko lang naman is to live independently with you at makapag tapos ako and be tourism and management major, kaya ko lahat gawin yun Yael kahit pa sabihin mong I live with my parents I still feel that I only took care of myself without their any help, sigurado ako na kaya ko nang tuparin yung pangarap ko Yael ng walang tulong nila."

"Oo ikaw kaya mong tuparin yon pero ako hindi, nakapasan parin sakin ang pamilya ko at sakin silang lahat nakaasa ngayon, pati mga kapatid ko pinapagaral ko parin, kaya hindi ko talaga masabing kaya ko nang mamuhay mag isa na malayo sa pamilya ko dahil kailangan parin nila ako kahit anong mangyari, kaya sana mapatawad mo ko Zoe at sana maintindihan mo ang sitwasyon ng buhay ko ngayon." Sa inis ko napatayo ako bigla at napa sapo ako ng noo.

"Yael you're so unfair! Sige sabihin na natin na lahat nalang ng sweldo mo sa pamilya mo na mapupunta pero ako nang bahala sa lahat lahat, I have millions in my bank account and kaya kitang bigyan ng magandang buhay Yael, gusto ko nang layasan ang mga magulang ko to live my own life but I can't because I want you to live with me." Asik ko at tumayo rin si Yael.

"Zoe hindi mo pa naiintindihan, masyado ka pang bata para sa gusto m-" 

"Yael hindi ako ganung bata pa para gawin ko ang mga bagay na gusto ko! Yael alam mo naman ang dahilan ko kung bakit ko gustong mamuhay na ikaw lang ang kasama diba? Kasi kung alam mo ang dahilan ko maiintindihan mo ko, ayoko na sa bahay namin para akong ibon na nakakulong! Yael ayoko na tumira don, pagbigyan mo naman ako oh, isa lang ang hiling ko, makalaya lang ako sa kompanya at sa sa pamilya ko, yun lang yon."

"Zoe bakit ba hindi mo maintindihan yung side ko? Kaya ka confident na gawin ang gusto mo kasi walang nakaasa sayo pero ako maraming nakaasa sakin at hindi pa kami nakakaahon sa hirap kahit malaki ang pinapasweldo mo sakin Zoe, hindi pa stable ang lahat para sakin pero sayo okay na ang lahat eh kasi mayaman ka at marami kang pera na binigay sayo ng magulang mo, pero ako pinaghihirapan ko lahat ng perang kinikita ko."

"Alam ko Yael, diba sinabi ko na nga sayo na okay lang na lahat ng perang pinapasweldo ko sayo ay mapunta sa pamilya mo at ako nang bahala sayo, kasi kaya kitang buhayin."

"Ako dapat ang gumagawa nyan sayo Zoe, hindi responsibilidad ng mga babae ang buhayin ang asawa nila-"

"Pero kaya ko Yael, bakit ba lahat nalang ay kailangan mong ipasan sayo? Hindi mo ko responsibilidad Yael pero kaya rin kitang buhayin, dahil hindi sa lahat ng oras lalake lang ang kayang bumuhay sa mga asawa nila, dahil kaya rin naming mga babae na gawin yon." Asik ko.

"Sige na sige na ikaw na ang panalo di na manlalaban boss, ikaw naman kasi eh, kung alam mo lang ang pakiramdam naming mga lalaki kapag ang mga babae ang bumubuhay samin, kasi kami dapat ang gumagawa non, ang akin lang Zoe, hindi pa ko stable sa lahat okay? Ang gusto ko lang naman maintindihan mo ang side ko kasi hindi pa okay ang lahat sa buhay ko okay? Sorry na." Pag suyo nya at niyakap nya ko sa likod pero naiinis parin ako. 

"Bakit ba kasi hindi mo subukang intinidihin yung side ko? Yael alam mo na lahat ng problema ko since day one."  Usal ko.

"Sus galit pa sakin yan eh! Haranahan nalang kita gusto mo?" Tanong nya at napairap ako kunwari pero itinago ko ang ngiti ko.

"Naalala mo ba dati nung kinantahan kita ng hanggang kailan ng orange and lemons? Kaso lasing na lasing ka na kaya nakatulugan mo ko?" Tanong ni Yael habang kinukuha nya ang gitarang dala dala nya.

"Oo naman no, tawang tawa pa nga ako sa sintunadong boses mo eh, can't believe it's already one year." Sagot ko, and he started to strum softly in his guitar, capturing my attention, he begans to sing 'umuwi ka na baby' with heartfelt emotion.

"Labis na naiinip, nayayamot sa bawat saglit, kapag naaalala ka, wala naman akong magawa." My eyes sparkled with emotion as I listen Yael's Serenade, he continued with the voice that is filled with love and emotions.

"Umuwi ka na baby, di na ako sanay ng wala ka mahirap ang mag-isa, at sa gabi'y hinahanap-hanap kita, hanggang kailan ako maghihintay na makasama kang muli sa buhay kong puno ng paghihirap, at tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi." I always felt that my hearts beats this fast whenever I see Yael, for the challenges we experienced for one year it feels so knew at this moment, it feels like he is courting me again.

"Di mapigilang mag-isip, na baka sa tagal mahulog ang loob mo sa iba,  nakakabalisa knock on wood wag naman sana." His voice continued to fill with emotion and dedicating the whole song for me, his eyes locked into mine while pouring his feelings with every word.

"Umuwi ka na baby, di na ako sanay ng wala ka mahirap ang mag-isa, at sa gabi'y hinahanap-hanap kita, hanggang kailan ako maghihintay na makasama kang muli sa buhay kong puno ng paghihirap at tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi." As the song reached it's chorus, our love deepend as the moments continued to pass, the lyrics seems to resonate with our own experience and emotions.

"Umuwi ka na baby, umuwi ka na baby, umuwi ka na baby, umuwi ka na baby, umuwi ka na baby, umuwi ka na baby." As the song comes to a beautiful conclusion, Yael leans in and places a gentle kiss on my lips, the world around us stand still as we share a moment of pure and heartfelt connection. 

"I love you Zoe." 

"I love you too Yael." We held each other close, cherishing the magic of the moment and our deep, and unwavering love for each other.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon