Chapter 2- Misfit

524 14 0
                                        

Marami nanamang applicants ang iniinterview ko ngayon, katulad ng mga ganitong araw marami talagang nag aapply dahil hiring kami, marami na kong nainterview pero walang ni isa sakanila ay pasok sa description ko na employee, nakakainit ng ulo, halos araw araw nalang wala na kong pahinga sa init ng ulo ko, nakakainis.

Habang nag iinterview ako, I am reading this person's resume, ang experiences nya puro janitor sa kung ano anong convenience store at sa kung ano anong fast food restaurants, nag aapply sya as a janitor here at nakikita ko nang hindi ko to tatanggapin.

"What's your name?" I asked. "Hindi nyo po ba nakikita sa resume ma'am? Tanong nya, namimilosopo pa talaga. 

"I said what's your name? I am asking you." I said while I'm losing my cool with this jerk. "My name is Yael Mateo Sebastian, 28 years old and joble-"

"I am just asking for your name, yung whole information mo mamaya na." Saad ko at natahimik lang sya. "Now tell me about yourself." I asked while I am just looking at his resume and I have no interest in looking at his face.

"I-I am Yael M-mateo Sebastian, I worked as a janitor f-for, I-I mean at a different restaurants and convenience store, I graduaded at UP Diliman and my course is Bachelor o-of Science in architecture graduated with latin honors, for now I am still p-planning of working as a j-janitor because I want t-to gain experience first before becoming an architect, a-and that's all po." Sagot nya at nauutal pa sya, he has no confidence in answering my questions, nauutal pa and this is not the kind of employee that I'm looking for, I want someone who answers my question confidently.

"Why did you decide to apply for this position?" Another question, he just scratched the back of his neck before answering.

"I-I didn't hear anything about it, I-I just want to apply for janitor and I need the monthly pay, hehe." He answered, I really hate this kind of answers na sasabihin they just need the salary, halos lahat ng kompanya ayaw ng ganitong sagot eh, hinding hindi ko to ih-hire.

"What are your biggest strengths and weakness?" 

"M-my biggest strengths? U-uhm I am e-efficient at working under stress." Nakangiti nyang sagot, I do not really like seeing his face kaya tinitigan ko nalang yung resume nyang kulang kulang, especially sa experience, halos lahat ng pinag applyan nya puro janitor tapos nagtapos ng architect na may latin honors, sayang ang pinag aralan nito kung janitor lang ang papasukin nito sa lahat ng trabaho nya.

"May nakalimutan ka, your biggest weakness?" Tanong ko at tumawa lang sya.

"Ako mahina? Sinong nagsabing mahina ako I am strong!" Sagot nya at nagpakita pa ng muscle, wala sa tamang wisyo to.

"Mr. Sebastian ang nakalagay dito sa resume mo nakapag apply ka na sa iba't ibang restaurants at convenience store, malamang sa malamang alam na alam mo na tong tanong na to tapos sasabihin mo sakin hindi ka mahina, malakas ka? Pinakitaan mo pa ko ng muscle hayop ka, umalis ka dito at dalhin mo yang resume kasama mo! Goodluck nalang sa susunod na kompanyang pag aaplyan mo!" Inis na sabi ko at tinapon ko sa sahig ang resume nya, pinulot naman nya yon at agad din syang pinalayas dito ni Naomi.

"Mars chill ka lang, kawawa naman yung tao hinagisan mo pa ng resume." Saad ni Naomi habang natatawa. "Naomi seryoso ka ba? Nakita mo naman kung gano kagago yung lalakeng yon! Sa lahat ng ininterview kong applicants sya lang yung ganon! Wala sa tamang pag iisip! Naomi grumaduate sa UP Diliman with latin honors, and architect ang course nya, I was expecting na magiging maayos ang interview ko sakanya but it turns out it's the other way around!"

"Hay nako Zoe kung patuloy mo lang iintindihin yang mga yan talagang iinit ang ulo mo, chill ka lang mare malapit na ulit ang break time natin tutal yun lang ang pinakamagandang nangyayari sa trabaho natin on a daily basis, ano tatawag na ba ko ng susunod?" Tanong ni Naomi.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon